"Ano? Sa Espanya na titira si Francesca? Bakit naman?" bulalas ni Ate Felicidad nang malaman niya ang nalaman ko kanina mula kay Florencio. Sina ama, ina at Kuya Joaquin pa pala ang may alam tungkol doon. Noong araw na nakabalik na ako rito sa bayan ng San Juan, nasa mansyon ng Rios si ama at tungkol sa pagtira namin ni Florencio pala ang kanilang pinag-usapan. Humindi naman agad sina ama at ina sa ideyang iyon. Ayaw rin nilang malayo ako sa kanila. Pero ngayon, mukhang naguguluhan si ama. "Anak, mukhang mahihirapan yata tayo sa iyong nais. Nanganganib ang ating buhay, higit na ang iyong buhay. Mas mainam siguro kung doon ka tumira sa Espanya kasama si Florencio. Sa ganoong paraan, payapa ang iyong buhay." Nagulantang naman ako sa pahayag ni ama. Mukhang hindi lang ako dahil pati na ri

