KATULAD ng ulan na malungkot na bumabagsak sa lupa ay ang mga luha ni August na walang tigil sa pag papaunahan tumulo sa kaniyang mga pisngi. Mapula ang mga mata at ilong ni August sa mag damag na pag-iyak dahil sa sinapit ng kaniyang magulang. May isang nurse ang may hawak na payong at pinapayungan ang dalagita habang tulalang nakatitig sa dalawang kabaong na ibinababa sa ilalim ng lupa. Si Sage na mapula rin ang mga mata ay nakatingin kay August nasa kabilang gilid. Pinaghiwalay sila lalo na sa ibang facility si Sage tumutuloy. "Gusto 'ko na umuwi." Wala sa sariling saad ni August habang tulalang nakatingin sa unahan. "Ayaw mo na tapusin?" Tanong sa kaniya ng lalaking nurse. Ito ang bantay sa kaniya. Gustuhin man ni August na babae ang mag bantay sa kaniya ngunit hindi niya masa

