CHAPTER 62: PAGPAPATAWAD Rhys's POV Dinala ko siya sa isang puno na natuklasan kong magandang pagtambayan. Nakita ko 'to nu'ng unang araw na nagsimula ang pagmamasid na sumama ako kay Zion para magpaalam sa mga taong kasama nilang lumabas sa viyon. Akala ko magagamit ko ang punong ito para akyatan kapag kailangan kong mapag-isa, 'yun pala ay para rito makasama ng sarilinan ang Quina. Umupo siya sa damuhan, sasawayin ko sana pero naisip ko wala naman ibang uupuan kaya hinayaan ko na lang. Umikot naman ako sa likuran niya at saka sumandal sa kabilang side ng puno, hindi ko kasi kayang makipag-usap sa kanya ng harapan o 'yung makikita ko ang reaksyon niya habang nagsasalita. Nakakailang pala siyang kasama, parang gusto ko na agad umalis dahil hindi talaga ako kumportable na nasa isang l

