26. "Don't take seriosly si Grandma, Syd," biglang sabi ni Rev pagka-labas namin ng kwarto ng Lola nla. Agad akong niyakap ni Sir Heath papunta sa kaniya at sinamaan ng tingin ang pinsan. "Let's go home," sabi ni Sir Heath at bahagyang humalik sa noo ko. Tumaas ang balahibo ko dahil ginagawa na naman niya 'yung bagay na nagbibigay sa 'kin nang kakaiba'ng pakiramdam. Ilang beses niya nang hina-halikan ang gilid ng noo ko pero madalas sa noo ko mismo duma-dampi ang malambot niya'ng labi. Nag-simula 'to no'ng pangatlo'ng araw na namin dito sa Davao. Naramdaman ko ang halik niya habang naka-higa ako sa sofa at nagba-bantay sa Lola nila, nakatulog ako noon dahil sa pagod dahil kahit nasa Davao kami ay gina-gawa namin ang trabaho. Hindi ko rin naman gusto'ng mapabayaan ni Sir Heath ang kanil

