KABANATA 15

2359 Words
15. "Speak, Annie." I can't talk. Hindi ko kaya dahil sa ginawa niya. Papatayin niya yata ako dahil lang sa ngiti at sa mga sasabihin pa ng bibig niya. My lips are kinda trembling but I managed to walk sa pintuan ng unit ko. Hinanap ko ang susi sa bag ko. "Annie," tawag niya ulit kaya sa gulat ko ay nalaglag ko ang susi. Sabay kaming napayuko at kinuha ang susi. Iniwas ko ang kamay ko at umayos na ang tayo. Sinubukan ko nang buksan ang pintuan at nang mapagtagumpayan ko na nga, agad kong binuksan ang pinto at pumasok pero agad siyang sumunod. "Annie," tawag niya. Tumingin ako sa kaniya. Nakakatunaw talaga 'tong mga tingin niya sa'kin. "Sir Heath, kailangan ko na pong magpahinga." "Talk to me first." "A-ano po bang gusto niyong sabihin ko?" Hindi siya nakasagot kaya pumasok na ako ng unit ko. Naiwan siya roon sa harap ng pinto. Nilapag ko sa lamesa ang mga gamit at pinamili ko na hindi ko talaga alam kung magagamit ko. "Umuwi na po kayo, Sir Heath," sabi ko at muli siyang hinarap. Hahakbang sana siya pero agad kong pinigilan. "Sir Heath, you need to go home." Ang paghakbang niya ay agad niyang tinigil. Papalapit sana siya sa'kin. Dalawang hakbang lang 'yun pero ang puso ko, grabe sa pagtibok ng mabilis! Urgh. He sighed and nodded. "Alright. Good night," 'yun lang at umalis na siya. Sinarado niya ang pinto at halos mapahawak ako sa lamesa. "Grabe," I muttered. Ang lakas talaga ng dating niya sa'kin! 'Yun lang ang ginawa niya pero.. pero yinakap niya kasi ako?! First time 'yun– namin na ganun kalapit! Gosh. I can't even have a properly breath. Napahawak din ako sa puso ko na grabe ang pagtibok. Napailing na lang ako at tinuloy ang mga gagawin ko sana ngayong rest day ko. Kinaumagahan ay maaga ako sa trabaho dahil baka may iniwan ng mga trabaho si Sir Heath simula kahapon. "Aga mo baks!" sabi ni Gab. Pumunta siya sa cubicle ko. "Galit ang Sir-Init kahapon!" Kumunot ang noo ko. "Iba ang galit, Syd! Nawalan nga ng trabaho ang dalawang tsismosa kahapon!" "Ha? Sino?" "Sino pa ba? Edi, ang fake friend natin na si Mona at ang dakila niyang beshy kuno na si Daisy!" Agad akong napatingin sa kaniya. Tumango-tango siya sa'kin. "Nagalit ang Sir-Init kahapon, hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil nasa loob sila. Ang una pa nga nun ay hindi maayos ang gawa nila at puros mali! Tapos noong pinatawag sila ni Sir-Init, ilang minuto pa ay lumabas silang tahimik at nagliligpit na ng gamit," pag-kwento ni Gab. "Lumabas si Sir, nakakunot ang noo. Nagulat nga ako nang hinanap ka sa'kin. Ang sabi ko naman ay rest day mo, pagtapos ay bumalik siya sa office niya." "Alam mo kung ba't sila pinatawag at ano ang nangyari sa loob ng office?" Kinuha niya ang isang upuan at lumapit sa'kin. "Heto, baks, rumor lang ito, ha! Hindi ko alam kung totoo," mahina niya sabi. Nilapit ko naman ang tainga ko. "Kahapon, si Daisy kasi masyadong pula ang labi, parang sinapak ng ilang beses! Tapos naghahagikhikan sila ni Mona na pumasok sa loob ng office ni Sir." "Tapos? Ano naman kung pumasok sila sa opisina ni Sir? Baka may tinanong lang si Sir Heath sa mga gawa nila." "Engk! Huli ka ba sa balita, Syd? Gusto ng Daisy na 'yun si Sir Heath, kaya ang bali-balita rito sa floor natin ay baka sinubukan niyang harutin!" Hindi agad ako nakapag-salita. Ano kaya ang nangyari nung nasa loob sina Daisy at Mona sa opisina