[Flashbacks] BUONG school ay busy sa kanilang pag aayos ng bawat classroom at office dahil sa darating na Valentine's Day na gaganapin sa ika-labing apat ng pebrero. Maraming makikitang mga estudyante ang nasa harapan ng kada classroom dahil nag de-decorate ang mga ito. Makikita rin ang iba't ibang uri ng puso at kulay pula sa buong paligid. Tulong-tulong ang mga estudyante na mag linis ng loob at labas ng classroom nila. Maraming rin mga kabataan ang nag ku-kwentuhan habang nag lilinis ang mga ito. Hawak ni August ang isang maduming basahan. Pinupunasan nito ang malaking bintana ng classroom nila habang paminsan-minsan ay nakikipagkwentuhan sa mga kaklase nito. Hindi man ganon ka-close ni August ang mga ito ay hindi naman siya ganoon kasama para hindi pansinin ang mga ito kapag may

