A/N's: Ginanahan ako HAHAHAH.
Please vote and comment para alam ko kung ano yung lame. Para na din may twist and turns sa plot akong maiaadd.
ENJOY!:-*
KABANATA 6: DAGGER
°°°°°°°°°°°°°••••••••••••••°°°°°°°°°°°°
ENO’s POV
Pagkapasok ko sa opisina ay nakita kong ang magkakapatid. Kumpleto silang apat. Si Yohan, na katapat ng upuan ni Zandra, na katabi naman ni Andruis, habang si Mj naman ay nasa pang-isahan na upuan.
Silang tatlo, si Zandra, Andruis at Mj, parehong nanlalaki ang mata sa gulat.
Tss. Ano ba kasing nakakagulat? Alam ko namang gwapings ako, pero sobra naman kung makareact, pati lalaki napanganga sa’kin. Tsk, tsk, tsk.
All of them was being freeze. Parang may napindot akong pause button pagka-pasok ko. All of them hanged from what they are doing.
Si Mj, nakanganga habang nakaumang ang kinamay na pansit. May umaaligid pang langaw. Malalaki pa ang mata na may halong galit.
Si Andruis naman ay puno ang bibig ng pagkain. Ang isang kamay naman niya ay may hawak ng paper plate at katulad ni Mj ay nakakamay lang siya.
Zandra, on the other hand, was shocked but she already regained her composure. She relaxed after and genuinely smiled at me. Acknowledging my presence.
And just like her sister, Yohan, was way more composed. He nodded at me when our gaze met. I also nodded back.
I glanced once again on Mj na hindi padin makaget-over sa kaguwapohan ko.
Shet ang gwapo ko talaga.
I cleared my throat before speaking and for them to compose themselves. “Angeleno Costodio, Sir.” I bowed down just a little to give respect.
He extended his hand to me. “Good morning, eno. I’m Rios, the owner of this shop.” Pagpakilala niya. I shook his hand.
“Good morning, sir.”
He gave me a smile. “You may sit, Eno.” Iminuwestya niya ang upuan na meron sa harapan niya.
Umupo ako sa upuan. Ramdam ko ang mga pares ng mga mata na nakabantay sa akin. All of my actions were being watched. Matang lawin.
“Is it necessary po ba na nandito sila?” I asked. Itinuro yung apat na magkakapatid.
Alam ko naman kasing awkward kung nasa isang job interview—well not really interview pero parang ganun—at meron ka pang kasama doon na kumakain.
“Is it okay to you?” balik tanong sakin ni Mr. Rios. Alanganin akong napatango.
Hindi ko naman kasi gusto na nandito sila, pero tinanong ako eh. Alangan namang sabihin ko na ‘I don’t want them here. Please put them out.’ Eh, di nawalan ako ng trabaho. Bawian na naman ako ng kung ano ng Daddy ko.
“Okay if that is the case, can we start?” tanong niya na tinanguan ko na lang ulit.
Sarap hind magsalita. Yung tipong tatango ka or hindi para sumagot.
“Where is your resume?” untag sa akin ni Mr. Rios.
“Amanda, the woman outside, get it from me. I think sir, that’s my resume you’re holding.” Tinuro ko ang papel na hinawakan niya ngayon.
His head creased. Binasa niya ang hawak niyang papel at ng mapagtantong akin iyon ay napa-O na lang siya.
“I’m sorry for that. Medyo makakalimutin na kasi ako.” he gave me an apologetic look and I just nod at him.
“By the way, what education did you attain? Not that I don’t trust the decision of Don Costodio, but I should also check if the work I would put you on also reached what you have already attained.” Mahabang paliwanag niya.
I nodded at his point. Hindi din naman kasi pupwedeng inirekomenda ka ay pwede kana sa kung saan ka inireto na position ilagay.
Sometimes, the worthiest position you can get is through from your hard work. It is bound to you because you put time and effort to get it. Hindi yung nakuha mo iyon dahil sa maimpluwensya ang taong nagrekomenda sayo at natatakot silang mabalikan dahil baka magsumbong ka.
And I also choose to work hard. Not because I needed to, but because I wanted it to. It is also a good starting point for me and a better experience I could get, I hope so.
“I did not finish my schooling, sir. I just attained first trimester of my senior high. And I did not also get good grades, that’s also the reason why I should get a job.” I explained.
Lahat ng iyon ay totoo. Hindi ko tinapos ang first trimester ko. I dropped out and also didn’t get good grades. All of them are failing and the only thing I could do and I wanted to is go clubbing. Girls. Bar. Alcohol. And f**k.
This is one of a fresh start for a badass like me.
Tiningnan naman ako ng may-ari na parang wala naman sa kaniya na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral.
“Okay. That’s okay. Hindi naman kita huhusgahan dahil diyan. Sometimes, you can see potentials on kids like you. Don’t get me wrong okay? Its just that—.”
“We can’t spread our wings. That’s why people can’t see it.” I cut him off.
What I said makes him smile widely. “Yes! You get it.” Ang ngiti niya ay hindi mapuknat. Looks like what I have said was the one he was pointing out.
My phone vibrated dahil sa isang text message. I put it in silent mode bago ako pumasok para walang isturbo sa usapan at mabilis akong matapos.
Kahit hindi ko tignan ang nagtext alam ko na isa iyon sa mga tauhan namin. Na nagpapa-alala na kailangan ko na namang umuwi ng maaga dahil sinabi ni Papa. I need to finish this now. Baka magalit sa’kin yun.
And also, I feel a pair of eyes stabbing me with her eyes. Yes, her. Kaya nga kailangan ko na talagang matapos to agad, baka bumulagta ako dito kung magtatagal ako.
“If is it okay to you, sir. I would like to ask a question.” Magalang na tanong ko.
He nodded at me. “You may ask. Go ahead.”
“What is my job?” diretsong tanong ko.
May narinig pa akong kaunting kumento nung kuting. May pagkaharass pa naman yung kumento niya pero sinuway naman siya ng kuya niya.
“You are the delivery guy.” Sabi niya.
Tumango ako.
Mas mabuti na rin siguro yun. Atleast hindi ako mabuburyo sa kakatayo o kaka-entertain ng mga tao sa paligid. And the advantage? I can roam around if I will deliver their furniture. May adventure na ako.
“Okay, aalis na po ako.” sabi ko.
Pagkatayo ko ay may narinig akong side comment. And of course, galing na naman iyon kay Mj.
“Hay! Salamat naman at wala na ang asungot.” Bulong niya pero alam kong sinadya niyang lakasan ng mapadaan ako kinaroroonan niya.
Hindi ko nalang pinansin. Baka nagugutom pa kaya nagpapansin sa gwapong katulad ko.
Nasa may pintuan na ako ng may kumatok.
Bumukas iyon at iniluwa si Amanda. Mayroong dalang mga karton ng pagkain. Nagkagulatan pa kami. Pero ng makabawi ay ngumiti siya sa akin at nag-excuse para makadaan.
Mukhang nahihirapan siya sa dala niya. Ang dami kasi.
Mabilis akong tumayo para tulungan siya. Nakangiti niyang inabot ang ibang hawak sakin. She even caressed my hands when she handed me the boxes.
“Thank you.” Malambing na sabi niya. Hinaplos pa akong braso ko.
Hindi naman ako makapalag. Maliban sa gusto ko— na hindi naman— may hawak din ako, kaya hindi ko nailayo ang braso ko.
I heard someone gasped. Bumaling ako doon at nakita ko si Mj. Sobrang sama ng tingin niya sa akin, para akong papatayin.
“Aba bumalik pa at may kasama pang gurang.”
“Psst. Tumahimik ka nga.”
“Eh, kung ikaw kaya ang makakita ng dumi tatahimik ka? Diba hindi? May sinundo pang haliparot na amoy imburnal.”
I inwardly laugh at that.
She sounds jealous. s**t. Para akong babaeng kinikilig. I tried so hard to sniffle my smile.
I bet my face looks smug with a hint of grin.
I looked away. Baka kasi may maisasama pa ang tingin niya. Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto nila para ilagay doon ang mga pagkain.
Nauna na sa akin si Amanda. Tinulungan din niya akong maibaba ang mga pagkain.
Sa bawat makukuha niyang pagkakataon ay hinahawakan niya ang kamay ko. Sa tuwing gagawin niya naman yun ay bumabaling ako kay Mj para makita nag reaksyon niya. At sa bawat baling ko mas sumasama ang tingin niya.
Akala ko pagmasama ang tingin ng isang tao wala na talagang mas isasama iyon. Ngayon alam ko na yung pakiramdam na bigyan ng death threat sa pamamagitan ng mga mata.
Scary.
Minsan hindi lang tingin ang ibinabato niya. Minsa yung sahog pa sa pagkain ang binabato niya.
Katulad ngayon. Hinawakan ni Amanda ang kamay ko dahil napaso ako, may lumipad ng buto ng manok na sapol sa mukha ni Amanda.
Halos matawa ako dahil may tumalsik pang parang tubig doon sa buto. Parang kakasipsip pa lang nun at nang makita ang ginagawa naming ay mabilis na lang hinugot sa bibig nung kumakain.
May bumungisngis sa gilid namin.
Nagtataka nga ako eh. Kanina pa kami nag-aayos sa mga pagkain pero hindi kami matapos-tapos. Napakamot na lang ako ng ulo ko.
Bakit ba ang tagal naming dito matapos? Baka sa susunod baso na babasagin ang lumipad at hindi na kay Amanda maglanding, kung hindi sakin.
I don’t want to go home with a gauze on my head. Baka mapagalitan pa ako, mas marami pang madadagdag na rules si Papa.
I heard my stomach grumbled. At mukhang hindi lang ako nakarinig nun dahil lahat sila na nasa opisina ay narinig iyon.
Lahat sila ay natatawa. Hindi lang nila matuloy dahil siguro Costodio ako. Halos kulay pula na nga din ang mukha ko dahil sa hiya.
Kahiya.
ALUMPYLOVESTORY
All rights reserved 2022.
Ika-anim na Kabanata, DAGGER.