KABANATA 9

2384 Words
09. Matapos ang pagka-basag ng baso ni Rev kanina ay natapos na rin ang kasiyahan. Ang narinig ko ay tumuloy nang umalis si Rev kasama sila Seige. Umuwi na rin ang iba pang bisita. I am now looking outside from my room. Hindi ako sa kwarto ni Heath tumuloy. Inayos lang siya doon ng mga pinsan niya at umalis na rin ako. I was bothered because of Rev and everyone was saying like finally they met me. Na parang ang tagal nila akong hinintay. Kinda creepy. Inabot ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Nerys. "Hello, um, abot ko lang kay Nerys. Nasa baba kasi siya," tinig ng isang lalaki. I chuckled. Heto siguro ang si Attorney ng buhay ng pinsan ko. "Pinsan mo. Sorry nasagot ko na, akala ko emergency. Ako na dyan," narinig ko naman ang boses ng pinsan ko na parang inabot sa kaniya. "Hello, Syd!" "Wow, mukhang masaya ah!" "Hindi naman. Napatawag ka? Ngayon ka lang nagka-free time?" Tumawa siya. "Ang dami ko na gustong i-kwento sa'yo, Rys!" "Sige, tell me na," rinig ko ang excitement sa boses niya. "Kamusta? How's your Davao trip with your, ehem, boss?" "May sasabihin muna ako sa'yo, pero 'wag kang mabibigla or magagalit na tinago ko ha." "Sure. Ano ba 'yun?" I cleared my throat. Hindi naman ako kinakabahan magsabi sa pinsan kong 'to. "I came here as his fake fiance..." "H-ha? Wait, ano?" "Yeah. Fake fiance." Narinig ko ang tili niya. Nalayo ko ang cellphone ko dahil dun. "Ano nangyari?" tanong nung jowa niya sa kabilang linya. Natawa rin ang pinsan ko. "Nothing. Nothing." Habang kausap si Rys ay kampante ako sa kaniya. Alam ko kasi kapag sa kaniya ako nagsabi, no judgement but we respect each other. Hindi ako natakot sa kaniya na sabihin ang lahat dahil siya na rin talaga ang naging bestfriend ko eversince. Nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita tungkol sa paglipat nila ng bahay nang may kumatok sa pinto ko. Naglakad ako dun at tinignan sa peep hole kung sino, hindi na 'ko nagulat nang si Heath ang nasa labas. Pulang pula pa rin siya dahil sa alak. Nakapikit siya at hawak ang ulo. "Hmm, Rys? I'm sorry but can we just call again later?" "Oh, why? May nangyari ba?" "No. Nasa labas kasi siya," Narinig ko na naman tuloy ang tili niya. "Magdahan dahan ka nga. Aatakihin na sa'yo 'yang jowa mo d'yan!" "Sorry, sorry! Can't help it. Cute kasi! Sige na, call me again when you're free, okay? Take care dyan kay Sir Heath." Nag-asaran pa kami saglit at binaba na ang tawag. Tumingin ako ulit sa peephole kung nandun pa siya.. at nandun pa nga siya kaya pinihit ko na ang pinto. "Hmm. Why?" "You're not in my room," he said using his sleepy voice. "Dito kasi ang room ko. Balik kana dun at matulog. Lasing na lasing ka." "Let's go. I can't sleep," Hinawakan pa niya ang ulo niya. Siguro ay nahihilo na 'to. "Come on, my head is spinning like shit." Hindi na 'ko nag-alinlangan nang makita kong matutumba na siya ay agad ko siyang pinasok dito sa loob at pinahiga sa kama ko. I locked the door and put him on the bed properly. "Iinom inom tapos hindi naman pala," I whispered. "Not drunk," he answered. Nakakagulat naman 'to! Akala ko tulog na! Hinawakan ko ang kamay niya para sana ay hatakin upang umayos ang higa niya kaso siya ang humatak sa'kin. "Drunk with your scent, yes." He slightly smells my hair. "Umayos ka muna ng higa. Hindi tayo kasya kapag ganyan ang