“Anong klaseng tanong naman ‘yan, Myra?” tanong ko na parang naiirita. Hawak ko pa rin ang kamay ng kapatid ko na gusto pa ring takpan ang bibig ko. Hindi ko kasi mapigil ang sarili na maiinis. Kahit naman demonyo itong itong kapatid ko, alam ko naman na may puso siya. Proven na 'yon. At syempre, ipagtatanggol ko ang kuya ko laban dito sa kaibigan kong bitter. Parang na kagat niya lang naman ang dila at hindi na masagot-sagot ang simpleng tanong ni Myra, lalo na ngayong nasa malapit na ito sa amin. "Anong masama do'n sa tanong ko?" kibit-balikat namang sabi ni Myra. Nilingon ko ang kuya. "Hayop nga may puso. Ito pa kayang kuya ko na asal hayop lang?” sabi ko na may kasamang nakakalokang ngiti. “Bunso!” sikmat ni kuya. Agad naman akong nagtago sa likod ni Myra. Para kasing gusto ak

