Para akong lutang habang palabas ng opisina ni Justin. Ang bait talaga ni God, trabaho ang ipinunta ko rito, pero ang mahal ko ang nakita ko, at ngayon ay boyfriend ko na. Ang saya-saya ko; ang gaan ng pakiramdam ko na para bang lumulutang ako sa ere. Hindi ko pa nga mapigil ang mapangiti habang naglalakad papunta sa lounge area, kung saan naghihintay sa akin si Myra. “Hoy, Erica!” untag ni Myra sa akin. Nawala tuloy ang floating hearts na nakikita ko kanina. “Bakit ang tagal mo? At saka, balita ko, pinatawag ka raw sa office ng CEO? Bakit?" seryosong tanong ni Myra na medyo ikinataranta ko pa. Bigla ba naman siyang sumulpot sa harap ko na parang ilang araw akong hindi na kita. At saka, hindi ko pa naihanda ang kasinungalingan na gagawin ko. Ngumiti ako, sabay ang pag-upo. "Oo, pinat