ni Sir? Sinubukan niya kayang gawin 'yun kay Sir Heath? Tila sumikip ang dibdib ko. "Kaso ang ending, nawalan sila ng trabaho! Kaya baka nag-failed ang fake beshy na 'yun," dagdag pa ni Gab. "Ano ka ba, naniwala ka naman? Baka malay mo may iba pang dahilan..." Ngumiwi sa'kin si Gab at umiling. "Earth to Anniesyd? Anniesyd to Earth? Hindi mo ba halata? Halos maghubad na nga 'yun si Daisy kapag may meeting at siya ang magpi-prisinta!" "Judger mo naman. E, ganun talaga siya mag-suot. Wala naman na tayong magagawa dun." "Tsk! Basta ang alam ko, matagal na niyang kursunada ang boss natin! Nag-init lang siguro lalo ang pwet ni Daisy nang makita niya 'yung nangyari sa inyo ni Sir Heath noong nakaraang linggo." "T-talagang gusto niya si Sir Heath?" "Tumpak!" Matapos namin mag-usap ni Gab ay bumalik na kami sa trabaho namin. Hindi ko tuloy maiwasan kung ano ang posibleng nangyari sa loob ng opisina habang wala ako kahapon.. Nakakaramdam din ako ng selos ng hindi naman dapat. "Ayusin mo sarili mo, Anniesyd. Hindi 'yan pwede," pagbulong ko sa sarili. Binuksan ko na ang computer at nag-check ng mga gawain kaso dalawa lang 'to kaya agad kong natapos. Wala pa si Sir Heath nung natapos ako kaya pumasok na 'ko sa opisina niya. Nilapag ko sa lamesa ang mga papeles at kaunting iginala ang paningin. "Ano kaya mga nasaksihan mo?" Nakakatawang kinakausap ko ang kwarto ngayon. Napailing na lang ako. Hindi na dapat ako nagiging curious dito, dapat limitahan ko na ang sarili ko. Hindi kami bagay. Nakabalik ako sa cubicle at nakita ang papalapit na si Gab na may hawak agad na inumin. "Aga naman para dyan, Gab," sabi ko at umupo. "Ayoko talaga ng nas-stress, lagi akong nagpapa-deliver!" Sumandal siya. "May pinagkaka-guluhan pala sa ibaba, ang gwapo. Nakaupo lang siya roon at tahimik!" "Linaw talaga ng mata kapag sa gwapo." "Truks! May pakiramdam ako na isang del Mundo 'yun, Syd! Malakas ang ka-gwapuhan nila, e." "Talaga?" Kumunot ang noo ko. Napatingin din ako sa orasan at nakitang alas nueve na ng umaga. Usually, alas otso ay nandito na si Sir Heath. "Alam mo ba kung anong pangalan?" "Syempre, ako pa ba?! Narinig ko sa mga babaeng nakadungaw sa front desk na Gio raw ang pangalan." "Gio?" "Oo, baks. Mukha nga siyang bad boy tignan. May tatts rin siya sa kaliwang leeg niya tapos naka-shirt at ripped jeans ang porma. Hay! Napaka-gwapo! Gandang biyaya para sa umaga ko." Kinuha ko ang phone ko at ite-text si Sir Heath. Sir Heath: Goodmorning, Sir Heath. May expected visit po kayo today? "Bakit, baks? Kilala mo?" "Oo, del Mundo 'yun, e," tumili siya kaya napatingin ako sa kaniya. "Huy, ang ingay mo may mga nagta-trabaho." "Sabi na! Malakas ang aura ng mga del Mundo, e! Kakaiba ang karisma!" Napailing na lang ako at pinabalik ko na siya sa cubicle niya. Baka mataon pa na paparating na si Sir Heath, baka magalit at isipin na tsismisan lang ang ginagawa sa opisina niya. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko nang may tumawag. Si Sir Heath pala. "Sir Heath." ["Hi, love. Are you already in my office?"] Wala man lang pasintabi sa pagtawag niya sa'kin ng ganyan! Ang aga aga, 'yan agad ang bungad? "Yep." ["Good. Do you want anything?"] Tanong niya. Sasagot sana ako kaso may narinig akong nagsalita. ["Nah, I'm good.] "Sinong kasama mo, Sir?" Mahina kong tanong. ["I'm with Gio. We'll be there in the office but we need to go somewhere else first so I probably back before afternoon."] "Okay. Ingat po." ["Alright, I'll call you once we're done. Wait for me. Take care."] 