A/N's: Here's the last one. Next two next, next, next day! Not weeks HAHHAHAH.
HAPPY READING!:-*
KABANATA 5: FIVE
°°°°°°°°°°°°°••••••••••••••°°°°°°°°°°°°
ENO’s POV
Pumila na ako ng may tumawag sa akin. Nilingon ko ito. As I laid my eyes on her the surrounding stops. Literaly? Maybe.
The thought that the world stops spinning, I instantly discarded it. Sinalubong ko ang itim niyang mata na medyong nahaluan ng tsokolate.
I creased my brows. Hindi naman siguro ako namamalikmata. But the way she speaks, the way she answers me, all what she did to counter attack my antics, makes my conclusion right.
She is, the person, who I was thinking of.
Mayroong nagbago. Literally and figuratively. Pero ang hindi nagbago ay ang galit niya sa mga taong inuungusan siya.
Just like the old times, I was being playful. Kahit inis na inis siya sa akin mas iniinis ko pa. Pero sabi nga nila “wag mong gawin sa kapwa mo, kung ayaw mong gawin sa’iyo”. And her counter attack to me makes my playful side gone.
“Mj!” a baritone voice thundered. Hindi ko na sana babalingan dahil apektado ako sa sinabi niya tungkol sa pamilya ko.
Wala siyang alam sa mga bagay-bagay pero kung makapagkumento siya parang alam na niya lahat. Hindi naman siya ganun noon.
Nilingon ko ang tumawag sa kaniya. And there, it confirms my conclusion.
Papangaralan ko sana siya. Like how I scold her when we were kids. Pero ng tignan ko ang kapatid niya parang sinasabi niya sa aking huwag gawin ang nasa isip ko. Kaya hindi ko na lang ginawa.
I just observe her.
Tiningnan ko siya paano siya mag-explain sa kuya niya. How she justifies her actions, just how she was taught to be. Lahat ng kilos, kahit kaunting kibot niya, pagkumpas ng kamay, gawi sa paa niya minemorya ko.
Sa tuwing tumitingin siya sa akin hinahanap ko yung dating pagtingin na ibinibigay niya sa akin. But all of it was just gone.
Para lang akong isang estranghero kung tignan niya.
Yohan ask me question that takes me from my reverie. “Anong ginawa mo sa kaniya?” he casually asked me. Pero alam kong may malalim na pagpapakahulugan iyon.
Napatingin ako kay Mj. She’s trying to hide her frustrations and disappointment on Yohan. Pero hindi na siya binigyan ng pansin nito. He just looked at me.
“She’s the one you should ask that question.” I said casually.
Even though my head was full of questions and is in turmoil, I still manage to answer him.
Binalingan naman niya ang kaniyang kapatid na nagpupuyos na ng galit. Umuusok na nga din ang ilong niya. In no time she will breath out fire.
Pinagmasdan ko na lang siyang i-interrogate ng sarili niyang kuya. Parati nga niya akong binibigyan ng matatalas at nakakatakot na tingin. Sometimes I will inwardly pray na huwag na niya akong titingnan ng ganoon dahil nakakatakot.
Nang humingi pa nga sa akin ang kapatid niya, parang gusto na talaga niya akong patayin. I know that she is capable of doing that.
“Ah… Uhmm… Sir ikaw na po.” Tawag sakin nung nasa front desk. Nilingon ko siya at ngingiti-ngiti pa siya. I didn’t respond to her and just look back to the amazona infront of me.
“Ikaw na ang mauna.” Gumilid ako ng kaunti at iminuwestya sa kaniya ang unahan. Alam ko na ang kasunod nun kaya hindi na din ako sumagot. Baka kalbuhin ako.
Habang nasa unahan siya ay inaway din niya yung babae sa front desk for the same reason she gave to me. I just shrugged off all the hatred she’s giving me.
Pagkatapos niya doon ay pumasok na sila sa isang pintuan.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nasa harapan ng front desk at tinatanaw sila Mj sa kinaroroonan nila bago sila nakapasok sa opisina kung hindi lang ako nakaramdam ng may pumipisil sa braso ko.
Pagkabaling ko sa harapan ay agad kong binawi ang braso ko dahil sa lagkit ng tingin sakin nung babae. She even introduces to me her name, kahit na hindi naman kailangan.
“Okay ka lang po ba kanina, Sir?” tanong niya sa akin. Nakatunghay din siya at iniipit sa braso niya ang dibdib niya para kitang-kita ko ang cleavage niya. Kagat-kagat pa niya ang labi niya habang kinakausap ako.
That is lowkey. Wit-Wew!
And me, being me. I leaned also in the counter. Hindi ko na tinanggihan ang grasya. Sayang naman.
Pinagpapasalamat ko talaga na nasa hulihan ako dahil maien-joy ko ang prebelihiyo na ito.
But a message alert stops me. I get my phone from the pocket of my jeans and saw a message from the driver.
Mang Tems: zer when u uwi?? dAdz mo zer zaB uwe na u bliz dw
My head creased. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mang temyong. Naintindihan ko lang yung “when” “uwi” “dad”. Yun lang, yung iba hindi ko na mabasa. Pero dahil mayroong dad sa text niya so I think galling kay papa iyon.
