"Francesca!" narinig ko pang tawag sa akin ni Florencio pero hindi ko ito pinansin. Naglalakad pa rin ako nang mabilis. "Binibining Francesca, sandali!" muling sigaw niya. Patuloy naman sa pagbagsak ang mga luha ko. "Narito na pala ang binibini? Mabuti naman at nakaligtas siya mula sa mga higante." "Oo nga eh. May balak pa man ding hindi maganda ang pinuno ng mga iyon. Naririnig ko pa lang ang pangalang Digpawang Gubat, tumatayo na ang mga balahibo ko." "Ngunit mukhang may alitan yata sila ni Ginoong Florencio." "Kawawa naman ang binibini. Napipilitan lang siyang ikasal sa lalaking hindi naman niya mahal." "Oo nga eh. Alam naman nating lahat na si Ginoong Federico pa rin ang kaniyang iniibig. Halata naman." Pinagtitinginan na pala ako ng mga tao at naririnig ko pa ang mga pag-uusap