'Yun lang ang sinabi niya at binaba na. Saan kaya ang punta nila? Ang aga naman nila para umalis mag-pinsan.. Hindi naman naka-formal attire si Gio kaya I assumed na hindi sila sa conference meeting pupunta? Hay, ewan. Bahala na nga. "Baks, tara na. Lunch na!" Aya ni Gab. Halos alas dose na pero wala pa rin si Sir Heath. Gusto ko man siyang i-text kaso baka may importante talaga silang ginagawa at wala naman akong karapatan. Bumuntong hininga na lang ako. Kinuha ko ang wallet ko at sumabay na kay Gab papuntang elevator. Habang pababa kami ay hindi ko maiwasang isipin kung saan nagpunta sina Sir Heath at Gio... tapos wala rin sa opisina sina Daisy at Mona.. imposible kayang pinuntahan nila Sir Heath? Para pabalikin sa trabaho? Tapos.. Tapos ituloy– "Oh! I'm sorry!" Nalaglag ang wallet ko kasi may bumunggo sa'kin habang naglalakad na kami ni Gab palabas ng building. Pag-angat ko si Sir Rev pala. "Hala, sorry Sir Rev!" "No, I'm sorry. Hindi kasi 'ko nakatingin sa dinadaan," sabi niya. "Are you alright?" "Oo naman po." He chuckled. "As far as I can remember, we're on the same age. Drop the formality, tsaka you're my cousin's fiance. Rev will do." Ramdam ko ang pagkakatingin sa'kin ni Gab sa gilid ko. Sasagot na sana ako kaso biglang may nahagip ang mata ko sa bandang likuran ni Sir Rev. "Rev," pag-tawag nito kaya napatingin din sa likuran si Sir Rev. "Gio." Lumapit sila at nagkamayan. Sa likuran ni Gio ay si Sir Heath na kaya awtomatikong napayuko ako. Lakas na naman ng t***k ng puso ko!? "Love," paglapit sa'kin ni Sir Heath. "Where are you going?" "S-sa labas. Kakain kami ni Gab." I tried my best para hindi niya mahalatang kinakabahan ako sa kaniya. "Did I told you to wait for me?" "Lunch na kasi, e. Nagyaya si Gab kaya sumama na 'ko," Napunta sa gawi ni Gab ang tingin ko. Sana naman hindi siya mag-histerical dito ngayon sa mga nakikita at naririnig niya. "Let's go upstairs, I brought you a food." Hinugot ni Sir Heath ang braso ko na nakalagay sa likuran ko, pinadausdos sa kaniyang kamay at sinuklop ang mga ito. Shit. Holding hands. In front of everyone in this floor. "Your co-worker maybe understand that you have to eat with me. Right?" Baling na tanong ni Sir Heath kay Gab. Pero hindi naman siya mukhang tanong dahil hindi rin naman talaga makaka-hindi si Gab sa sinabi niya. "Yes, Sir Heath. Ayos lang, Syd. I should go, lapit na mag-break. Keri lang baks! Mag-take out na lang din ako dyan sa malapit," narinig ko pa ang mahinang hagikhik niya bago umalis. "Heath, punta lang ako saglit sa shop ko," singit ni Gio. Ngumiti siya sa'kin. "Good to see you again, Syd. Una na muna ako, tawagan na lang kita Heath." Magsasalita pa sana si Sir Heath kaso nag-jog na palabas ng building si Gio. Sir Heath massaged the bridge of his nose. "Chill. Gio is okay," biglang sabi ni Rev at nauna na rin maglakad papasok ng building. Gio is okay? What he mean by that? Bumalik lang ang paningin ko nang hatakin na 'ko ni Sir Heath papalakad. Ngayon ko lang napansin na may bitbit pala siyang pagkain sa kabilang kamay. Nang inangat ko na ang tingin ko, nakita ko ang mga matang nakamasid sa'min. Hindi ko tuloy maiwasang mamulahan ng pisngi. Halos lahat kasi sila nasa amin ang tingin. Hindi 'yun napapansin ni Sir Heath kaya dire-diretso lang siya sa paglalakad hanggang sa nasa elevator na kami at kaming dalawa lang ang sakay. "S-sir, kamay ko po..." Sabi ko. Napatingin tuloy siya roon at inalis agad. Lakas ng t***k ng puso ko. Hindi naman ganito 'to dati habang nakakasama ko si Sir sa elevator. Parang ayoko na tuloy siya kasama na sumakay dito. Nang tumunog na ang elevator at bumukas ay pinauna ko na siya. 