Kagigising lang naming lahat. Wala kaming sinayang na oras. Naglakbay agad kami. Ang sabi ni Bonita nasa malapit na raw kami sa kabilang bayan. Alam niya ito dahil ang lugar na napuntahan namin pagkaalis namin sa kweba ay napuntahan na niya isang beses noon. Nakahinga naman ako nang maluwag. Ito na yata ang pinakamahabang paglalakad na naranasan ko sa buong buhay ko. Napagtanto kong mabuti naman pala lalo na kung mayroong kasama sa paglalakad ag may kausap. Hindi ko namamalayang malapit na pala kami sa aming paroroonan. Naalala ko noong nasa modernong panahon pa ako. Doon sa hinaharap, sa taong 2020. Ang layo rin ng nilakad ko no'n. Namin noon. Namin noon ni Federico. Mula sa dalampasigan hanggang sa bahay namin. Grabe! Nakakapagod din 'yon. Tapos hindi ko alam na sinundan pala ako ni Fe