Maybe he wants me to finish this interview fast.
Binalingan ko ang babae sa cashier. I look at her template and saw her name. Amanda. Using my charm, I make the short cut to the office of the owner.
I plastered my sweetest smile on her. “Amanda, when will my interview?” malambing kong sabi. Hinawi ko rin ang buhok niya na mas pinagduldulan din naman niya ang mukha niya na may lubak-lubak tas medyo oily sa kamay ko.
Tiis-tiis lang, para sa ekonomiya ng Pilipinas!
“Ano ba yung interview mo pogi.” Humagikhik pa siya. Nalanghap ko tuloy ang amoy imbornal niyang bibig na hinaluan ng judge na bubble gum.
Kunting-tiis na lang Eno. Kunting-kunti na lang.
“Ako kasi yung inirekomenda ni Don Costodio. Itinawag na daw niya ang tungkol dito kanina.” Sabi ko.
Tiningnan ko ang buhok niya. Hinaplos-haplos ko yun pero nang hawiin ko iyon para ikawit sa likod ng tenga niya, natigilan ako.
Shet, pakshet, pinakbet. May kuto! f**k! Ang dami pang lisa.
Kinikilabutan ako sa naramdaman ko kanina sa buhok niya. Kaya pala parang may gumagapang sa kamay ko at parang mayroong maliliit na parang buhangin kasi mga lisa pala yun. s**t!
Dali-dali kong binitiwan ang buhok niya at tumayo na lang tuwid sa harap.
Nanlaki naman ang mga mata niya at dali-daling lumabas sa kinaroroonan niya para igiya ako dun sa pinasukan nila Mj kanina.
“Hala, sir. Bakit naman po di niyo sinabi sakin agad.” Natataranta niyang sabi. Bakas sa mukha niya ang takot.
“Sabi pa naman ni Don Costodio na padiretsuhin sa opisina yung inirekomenda niya at binilin po yun ni Sir. Lagot talaga ako nito.” Napakamot siya sa ulo niya. Halatang namomoblema pero mas halatang nangati ang ulo dahil mas matagal na pagkukot niya dito.
Napangiwi ako dahil parang makati na din ang ulo ko.
“Its okay.” Pampalubag loob ko sa kaniya.
“Hala, englisherest si kuya.” Sambit niya pero hindi ko nadinig ng maayos dahil mahina lang yun. Hindi ko na lang pinansin. Maybe she thinks that her head is so itchy.
“And also—” inilahad ko ang resume ko sa kaniya “—here is my resume.” Tinanggap naman niya.
“Sorry po talaga. Basta po huwag niyong sabihin kay don. Importante po kasi sakin ang trabaho ko na’to.” I saw desperation in her eyes.
Ganito pala ang nagagawa ng pagiging costodio. Kinakatakutan. Tinitingala. Espisyal.
Ha! Espisyal? Sa’n banda? Sa pangalan? Wow!
Hindi naman sobrang espisyal. Maliban na lang sa matagal na kami dito. Kami ang isa sa mga anim na angkan na namamayagpag dito. Pero ang isang angkan ay wala ng nabalitaan matapos daw matagpuan sa isang bangin ang sinasakyan noong mag-asawa kasama ang kanilang anak na babae.
Nasa apat na taon na daw ang bata noong panahon na iyon. Siya ang kaisa-isang taga pagmana ng naiwang negosyo at ari-arian ng kanilang pamilya na kahit ngayon ay namamayagpag sa buong mundo.
Base sa nalaman ko ay nasa ibang bansa na daw ang mga ito nakabase. Ang CEO ng kompanya ay ang lolo nung batang namatay kasama ng mga magulang. Buhay pa daw ito pero hindi alam kung ano ang kalagayan.
Kaya nga mas nangingibabaw at naghahari-harian ang mga Costodio mula no’on. Ang pamilyang iyon ang nagpapanatili ng kapayapaan sa buong isla at nagkukontrol sa buong angkan namin.
Napasailalim sa impluwensya ng mga Costodio ang natitirang tatlong angkan.
Pero kung ako ang papapiliin, mas gusto ko ang mga panahon na kumpleto ang limang angkan. Kahit mayroong tuso, mayroon namang pumipigil sa mga ito. Walang lamangan. Walang malaking alitan sa isla.
Lahat ay masasaya dahil malaya.
I wish bumalik na ang dati. Bumalik na ang pinakamakapangyarihang angkan upang pukasain at ipatigil ang pamamalakad ng sakim na angkan ng mga Costodio.
Kahit sarili ko silang pamilya ay hindi iyon dahilan upang hindi ko naiisin ang paggiging pantay-pantay ng mga tao. Mas mabuti ng kami ang nasa ibaba, kaysa kami ang nasa ibabaw at lahat ay nakaluhod at naging sunod-sunuran.
Si Don Costodio, ang aking ama, ang dapat na mapatapos na ang kaniyang pamamalakad. Para sa mga tao sa isla.
For the justice and equality. I will, and will stop my own father.
ALUMPYLOVESTORY
All rights reserved 2022.
Ika-limang Kabanata, FIVE.