KABANATA 16

2224 Words
16. Agad akong tumayo at bahagyang lumayo kay Sir Heath! Shit! Nakakahiya ka talaga minsan Anniesyd! I heard him chuckled. "Come on in, Gio," sabi niya at inayos ang pagkakaupo. Nakangisi pa siya. Tsk! "Nakaka-istorbo yata ako." "Yes–" "Hindi! I mean, hindi," agap ko! Kinakabahan ako habang naglalakad palabas na ng opisina sana kaso tinawag na naman ako ni Sir Heath. "Bakit?" "Stay there in the couch. Mabilis lang naman ito," sabi niya at binaling na kay Gio ang tingin. Nanlalambot ang tuhod ko hanggang sa makaupo sa totoong upuan. Gosh talaga. Ba't naman kasi bigla bigla siyang papasok? Walang katok man lang? Nagulat pa tuloy ako! My heart beats faster than I jogged every morning. Grabe! Nakakahiya! Tingin ko gusto ko na lang talaga maglaho! Sa dami ba naman ng masasandalan at upuan, sa.. sa hita niya pa talaga? Grabe, Anniesyd! Tapos nakita pa noong pinsan niya. Freak! Halos gusto ko na magpalamon a couch ngayon at mawala. Nakakahiya sa pinsan niya. Wala na yata akong dignidad. Hindi ko na gaano naiintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila since occupied ang isip ko dahil sa kahihiyan na naganap kanina. Parang gusto ko mag-take muna ng leave tapos ang reason ay ang pagkawala ng dignidad ko. "Una na 'ko. Syd," tumango ako sa pagpaalam ni Sir Gio pero hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya. Hanggang sa maisarado na ang pinto. "Continue to your lunch, Annie." Awtomatikong umangat ang tingin ko kay Sir Heath. His eyes are now to his papers. Reading and signing. Kaya wala na ako nagawa, hindi na rin ako umangal dahil medyo gutom na rin talaga ako. Umupo muli ako sa couch at sinimulang kumain. Aayain ko ba si Sir Heath kumain? E, kakatapos lang daw nila ni Sir Gio kumain. Kaso nakakahiya, siya naman ang bumili nito. "Sir Heath, kain po," sabi ko. Tumango lang siya pero nasa papeles pa rin ang tingin. Binilisan ko na lang kumain. Matapos kong ligpitin ay nagpasalamat at nag-paalam na ako na babalik na ako sa cubicle ko. He just nodded again and I think, his eyes are glued to his papers. Mahina akong sinarado ang pinto at paglabas ko pa lang ng office ni Sir ay naramdaman ko na agad ang pagtingin ng mga ka-trabaho ko sa akin. Tsk. Simula talaga nung nakita nila 'yung eksena namin ni Sir, ganyan na sila kung makatingin. Para naman'g hindi nila ako nakikitang lumalabas at pumapasok sa opisina ni Sir Heath simula noon dahil sekretarya ako? I sighed and sit relaxly on my chair. Facing my computer. Maya-maya, nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan. Mommy: Darling, ano itong nababalitaan kong relasyon niyo raw ng boss mo? Napahawak ako sa ulo ko. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi magtatagal ay makakarating sa kanila ang tungkol dito. Nagtipa ako ng ire-reply kay Mommy, sinabi ko na magpapaliwanag na lang ako once na umuwi ako ng Antipolo. After that, bumalik na ako sa pagta-trabaho. Ginawa kong busy ang isip ko para hindi ko man lang gaano maalala 'yung nangyari kanina sa opisina. Inabot ako ng ilang oras hanggang sa nagsisi-alisan na ang mga ka-trabaho ko. "Baks! Ano na? Overtime na overtime? Party na ulit!" Sabi ni Gab sa akin. Natawa naman ako. "Alam mo ba nung nakaraan na nag-party tayo at kasama si Nerys, masyado kang lasing!" "Kaya nga, eh! Mabuti na lang ang babait ng mga frienship ko at inuwi niyo ako ng matiwasay!" Hiyaw niya pa. "Ang akala ko nga ay nasa ibang bahay na naman ako gigising!" Natawa kaming dalawa. Nilapit niya ang kaniyang upuan ng kaunti sa akin. "Naaalala mo ba kung paano ka nakauwi?" Panunuyang tanong ko dahil panigurado, hindi niya na iyon naaalala. Natatawa ako habang nakatingin sa kaniya. "Oo, baks! Nag-party ako all night long! May nakilala akong papsi tapos nag-ganern ganern kami sa gilid! Hagardo Versoza nga after kasi parang Tom Jones 'yung nakilala ko!" Natawa kami ng malakas. "Tapos after nun, nagyaya kana umuwi and then hinatid niyo ako sa apartment." "Ha? Hinatid ka namin?" "Oo, 'di ba? Taxi pa nga, girl!" "Hindi ka namin hinatid, bakla ka," sabi ko tapos naiiling na tumawa sa harap ng computer ko. "Sinakay ka lang sa taxi ni Sir." Nakita kong napanganga siya. "Oo. Pinag-taxi ka ni si Sir Heath." Ngayon naman ay napahawak siya sa labi niya. "So, totoo palang nandun siya? H-hindi 'yun dahil sa pagka-lasing ko?" Mahina niyang sambit. Tumango ako kaya napamura naman siya. "Girl, nakakahiya!" "Anong nakakahiya? Pinag-taxi kana nga ni Sir Heath, e." "E, paano ako nakauwi ng maayos sa apartment ko?" "Sinabihan ni Sir 'yung driver." Agad siya umalis sa upuan niya at may kinuha na bag. "Baks, ang bait! Wala siyang kinuha sa akin ni-isa man lang na pera!" Sabi niya. "Don't tell me.. Don't tell me si Sir Heath na rin ang nagbayad?" I pursed my lips and nodded. "Pota," hindi niya nakakapaniwalang sambit. Tawa kami ng tawa dahil doon. Hindi niya talaga maalala 'yung nangyari nung nalasing siya. Nauna nang umalis si Gab dahil nahihiya raw siya magpakita kay Sir Heath matapos malaman 'yung kabutihan na ginawa ni Sir sa kaniya. Nako-konsensya raw siya dahil minsan ay nasasabi siyang masama pero kung tutuusin, may kabutihan pa rin naman daw si Sir Heath sa pagkatao nito. "Caramel frappe at black coffee," sabi ko sa barista. "Overtime ulit?" Tanong niya, tumango ako. "Wala, e. Naiwan na naman ako sa boss ko." Wala na gaanong tao bukod muli sa mga medical student na nagre-review dito. "Ate Syd, alam mo ba hindi pumasa itong si Vince sa gusto niyang babae," biglang sabi ni Marvin. Itong dalawang barista na ito ay close ko na, sa tagal ko ba naman pagiging customer dito tuwing ganitong oras, e. Dalawang taon lang naman ang agwat ko sa kanila kaso makikita mo talaga na fresh pa itong mga ito kesa sa akin. Hindi pa dinaanan ng taon. "Talaga? Himala yata 'yan?" Sabi ko at umupo. Natawa na lang kami. Nang makuha ko na ang order ko ay umakyat na rin ako agad at dumiretso sa opisina ni Sir para ilapag itong kape niya. Kumatok muna ako at pumasok na. "Sir Heath, kape po," sabi ko at nilapag na sa gilid ng table niya na medyo malayo sa mga papeles niya. Mahirap na baka matapon 'tong papel at mabasa 'yang mga pinaghihirapan niyang papeles, e. "Thank you," sabi niya. Naubusan yata ako ng oxygen sa katawan dahil sa boses niyang iyon. Tuwing seryoso siya at frustrated sa mga ginagawa, sobrag  gwapo ng boses niya. Hindi ko alam pero parang attracted ako sa ganoong state niya minsan. Oo, minsan. Madalas kasi masungit 'to si Sir Heath. Lumabas na ulit ako ng opisina at umupo a cubicle ko. Alas-nuebe na ng gabi. Wala na akong mga ka-trabaho bukod iyong mga janitor at janitress na lang ang kasama ko rito sa floor namin. I opened my social media account to get check from my surroundings. May mga kumakalat pa rin talaga na tungkol sa pagigung bachelor-no-more ni Sir Heath dahil nga ay engaged na raw siya. Marami rin akong nakita na comments about sa akin, most of them are negatives. Wala naman akong dapat isipin sa ganitong thinking ng ibang tao, e. Hindi ko naman kasalanan na ganyan sila mag-isip na kahit wala silang alam tungkol sa akin ay nagbibigay na sila ng kani-kanilang sabi sabi. I yawned. Inantok lang ako sa mga nabasa kong comments. I closed my phone at put it back to my desk. Suddenly, inantok na talaga ako kaya inayos ko ang pagkakasandal ko rito sa upuan ko. Mabuti na lang ay malambot ito at medyo malamig dito sa floor namin. Pinikit ko na ang mata ko at maghahanda na sana umidlip nang may magsalita. "Annie." Agad akong napamulat nang marinig iyon at tumayo na ako. "Let's go," sabi ni Sir Heath at nauna na siyang maglakad. Paidlip na ako, e! Tsk! I gathered my things at sumunod na ako sa kaniya. Pumasok na kami ng elevator. Humi-hikab na rin ako dahil sa antok. Pinipilit kong pigilan kaso antok na antok na talaga ako. "Next time, be home early. 5pm will do. Don't wait on me anymore," sabi ni Sir Heath nang tumunog na ang elevator at lumabas na. Sigurado ba siya? "Hindi, ayos lang po," I console him. "No. Be home early and don't argue with me," masungit niyang sabi, so, I shut my mouth. Dumiretso na kami sa sasakyan niya at pinag-buksan niya ako ng pinto. Habang paandar pa lang ang kotse niya ay nagsalita siya. "Have a nap," he said. E, dahil nga sa masunurin ako, sumandal ako at sinimulan ng umidlip. Kinabukasan pagpasok ko ay ordinaryong araw lang din bukod sa pag-rant sa akin ni Gab umagang-umaga dahil nga roon sa kabutihang ginawa raw ni Sir Heath sa kaniya. Inayos ko ang beige pencil skirt ko, white formal shirt at ang buhok kong nakalugay bago kumatok sa pintuan ng opisina ni Sir Heath. "Sir Heath, pa-sign po for Arienza group of company," sabi ko at naglakad papalapit sa kaniya. I handed the papers so he can sign it. Umangat ang tingin niya sa suot ko at medyo kumunot ang noo. May mali ba sa suot ko?! Gandang-ganda pa naman ako sa sarili ko ngayon! Tapos na siya mag-sign kaya kukunin ko na sana kaso saktong paghawak ko sa papel ay ang paghawak niya sa kamay ko. "You're not wearing your ring," sabi niya habang nakatingin sa daliri ko. Agad kong inangat ang isa kong kamay na hindi niya hawak papunta sa leeg ko. Inilabas ko ang kwintas ko kung saan nagsisilbing pendant ang kwintas na binigay niya. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin. "You don't know what's the difference between a ring and a pendant?" "Alam ko po," grabe naman 'to! Alam ko naman 'yun! Inayos ko na ang papeles at lumabas na ako sa opisina niya. Akala niya ba sa akin, bobita? Gusto ko lang naman ilagay sa kwintas para hindi mawala. Hindi ko rin naman nilalagay sa daliri ko dahil ayokong isipin niya na feel na feel ko maging fake fiance niya. Tsk. Sa kwintas ko na rin inilagay para medyo malapit sa puso ko. I laughed to my own thoughts. "Gab, order ka naman milktea. Nakaka-drain 'tong mga paper works, e," sabi ko kay Gab at sumandal dito sa cubicle niya. "Sige. Ano ba sa'yo baks?" Habang nagku-kwentuhan kami ni Gab tungkol sa o-orderin namin ay napunta sa elevator ang tingin ko at nagulat ako nang makita kong si Lola Madam ang lumabas! Literal na napaawang ang labi ko! Si Lola Madam, nandito sa Manila! Bago niya pa ako makita ay agad na akong tumakbo pabalik sa opisina ni Sir Heath. Agad kong sinarado ang pinto nang makapasok ako. Habol habol ko ang hininga ko! Gosh! Bakit naman ganyan may pa-bisita ang Lola Madam dito?! Napatingin ako kay Sir Heath na nakakunot noo sa akin habang nakatingin. Agad akong lumapit sa kaniya. "'Yung Lola niyo Sir, nasa labas," kapos sa hininga kong sabi. "What?" Tumango ako sa kaniya. Natigilan din tuloy siya sa kaniyang ginagawa, hindi rin siya makapaniwala. He let a deep sigh out and then look at me. "Wear your ring, Annie." Agad kong kinapa ang dulo ng kwintas kasabay ng pagkuha ko sa singsing na nakasabit dito. Medyo nahihirapan akong kunin at tanggalin ang pagkakakabit ng kwintas ko. I groaned! Urgh! "That is why you don't use a ring to be your necklace's pendant," masungit niyang sinabi. Inayos niya ang kaniyang polo at ang mga papeles na nakakalat sa lamesa niya. I mentally rolled my eyes. He stood up at pumunta sa likod ko. Hinawi niya aking buhok pagilid kaya medyo tumaas ang balahibo ko sa batok. He reached for my necklace and grabbed the ring. I faced him para makuha sana kaso kinuha niya agad iyong kamay ko at siya na mismo ang nagsuot. Shit. My heart... is beating faster as he put the ring on my finger and after that, to my freaking surprise, hinawakan niya ang magkabilaang baywang ko at walang hirap na inangat! "S-si–" "I'm not your Sir here, Annie. I'm your fiance," mahina niyang sabi nang mapagtagumpayan niyang iupo ako sa gilid ng lamesa niya. Shocks! I literally don't know my current state! I am trembling! Gosh! Pinatong niya ang kaniyang mga kamay sa gilid ko resulting for cornering me. I suddenly feel the awkwardness! I tried to pulled down my skirt dahil medyo tumataas na talaga siya gawa ng pagkakaupo ko sa lamesa! I looked down kasi nararamdaman kong nakatitig lang siya sa akin. Get yourself back together, Anniesyd! Hindi ka marupok. I'm still trying to pull down my skirt and I suddenly saw Sir Heath smirks. "Such a tease," nakatingin pala sa hita ko habang patuloy kong binababa ang skirt ko. Inangat niya muli ang tingin sa mga mata ko. "I wanna thank my Grandma for visiting us here." What did he mean by that?! Sa patuloy niyang paghawak sa kabilaang gilid ko, nakikita ko na ang nagsu-sumigaw na veins niya! Hahawakan ko na sana ang kanang braso niya nang bumakas ang pinto. "Dios mio!" Narinig ko ang mahinang tawa ni Sir Heath. Kahit ako mapapa-dios mio kapag nakita kong ganito ang posisyon ng apo ko sa loob ng opisina niya, e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD