CHAPTER 63: SAVE THE KING Rhys's POV Sa sobrang hiya ko, iniwan ko na lang ang Quina sa punong iyon. Nagpaalam na ako para puntahan si Cecily. Importante rin na makausap ko sina Zion at Cush tungkol sa mga nalaman ko. Hindi ko alam na malaki pala ang magbabago sarili ko ngayon pagkatapos ng yakap na 'yon, pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko. Para bang may isang tinik na sa wakas ay nabunot na... Siguro nga, nakatulong talaga ang pag-uusap namin ng tunay kong ina at nagkaroon ng bagong piraso ng puzzle na nabuo sa parte ng buhay ko. Sana lang ay magawa ko na rin siyang matawag na In-ma, nahihiya pa kasi ako sa ngayon. Mabait siya kumpara sa Reha, naramdaman ko sa bawat kwento niya na nagsasabi siya ng totoo. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung talaga bang naniniwala ako, baka

