A/N's: Please vote and comment.
ENJOY READING!:-*
KABANATA 7: ME
°°°°°°°°°°°°°••••••••••••••°°°°°°°°°°°°
MJ’s POV
We are still in Tito Rois office. Nandito din si Asungot.
Hindi parin ako makapaniwala na, dahil lang inirekomenda ni Don Costodio ay tanggap na ito agad-agad. Hindi man lang tiningnan ni Tito ang Bio data nito. Basta basta na lang nag-stamp doon ng APPROVED!
Hindi naman kasi ako nakikinig sa pinag-uusapan nila. Slight lang.
And hindi din ako sure sa mga information na nakuha ko dahil dini-distract ako ni kuya Andruis sa pakiki-chismis ko.
Nakakainis! Napagsabihan pa ako ni kuya Yoha. Narinig siguro niya ang mga pinagsasabi ko. Eh ang layo naman niya. Isa din itong chismoso, eh.
Sabi pa niya sakin na huwag makialam sa mga desisyon ng mga nakakatanda, kesyo alam na nila lahat, kesyo mas madami na silang karanasan!
As if nababase sa karanasan ang opinion? Hindi naman ah!
At tsaka hindi naman sa nagiging bias na ako dito, pero ng dahil lang sa inrekomenda ay tanggap na agad? Hindi man pang tinitingnan ang credentials. Kung papasa ba to sa standards ng pagiging driver. Basta Costodio ang nagrekomenda tanggap agad.
Napailing na lang ako sa naisip.
How far could power overtake loyalty in this town?
Kahit sa gaano ka itim ang budhi basta tapat, kahit may madamay na inosente ay okay lang basta hindi masira ang tiwala ng mga Costodio.
Tss. I won’t allow that.
Kailangan nating malaman ang sariling limitasyon sa mga bagay-bagay. Hindi nakakabuti ang sobra. At hindi rin mabuti ang magtiwala sa iba ng lubos, baka pag wala ka sinisiraan kana pala.
“Tito aalis na kami.” Kapagkuwan sabi ni kuya Yohan. Bumaling naman ako sa kanila na kanina pa nag-uusap tungkol sa kukuning kurso, dahil college na sila. Ako na lang yung hindi pa nagka-college sa aming apat.
Si ate Zandra ay fourth year college at tutor rin ni Vain Dela Torre. Para narin magkaroon siya ng sariling allowance. Ayaw kasi ni ate na i-asa pa kina papa ang panggastos niya sa akin na lang daw yun. Para daw pang college ko dahil mahal ang tuition ng kukunin kong kurso. Tsaka matagal pa bago pa ako makapagtapos.
May residency pa. May kukunin pa akong pre-course bago mag proceed sa kurso ko talaga. At everyday may baon ako kaya nga Malaki-laki na din ang pera na mababawas sa kita ni papa dahil sa baon pa lang. hindi pa kasama doon ang para sa project, pang photocopy at iba pang ambagan sa mga thesis at case study.
Si kuya Yohan ay nagsi-self-study para sa bar exam para sa license niya for being an attorney. Sa ngayon ay internship siya sa isang law firm sa Cebu. Umuwi lang ngayon dahil on-leave siya ng isang buwan para na din sa paparating na graduation nila.
Malapit na talaga akong makakasagot sa mga kaaway at pang blackmail ko na din. Masasabihan ko na talaga sila ng pamatay na linya na “I’ll just call my brother. I’m sure he can sue you.”
Oh, diba ang taray! Umi-english na ako!
Si kuya Andruis ay nag-enrol sa PMA. This June ay aalis papunta sa Manila para pumasok sa akademya. Nakakatakot ang kurso ni kuya, pero gusto daw nitong maglingkod sa bayan katulad nila ate. At napili nito ang pagiging sundalo.
Yun! May tatawagin na din akong “Lt. Colonel! Pahingi naman diyan ng isang matinik na kindat!”
Habang ako ay nasa senior high. Sabi nga ng iba na ang swerte ko raw dahil giginhawa ang buhay ko dahil sa mga kapatid ko. Dahil kapag mag-ku-kulehiyo na ako ay sunod-sunod silang magtatapos at sila na ang magbabayad ng tuition fee ko.
Kahit pa nga daw sa pinakamahal na skwelahan ako magpapa-enroll kaya nilang bayaran. Kahit anong kursong kunin, okay na daw. Lahat ay settled.
Pero hindi naman ako ganun. Na dahil lang sa sigurado na ang future ko ay magpapariwara ako.
Hindi natin alam ang mangyayari sa susunod na mga taon. So, we need to strive more and work harder, just to make sure that we achieve our goals. Don’t rely your future to something that could be vanish in just a snap of a finger.
“Sige…” Tumango so Tito at tinaas ang kamay para magpa-alam. “Yohan, yung mga lamesa? Kailan ipa-deliver?” Pahabol na tanong ni Tito Rois.
“Bukas na lang Tito. Tsaka pupunta pa kami sa palengke para mabili ang mga kakailanganin nila sa pasukan at aalis na kami ni Andruis sa June para sa PMA nito. Sina mama nalang ang maiiwan sa bahay.” Imporma ni kuya Yohan kay Tito.
Tumatango pa si Tito Rois. “Ganun ba… Kailangan niyo rin yan, lalo na at palaging wala itong si Mj sa bahay ninyo pag walang pasok.”
“Oo nga Tito. Kung wala pa kami ni kuya Yohan ngayong bakasyon, baka namomoblema si Mama dahil palaging wala Ito. Kung saan-saan nagsusuot.” Sabad pa ni kuya Andruis.
Pinagkrus ko ang kamay ko sa dib-dib ko. “Nasa atin lang naman ako ah!” Protesta ko.
“Hah! Kaya pala hindi mo nagawa yung gawain mo.” Paratang nito sa akin.
“Ginawa ko naman ah! Nung umuwi ako sa bahay.”
“Saan ka naman kasi nagsusuot, Mj?” Tanong ni Tito.
“Nasa batuhan lang naman ako. tito. Hindi yun malayo! At tsaka, Tito hindi naman po iyon ang unang beses. Alam narin naman nila kung saan ako parati, kaya hindi na sila maghahanap pa sa malayo.” Paliwanag ko.
Para tuloy akong defensive! Sino bang hindi magiging defensive pag ganyan yung tuno ng pananalita?
“Tito alis na kami. Bukas na lang yung lamesa. Pupunta na lang kami ulit dito.” Turan ni kuya Yohan.
“Sige. Ipapahatid ko na kayo sa labas ni Angeleño.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi no Tito.
Mabilis na tumayo si Angeleño. “Wag na po, Tito. We’re not that important, to be guided outside your shop.” Mabilis kong tanggi sa utos ni Tito kay Angeleño.
Huh! Kala mo siguro gusto kitang makasama, hmmp… Nakakasuka kaya.
Pagkarinig nito ay napabuntong hininga itong na-upong muli sa pang-isahang upuan, na kanina pa nitong inuukupa.
As far as I remember I didn’t want him around. Iniiwasan ko nga ang titig nito. Kanina pa ako na aasiwa-an sa kanyang mga titig. At ngayon makakasabay pa niya ito sa paglabas, papunta sa sasakyan nila? There’s no freaking way.
“Don’t be silly Mj. Syempre importante kayo. Mga pamangkin ko kaya kayo. So, it’s normal…” Natatawa pang sabi ni Tito.
Bumaling ito kay Asungot na nasa gilid lang namin nakikinig. Hmmp! Tsismoso!
“Sige na, ihatid mo na sila sa labas. At tsaka bukas ka na lang bumalik, at bukas ka na rin magsimulang mag trabaho.”
Tumango ito at tumayo na. His eyes then glanced on me and I then rolled it. I feel like I was being put up in this situation. Gusto siguro nilang asarin ako!
At bakit naman ako maasar, aber?!
Hay nako! Masyado na kong nag-iisip nito.
We bid our good byes on Tito Rois. I kissed his cheek. Ganun din ang ginawa ni ate Zandra. Si kuya Yohan and kuya Andruis just wave their hands.
Pagkalabas namin sa opisina ni Tito Rois ay agad akong nagmar-tsa palabas sa shop.
Nakasalubong ko pa si Auntie Amanda. Wala ako sa mood ngayon para asarin ang gurang na yun, kung hindi pa sana ako bad trip ngayon edi sana na pahiya ko na to kanina pa.
Yumuko ito ng makita ako. Nilagpasan ko na lang siya.
Lumabas ako sa shop at naghintay sa mga kapatid kong parang pagong kong maglakad.
Nang makarating sila sa kung nasaan ako ay nakita ko sa likod nila si Asungot na nakabuntot. Mukhang nag-uusap pa sila.
His glare was very evident that there’s some mocking on it. Itinirik ko na lang mata ko. As if I care!
“Salamat Angeleño. Pasensya na at pinahatid ka pa sa amin ni Tito Rois at pasensya na rin sa inasal ni Mj.” Paghingi ng tawad no Ate Zandra.
Nangunot ang noo ko sa inakto ni ate. “Bakit ka pa humihingi ng tawad sa kanya para sa akin ate? At tsaka deserve niya yun…”
Ate just shrugged it off. And just give an apologizing look on Angeleño.
He then surpress a smile. “Sige, mauna na ako ha?” He said. Tinanguan niya sina kuya Yohan at kuya Andruis.
Nang bumaling siya sa akin ay nawala na ang ngiti nito. It’s just cold and stoic. “Goodbye Mj.”
My breath hitched when he said those words to me. Oh my! I never heard someone bid good bye to me like that. Even though his face didn’t change it makes it hotter.
When I heard him say my name it feels like it’s given more emphasis. It’s feels like I tasted a unique food that makes me wanted more for it.
I didn’t respond to him. Like I wanted to, but I just couldn’t. He just stares at me for a couple of minutes. When I didn’t speak, he just waves his hand and started to his way going to the parking lot.
I was in spacing out. Kahit nga pinapagalitan ako ni ate dahil sa inakto ko sa harapan ni Angeleño ay hindi ko parin mahila ang sarili ko papunta sa reyalidad.
Napatalon ako ng may narinig na nabasag sa harapan ko. Napatingin ako kung nasaan iyon. Then I saw a pair of eyes staring at me like I was a big puzzle.
“What?” I spat at them.
Kuya Yohan just give me a very concern look at me while kuya Andruis just plastered a grin in his lips. And it gives me chills. I feel like there’s something bad going to happen. When I met the other pair of eyes, parang gusto ko na lang lamunin ng lupa.
Napakamalisyuso!
Wala naman akong pake doon sa asungot na iyon! Wala din akong pake na nagsabi siya ng paalam sa’kin. At sa’kin lang! Sakin! Wala ng iba. Ako lang ang sinabihan niya ng paalam ng ganoon.
I rolled my eyes.
ALUMPYLOVESTORY
All rights reserved 2022.
Ikapitong Kabanata, ME.