27. "Welcome home, Madam!" Mainit ang pag-salubong ng mga tao sa Mansion sa pag-uwi ni Lola Madam. Hawak ko ang maleta na may laman ng gamit ni Sir Heath at akin. Inalalayan nina Xitrix at Gio si Lola Madam para maka-baba ng kotse. "Salamat," mahina pero bakas sa ngiti ni Lola Madam na sambit niya. May kaunting salo salo dahil mas bumuti na ang kalagayan ng Lola nila. Narito rin ang iba nilang relatives para salubungin ng yakap si Lola Madam. Sabi ng Doktor ay stable naman na siya pero kailangan ay bed rest pa rin. Na-salubong ko sa pinto si Rose na may benda pa rin sa braso. Maliit ako'ng ngumiti sa kaniya at ganoon din siya sa 'kin. Nang nakapasok na si Lola Madam sa kwarto niya ay umakyat na rin ako sa binigay na guest room sa 'kin. "Sigurado ka ba'ng maghi-hiwalay kayo ng room ni