'Yung last time na nauna ako sa elevator iba nangyari, e. "Una na po kayo, Sir," sabi ko at maliit na ngumiti. Umiling na lang siya at nauna nang lumabas. Sunod sunod lang ako sa kaniya habang nagte-text kay Gab na pasensya at sa susunod na lang kami magsabay na kumain. Pumasok kami sa opisina niya at nilapag niya sa lamesa ang pagkaing dala. Siya naman ay dumiretso doon sa lamesa at swivel chair niya. Tinanggal niya ang kaniyang coat at inalis ang kurbata. "Eat there," utos niya. Ginagawa talaga 'kong aso nito. "Kayo, Sir Heath?" Umupo siya at tumingin sa'kin. "Gio and I already eat from the restaurant." "Edi sana hindi na kayo nag-abala, Sir. Doon na lang sana kami sa fast food kumain ni Gab." "Kumain kana lang." Sungit. Umupo ako at binuksan ang pagkaing dala niya. Saktong-sakto pa dahil mga paborito ang mga narito. Hindi na 'ko umangal dahil paniguradong susungitan lang ako ni Sir Heath. "Inalis niyo raw po sa trabaho sina Daisy at Mona kahapon, Sir Heath?" Tanong ko habang kumakain. "Who?" "Sina Mona at Daisy po. 'Yung kahapon niyo raw tinanggal," Napaisip siya kung ano 'yun at tumango sa'kin. "B-bakit, Sir? Ano ba ginawa nila?" Gusto ko lang naman malaman. Naging kaibigan ko pa rin naman kahit papaano si Mona. Sayang lang at masipag din naman 'yun sa trabaho niya. "That is something you shouldn't know." "Bakit, Sir Heath?" Tinapunan niya ako ng tingin. Ba't bawal ko malaman? Kasi nga totoo ang bali-balita sa ginawa ni Daisy at Mona kahapon? Ganoon ba... Baka nga may nangyari nga talaga kahapon na hindi ko na dapat malaman. Napabagal tuloy ako sa pagnguya hanggang sa nawalan na 'ko ng gana. Inayos ko ang mga lalagyan at sineperate ang mga may laman at wala. Tatayo na sana ko para itapon sa basurahan nang mag-ring ang cellphone ni Sir Heath. May nag-text siguro. Nang matapos kong ayusin ang lamesa, ay lalabas na 'ko. "Annie." "Yes, Sir Heath?" Nakahawak na 'ko sa door knob nang tawagin niya 'ko. "Bakit Sir?" "Come here." "P-po?" "I said, come here," sabi niya. He tapped his table. "Come on or else, Gio will be here any seconds now." Nataranta ako kaya lumapit na ako agad. Hinawakan niya ang aking kamay at tinignan kung suot ang singsing. Suot ko naman 'to ngayon. Dala ko na dahil baka mamaya may makasalubong na naman ako. Hinatak niya ako ng kaunti at nadala sa gilid niya. Napatingin tuloy ako sa laptop niya. The desktop wallpaper was us during their reunion in Davao. He was staring at me ang I was in stolen shot, laughing. Medyo gabi na paligid nung picture. Siguro ito 'yung time na nagvi-videoke na silang mga del Mundo. I was laughing carelessly there and his stares at was like he captured a beautiful thing. Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig nang biglang bumukas ang pinto at napabalikwas ako kay Sir Heath! "Heat– Oh s**t, pasensya na," si Gio. Bigla akong napa-estatwa nang mapaupo ako sa kanang hita ni Sir Heath! Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD