KABANATA 10

2491 Words
10. "Girl! Ano 'yun? Kasama mo si Sir Heath sa kumakalat ng news! Nakakaloka ka!" Yinugyog ako ni Gab. Naghihintay din ang iba naming ka-trabaho sa sasabihin ko. Mabuti na lang din talaga ay hindi ko suot ang singsing na binigay niya! "Fake news lang 'yan, Gab. Ano ka ba," sabi ko. "E, bakit naman engagement agad ang ipapakalat? Hindi girlfriend lang muna? Fiance talaga agad-agad?!" Histerical na sambit ni Mona. Umisip ka ng palusot, Anniesyd! "Mona, I'm his secretary. Babae ako at laging kasama ni Sir Heath sa bawat meeting, syempre bibigyan nila ng issue ang ganun." "E, paano naman ang picture na kumakalat?" Tanong nung babae galing sa kabilang cubicle. "Edited," sabi ko. "Pinapahanap na ni Sir ang gumawa at nagpakalat niyan." Bumuntong hininga ako at tumuloy na sa ginagawa ko kanina. I swear, kahit malamig dito sa'min tingin ko ay pinagpapawisan ako dahil sa halo-halong emosyon. Paano kaya kung makarating 'yun sa pamilya ko? Pwede ko rin naman sabihin na fake news 'yun. Sana lang talaga mahanap kung sino ang nagpakalat para ma-turn down. Nakakapagtaka naman na doon pa mismo sa Reunion nila 'yung picture na kumalat, e, ang habilin ni Lola Madam dun ay walang gagamit muna ng kahit anong gadgets. Nag-text na rin sa'kin si Nerys kaya tinawag ko ng saglit para mapag-paliwanag rin. Panigurado ay nakita na rin 'yun ng ibang nakakakilala sa'min. "Bakla, tara lunch na tayo," aya ni Gab. "O–" "Annie, on my office, now," Biglang tawag ni Sir Heath. Urgh! "Grabe talaga 'yan! Lunch na baks! Sama talaga ng boss mo, 'di ko talaga sure kung paano ka nakatagal dyan!" Sabi pa niya. Hindi naman ganun kasama ugali ni Sir. Crush ko din kasi talaga siya kaya napahaba ang pasensya ko at hanggang sa nasanay na. Nauna nang mag-lunch sina Gab at Mona. Ako naman ay dumiretso sa office ni Sir. "Bakit po?" He stood up from his swivel chair. "Lunch," sagot niya. "Sa cafeteria po ako. Ano pong gusto niyo para ma-orderan kayo?" "What?" "Cafeteria. For food niyo po?" "Who says I need a food from the cafeteria?" Umupo siya sa couch at binukas ang dalawang butones ng polo niya. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi pa rin ako sanay sa ganito niya lagi. "I ordered foods. Any minute now, the foods are here." Tumango lang ako. Ah, so nag-order siya? Para sa'min? "Yes." Shit. Napasapo ako sa ulo. I should practice now my mind not to voice out everything! Mapapahamak pa 'ko, e! Sinabihan niya akong umupo kaya umupo ako sa katapat niyang upuan. Matapos nun ay nakita kong sinandal niya ang kaniyang likod sa upuan. Nakita ko tuloy ng kaunti ang collarbone niya. Tinignan ko siya at nakitang titig na titig siya sa'kin. Na-concious naman ako dahil dun. "Not there, Annie," sabi niya tapos ay tinapik ang tabi niya. "Here." "Ayos na 'ko dito Sir." "Sir? Sir again? I told you to call me by my name, right?" "Pero Sir ko po kayo," pakikipag-talo ko. "Call me that again and I won't continue who the hell spread the pictures," kalmado niyang sabi. "Ayos lang," pagmamatapang ko. "Ayos lang. Tingin ko Sir, career niyo naman ang masisira?" "How do you say so?" "Kayo lang naman po ang sikat." His eyes darted on me. Parang sa titig niya pa lang, maya maya ay tunaw na 'ko. Ba't ba kasi ganito 'to makatingin? Masyadong pa-fall! "Yeah?" He stared at me with his boredness. "So, you're not bothered if the news spread even more?" Tumango ako. Pwede ko naman i-deny 'yun lalo na sa mga kapamilya ko. Wala naman akong pake sa ibang tao. Ilang minuto pa ang nakalipas habang nakatitig sa'kin nang biglang may kumatok. Tatayo na sana 'ko kaso sinabihan ako ni Sir na siya na ang kukuha. Nang matapos kunin ang mga pagkain ay isa-isa niyang nilapag 'yun. "Eat now," utos niya. I just fake smile at him. Ginawa akong aso? Tsk! Sarap naman nito kahit fastfoods! My tummy is so happy with these filipino delicasis! Habang tahimik siyang kumakain ay nagtanong ako. "Pwede ako mag-tanong Sir?" "Hmm," sabi niya. "Nung nasa Davao po tayo. 'Yung sinasabi kasi ng family mo doon parang ang tagal nila akong hinantay makapunta dun?" Tumikhim siya at nilapag ang plato. "They are." "H-ha? Bakit naman? I was really confused back then especially with your other cousin like Rev." When he heard that name he automatically creassed her eyebrows. "You do now remember his name, huh?" There was a sarcastically in his voice. "To start it, it was all because of you." "Bakit naman ako? I didn't bother you before during college! Sulyap lang naman ginawa ko." "You didn't remember anything before college?" He asked. Uminom ako ng tubig at napatanong sa kaniya kung anong tungkol sa before kami mag-college. "Back in Antipolo." "Anong meron sa Antipolo?" Dun kami nabuhay at lumaki bago kami lumipat dito sa Metro Manila. "Hindi mo talaga maalala?" "Hindi nga. Ano pong meron dun Sir?" He shrugged. Ano kaya 'yun? Pabitin naman 'to lagi! Anong meron sa Antipolo? Hindi ko matandaan anong nangyari? "Pa-suspense naman lagi Sir," I mentally rolled my eyes. "E, bakit ganun na lang makatingin sa'yo si Rev, Sir?" Napabuntong hininga siya kaunti at uminom ng tubig. "Are you curious about him?" Nabulunan ako dahil sa tanong niya! Nagtaka lang naman ako! Ba't curious na bang lumalabas kapag nagtatanong ka ng simpleng bagay tungkol sa tao? "No, Sir. I was curious why he looked so mad at you that time." "He is mad at me until now. He thinks I used my power to get someone we both like," he said in monotone. "It was started when he punched me and told me stay away." Lumalim ang tingin niya sa'kin. "But I couldn't. Siya na ang lumalapit sa'kin noon," pagpapatuloy niya. Nakaramdaman naman ako ng selos. So, may gusto siyang babae na apparently, nagustuhan rin nung pinsan niyang si Rev? "Sigurado akong napaka-ganda niya Sir dahil mag-pinsan pa ang nag-away dahil sa kaniya," I said. "She really is. Up until now, my feelings for her is still growing each day." "A-ah, goodluck Sir," sabi ko. I tried to be sound so happy with that and 'wag niyang mahalata na may kaunting selos akong nararamdaman. "You don't get it, do you?" "Ang alin?" I asked him back. Anong hindi ko na-gets? Wala na siyang sinabi at natawa na lang ng mahina. "Nothing. I reserved a dinner," paalala niya at tinanong ko kung para saan at bakit. "I just want to have a dinner with my rumored fiance, later." "Baka magka-issue pa lalo, Sir," sabi ko. "Nako! Mahihirapan ka niyan i-announce na off na ang kasal!" "I won't mind." Feeling ko ang rupok ko talaga. He won't mind daw? What he mean by that? "Ikaw maiipit dyan, Sir. Bahala ka," sabi ko pa. "Still, I won't mind," madiin niyang sabi. "Ikaw, baka ikaw ang magka-problema." "Not at all, Sir," pero iniisip ko na kung tatanggapin ba ng pamilya ko kapag sinabi kong hindi talaga totoo ang bali-balita. Matapos naming kumain ay bumalik na 'ko sa cubicle ko at napatulala. He's making my heart beats faster again. Marupok ba 'ko talaga? "Hoy, baks! Tulaley ka dyan? Nakapag-lunch kana ba?" Tanong ni Mona. "Oo, nung wala kayo. Kumain ako ng mabilis," pagsisinungaling ko. "Sama ka sa'min, Syd, bukas? Saturday night means club night!" Masayang sabi ni Gab. "Fresh fresh kapa, Syd! Baka makakuha ka ng boyfie doon!" Napalakas ng biro si Gab at saktong palabas si Sir Heath. Napakunot naman agad ang noo niya sa'kin. Napahawak si Gab sa bibig niya. "Gosh, girl! Ang kalat! Narinig ka tuloy ni Sir Init-ulo!" Sabi ni Mona nang makalampas na si Sir sa'min. Sir Init-ulo na ang naging bansag nila kay Sir. Swerte lang nila dahil hindi sila nabubuking pa. Nagbiruan pa sila hanggang sa nakita kong umilaw ang phone ko. Sir Heath: What boyfie is he talking about? You're already engaged! Napatalon ang puso ko dahil sa text niya. Ano ba 'tong ginagawa ni Sir Heath sa'kin! Nakakaloka! Napahawak na lang ako sa puso kong nag-aassume ngayon na may ibang meaning pa ang text niya sa'kin. Alas otso na nang matapos kami sa office hours. "Bye, Syd! Ingat ka pag-uwi, girl! Ginagabihan talaga nyang boss mo. Dinadamay ka pa!" si Gab at bumeso sa'kin. Tumawa na lang ako sa kaniya at nagpaalam na. Wala ng tao dito sa floor. 'Yun kasi ang usapan namin ni Sir Heath kanina na papasok lang ako sa loob ng office niya kapag wala nang tao. Mahirap na baka ma-issue lalo kapag nakitang magkasabay kaming bumaba sa buildin at sasakay pa sa kotse niya. "Sir Heath," sabi ko dahil nakatulog yata siya sa couch. He blinked his eyes. "Umuwi na lang tayo, Sir Heath. We need to rest." "No, let's go. I'm hungry." Nauna na siyang maglakad at lumabas ng pinto. Naka-ngising sumunod na lang ako sa kaniya. Hay, Sir Init-ulo. Wala nang tao sa building kaya hindi na hassle ang magtingin. Baka may paparazzi. Dumiretso na kami sa parking area at hinanap ang sasakyan niya. "You don't have your ring with you? I thought you love that?" Tanong niya habang nagmamaneho. "E, hanggang sa opisina ba ay magpapanggap ako bilang fiance mo?" "You don't need to pretend." "Ganun naman pala. Bukas Sir ibabalik–" "You're my real fiance, Annie," presko niyang sabi at napatingin na lang ako sa gawi niya. "You have the ring." "Ibabalik ko bukas Sir." "Why?" "Kasi hindi naman totoo?" I hold my breath. A part of me doesn't want to give him the ring back. "Keep it," mahina niyang sabi. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa loob ng restaurant. Wala gaanong tao pero sa outside part kami umupo dahil mas walang tao doon. A waiter came and we told our orders. "Mama asked if you're free this saturday," panimula niya habang kumakain kami. "She wants you to meet our whole family." "B-bakit?" "It's okay if you're not free. Baka hindi rin naman ako pumunta." "Pag-iisipan ko po. Pero bakit hindi ka pupunta?" "Rev will be there," simple niyang sagot at uminom ng wine. Ano ba kasing meron sa kanila ni Rev? Parang sobra laki nung tensyon nila sa isa't-isa? Ang weird lang din nung pinsan niyang 'yun nung matapos niya mabasag ang antigong baso ni Lola madam at may kasama pang dugo ay narinig kong sinuntok niya rin si Seige kahit pinapakalma lang siya nung tao. May anger issues ba talaga ang mga lalaki na Del Mundo? "Rev and I was 14 that time," hindi ko inaasahan na magsasalita si Sir. Hindi na siya kumakain. Nakasandal na ang likod niya sa upuan at hawak ang wine. "We're swimming in Grava Falls. I was hesitate to go there since our Lola says it has a cursed but Rev was so eager to swim. No one knows that we're going there. Rev and I started swimming peacefully until he was drowning. I cried for a help but I managed to saved him. Our parents were so worried and I was the one to blame habang unconcious siya sa hospital. Nang magkamalay ay humingi siya sa'kin ng sorry dahil nadamay ako pero masaya daw siya that time kaya may utang siya sa'kin. He did this bro code that resulting for us to have an understanding." I didn't know what to say so I just listen to him. He looked at me intensely. "I met this girl during summer in Antipolo. Then one day, I told myself that I should introduce. Nagpatulong ako kay Rev but the next thing I know, the rumored spread na sila na raw. I wasn't angry. All I think before was, if that makes him happy then so be it," sabi niya. "After a year, I met a girl in bayan. She was wearing this lovely pink dress. She was holding her mom's bag and patiently waiting for her. I was 16 by that time when I met this lovely girl. Nalaman ni Rev ang tungkol dun, narinig ko rin na he tried to look for her and when we successfully saw her again.. Rev claimed that he likes the girl first." Hindi ko na natuloy ang pagkain ko dahil sa kwento niya. I just look at him and silently listening. "I told him that I liked her first. Wala naman lagi sa Antipolo si Rev kaya pa-paanong makikilala niya ang babaeng gusto ko na hindi ko naman rin araw-araw nakikita?" Sabi niya. "We got into a gang fight near checkpoint kaya nahuli kami ng pulis but Rev run so fast. Ako lang ang nahuli. Pag-uwi ko sa bahay, wala akong sinabi sa kaniya na kahit ano but he did say, akin 'yung babae, Heath. So, I lost all my senses at nasapak siya. The bro code he did f****d us to be like this." I was wondering what was their bro code para maging ganun sila? Pero wala akong karapatan manghimasok. Kahit gustong-gusto kong magtanong, I zipped my mouth. "Then college came and to my very luck, the lovely girl was there. We're both enrolled to a same University." My heart hurts when he said that. So, nasa parehas na Univ sila nung babae? I- I envy her.. kasi kaya pala hindi niya 'ko napapansin noon.. kasi may iba siyang gusto.. Kaya pala hanggang sulyap lang ako sa kaniya noon. "But Rev enrolled to the same university. My plan to meet her was ruined. I didn't told him about that. Lagi ko siyang tinitignan kahit nag-aaral lang siya sa library. I always look at her back baka makita siya ni Rev. Ayoko silang magkita. Unang una dahil alam kong magse-selos ako. Pangalawa ay alam kong sasaktan lang siya ni Rev gaya ng ibang babae niya." He was so concerned to that lovely girl of him. I can say that he loved that girl truly, huh. Akala ko date ang mangyayari ngayon, hindi pala. "3rd year in college came, first semester. I was looking at my books while walking then suddenly I bumped into someone. I was about to say sorry but she ran really fast. Hindi niya na rin siguro pinansin dahil marami rin naman talaga kaming nasa hallway during that time," sabi pa niya. "Her scent stayed at my shirt for a couple of hours. Sobrang saya ko dahil alam kong siya 'yun, sayang lang dahil hindi siya lumingon. Her scent live for my shirt and live to my nosetrils down to my heart." Tumango tango lang ako. I can't absord his story but I am happy for him. He sipped at his wine and then his eyes look for my eyes too. "Don't you get it?" His smirked. O, he has the audacity to smirk? Hindi niya ba alam na I envy that girl. "You didn't get it." "Get's ko Sir. Pinamumukha mo sa'kin na ma–" "That lovely girl was you, Annie," he said and with that, my heart suddenly stop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD