Dalawang araw na ako rito sa lungga ng mga higante. Laging humihingi ng tawad sa akin si Andres. Naintindihan ko naman. Ayos lang sa akin. Wala namang nangyari sa aking masama. Tumatabi rin siya sa akin kapag gabi. Hindi niya ako iniiwan. Ngayon naman ay nagpupulong ang nga higante. Balita ko'y kalahati sa kanilang samahan ay maaari nang maging higante. Tumindig naman ang mga balahibo ko nang malaman ko iyon kay Andres. 'Yong iba naman sa kanilang samahan ay patuloy pa rin sa pagbabasa. Si Bonita naman ay patuloy lang sa pagsisilbi sa kanila kasama ang ilang mga babae. Sumali naman si Tiyo Pascual at Andres sa pagpupulong. Ako naman ay nasa selda pa rin. Nakatunganga. Tulala. Nami-miss ko na ang pamilya ko. Miss ko na rin ang tanging lalaki sa puso ko. Kamusta na kaya si Federico? Sana a