ayos mo." Inayos naman niya ang sarili sa unan. Nauntog pa siya dun sa headboard kaya hinampas niya rin. Cute malasing! "Sleep," sabi niya. Humiga na rin ako ng maayos. Kinuha ko ang kalahating part ng kumot para 'yung kalahati ay sa kaniya. Ang tahimik ng gabi. Mahimbing na rin siyang natutulog. Nakatalikod ako sa gawi niya. I can't sleep. Gusto ko sanang tawagan pa si Nerys dahil marami pa 'kong gustong sabihin at malaman na rin ang state nilang mag-jowa. Marami na rin kasing nagpadaan 'yun sila. Sa parents pa lang ni Nerys parang grabe na ang napagdaanan nila. I sighed and stood up. Umupo ako sa tapat ng malaking bintana na may upuan. I texted Nerys that I can't sleep so maybe we can chat more. Nag-reply din naman agad siya. I stared at him while he's at peacefuy sleeping. He doesn't snore ha but his mouth is little bit open. Napatulala na lang ako sa labas ng bintana habang naghihintay ng reply ng pinsan ko. I texted also my family para hindi sila mag-alala. "Annie," pagtawag niya sa'kin. Nakakagulat talaga 'to, bigla biglang magsasalita! Nakapikit pa rin siya, nakakunot ang noo tapos kinakapa kapa 'yung tabi niya. Nang maramdaman niyang wala ako dun ay tumayo at napadilat na siya. His eyes look for me and when he successfully find it, his eyes become calm. "Tulog ka lang," sabi ko kaso hindi siya nakinig. Tumayo siya at naglakad. Papunta sa gawi ko. "Sir, ang sabi ko matulog ka lang dun. Matutulog na din ako. I just texted my family." "Did you tell them that I am with you?" "Oo kaya bumalik kana sa tulog. I'll sleep anytime now," pero lumuhod siya sa harap ko kaya napaayos ako ng upo. "I'll sleep here," hiniga niya ang ulo niya sa hita ko. Niyakap niya rin ng bahagya ang baywang ko. Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin, Heath. Naguguluhan ako. "Mahihirapan ka dyan. Dun sa kama ang higaan, hindi ako." "Hmm," he groaned. "You're not there." Ilang minuto pa kaming tahimik at hinayaan na lang siya. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone at nakitang nagtext si Nerys. Habang nagta-type ako ng ire-reply ay nagsalita itong nakahiga sa hita ko. "Who's texting you?" "Pinsan ko. Si Nerys," sagot ko at nag-send ng reply. "The one who's with you always during college?" I creased my forehead. Paano niya alam 'yun? "Oo. Kakilala mo?" "No," he simply said. "Paano mo nalaman na kasama ko siya noon?" He chuckled. "Love, I've been seeing you since day one." Napahinto ako at pinaangat ko ang ulo niya. He's slightly smiling now. I'm confused, what did he mean to that? "What?" "Anong what? Ikaw, what do you mean by that?" "Uh, can't answer that," sabi niya. "Let's just sleep." "Sagutin mo muna 'ko." "As far as I know, I should be the one to say that," he smirked. "Come on, let's sleep." "Kanina pa kita pinapatulog dun. Ang kulit mo." Kumunot na ang noo niya sa'kin. Nagpangalumbaba na siya sa hita ko. "You don't want to sleep with me." "W-what?" "You don't want to sleep with me, you think I'll do something to you? Love, I won't do that while I'm this mess and drunk. I wanna do it with conciousness so I can properly see you." Napangiwi ako at siya naman ay natawa ng mahina. "Damn, it makes my heart flutter that I can make you blush." I rolled my eyes and crossed my arms. I looked away dahil baka halatang halata talaga na nag-blush ako. Bahagya akong nagulat dahil sa mga sinasabi nitong lasing na Heath sa harap ko. I know what he was talking about, hindi naman ako pinanganak kahapon. But for the record, I am still untouch. "Matulog na tayo," sabi ko. Nakatitig pa rin siya sa'kin kaya tinanong ko siya kung bakit. "Can you promise me that I have you all alone?" Seryosong tanong niya. "I don't want to share you with anyone else." Ito na yata ang mahabang gabi na meron ako. Masaya ang puso ko at hindi na gaano bothered sa mga nasabi ng pamilya niya. Tahimik lang ang tulog ni Heath at hindi naman siya malikot. Ako yata itong malikot dahil pagka-gising ko kaninang madaling araw ay malapit na siyang mahulog dun sa kabila at nasasakop ko na ang buong higaan. "Thank you po." "Have a safe trip, Hija. You can always talk to me for everything. Pati na rin ang tungkol sa kasal niyo. Okay?" Sabi ni Lola Madam. She hugged me and whispered something. "You're worth it." I just smiled at her and then pumasok na 'ko sa van. Kumaway pa 'ko ulit sa Grandparents ni Heath. Umandar na ang sasakyan at papunta na kaming airport para umuwi ng Manila. Pang-pitong araw na namin doon kahapon at nag-decide na kaming umuwi ngayong umaga. Ang iilan sa pinsan ni Heath ay naiwan pa sa Mansyon gaya ni Eli. Hindi na siya sumabay sa'min papauwi. Habang nasa biyahe ay hindi kami nag-uusap ni Sir Heath hanggang sa makauwi kami ng Manila. Pinahatid niya ako sa driver niya pauwi sa condo ko. "Tapos na kasi ang pagpapanggap, Syd. Wala na kayo sa Davao. Back to his secretary na ang ganap mo ulit ngayon," pagkausap ko sa sarili habang nag-aayos ng mga gamit. Hindi ko magawang magsalita kanina habang nasa biyahe dahil ramdam ko rin na ayaw ni Sir makipag-usap. Tango, yes at no nga lang ang sagot niya kay Manong. Mabuti na nga lang din ay hindi na gaano nagsalita si Manong kanina sa biyahe namin. Natapos ang araw na 'yun at balik na 'ko sa trabaho kinaumagahan. "Ay, Syd! Ang fresh mo bakla ah!" Sabi ng katrabaho kong si Gab. Nagkasabay kami sa elevator. "Nakaka-fresh ba ang day offs?" Hindi ko sinabi na pupunta kaming Davao. Sabi ko nag-leave lang ako para umuwi sa parents ko. "Nakaka-fresh talaga," biro ko pabalik. Nang makarating kami sa floor namin ay inayos ko na ang cubicle ko at binuksan ang laptop. Nagbukas ng mga emails. Alas otso nang dumating si Sir. Wearing his casual attire at tumayo na ang lahat para sa kaniya. Kahit ako rin. Every girl in this room giggles as they saw Sir Heath. Sino ba naman kasi ang hindi? Sobrang gwapo kahit wala siyang ginagawa. Hindi man lang niya 'ko tinapunan ng tingin at dire-diretso sa loob ng office niya. "Girl! Sana pala sinama mo ang Sir para ma-fresh naman ang noo niyang laging lukot! Ke-gwapo pero laging galit!" Si Gab at tumawa siya. "Ganyan na talaga 'yan," sabi ko na lang. Tumuloy kami sa gawain at tinawag ako ni Sir. Dinala ko ang mga papeles niya, kumatok at pumasok na. "G-good morning, Sir. Your schedules are tight since you're from the vacation. Mr. Bustamante sent an invitation for the auction, it will be 3 days from now. SV Corp also wants you to be there for cutting ribbon tomorrow. For today Sir, I re-sched some of them since hindi naman urgent." Inabot ko ang papeles. Binasa niya ang iilan doon at inangat ang tingin para sa laptop niya. "Thank you," sabi niya at hahakbang na 'ko paatras para lumabas pero nagsalita ulit. "I reserved a dinner for us later." Wait. Dinner.. Dinner date ba 'yan? Tumango ako. "Okay, Sir." Hahakbang na 'ko ulit nang magsalita na naman siya. "I'm sorry." "Para saan po?" I asked. "Wala naman kayo dapat ipag-sorry, Sir." "Sorry that I didn't talk to you yesterday. I was just thinking.. something." "O-oh, uhm, ayos lang po. Hindi naman ako galit o kung ano man. Ayos lang po," kahit hindi maayos, sige ayos lang. Wala naman akong karapatang magsabi dahil siya ang boss ko at secretary lang naman ako. "Didn't you hear?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko gets ang tanong niya. Hinarap niya sa'kin ang laptop niya at medyo lumapit ako para mabasa. It was an article in the internet. Mr. Heath Ace del Mundo was surprisingly announced his engagement to the beautiful and lovely lady! Heath del Mundo isn't one of the hottest bachelor anymore. Heath del Mundo is now engaged! Who's the lucky girl? The entire article talks about him being engaged. Napanganga ako nang mabasa ang mga 'yun. "I don't know who spread this but I'm working in that now," sabi niya. "Ayos lang ba sa'yo 'yan? Pangalan mo ang nakasulat sa lahat. Hindi ba makaka-apekto sa trabaho mo?" "What?" Parang hindi siya makapaniwala sa sagot ko. Bakit may masama ba dun? "Are you seriously concerned to me?" I cleared my throat and look down. Mali ba? Concerned lang naman ako dahil nasa malaking industriya siya, baka makaapekto sa trabaho niya. Nakita kong napalapit siya sa'kin. "Where's your ring? You don't want it?" Tanong niya. Hindi ko na sinuot dahil hindi naman na kami nagpapanggap dito ngayon. He held my chin to look at him. "You're not bothered with those articles?' "Wala naman ang pangalan ko kaya tingin ko naman ay hindi ako madadawit," I almost whispered dahil lumalapit na naman siya sa mukha ko. "So, you're not aware from the news?" Tanong niya at umiling ako. Hindi na 'ko nakapag-cellphone kagabi dahil nagpahinga ako pag-uwi ko sa condo. Hindi na rin ako nakanood ng T.V. "Annie, the news are spreading like virus. The news were about us." "W-what?" Lumayo ako sa kaniya. "Go out there and see for yourself." Gaya ng sabi niya ay babalik na sana 'ko ng cubicle ko nang pagbukas ko pa lang ng pinto ay nag-aabang na ang mga ka-trabaho ko. "Syd! Bakla ka, ano 'to?!" Si Gab habang hawak ang cellphone at pinakita ang isang picture na kasama ko si Heath. That was taken during the reunion day in Davao with the Del Mundo clan. Sinarado ko muli ang pinto at bumalik ako sa loob ng opisina. I look at him. He's smirking! "Told you," sabi niya at bumalik sa pagta-trabaho. Nagpa-panic akong lumapit sa kaniya. "Bakit hindi ka nagpapanic? Sir, p-paano 'yan? I-i–" Shit! Hindi ko alam ang gagawin ko! My heart beats faster and I really don't know what to do but Heath remains calm! How can he do that in this while the issue is spreading?! "Calm down. I already fixing it, tell those friend of yours it's just fake news or what," sabi niya. I bite my lower lip because of being nervous as heck! "Pero kung ako lang, I'll be quiet. I love the article, I should pay them as a thank you." Napanganga 'ko. He's unbelievable! "Ano?" "I love the article, I shou–" "Oo, narinig ko! What I mean is bakit? Your name is all over the internet!" "Love, as long as it's about me being engaged with you, I'm good."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD