Ilang oras na yata ang lumipas at wala akong balak na sumipot sa kasal namin ni Florencio. Bukod sa natatakot kaming baka may masamang mangyari kapag natuloy ang kasal namin kagaya na lamang sa pag-atake sa amin kanina, ayaw ko rin naman talagang matuloy ang aming kasal. Nasa maraming puno at matatangkad na mga halaman pa rin kaming tatlo ni Paulita at Andres. Ngunit malayo na sa kung nasaan kami kanina. Inilibing na namin ang bangkay ni ama. Mabuti na lang at narito si Andres. Siya iyong tumulong sa amin kahit may sugat siya sa paa. Tinulungan din siya ni Paulita na lagyan ng benda gamit ang suot ni Paulita. Pinunit niya ang tela saka ito itinabon doon sa sugat ni Andres. Nakikita namin si Florencio ngayon mula rito sa kinaroroonan naming tatlo. Wala na rin namang umaaligid dito sa luga

