Kabanata 43

2196 Words

"Ama..." aking tawag kay ama nang ako ay nasa pintuan na. Napaawang naman ang kaniyang bibig nang masilayan ako. "I-ikaw ba iyan, Francesca?" nakangiti niyang sambit. Tumango-tango naman ako habang ngumingiti sa kaniya. Namumuo rin ang mga butil ng luha sa magkabilang gilid ng mga mata ko ngunit pinipigilan ko pa rin ang sarili ko upang hindi maiyak. Sinalubong ako ni ama ng yakap. "Akala ko ay hindi ikaw ang Francesca na anak ko. Napakaganda mo ngayon. Muntikan na kitang hindi makilala," biro niya sa akin. "Ama naman eh. Kailan ka pa naging palabiro?" sabi ko sabay suntok nang mahina sa dibdib niya na ikinatawa naman niya. Tumulo na talaga ang mga luha ko nang tumingala si ama at kumurap-kurap. Kahit pigilan niya ang sarili niya, naluha pa rin siya. Binaling na niya ang tingin sa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD