HINDI matapos-tapos ang malakas na pag-ulan sa kanilang lugar. Simula kahapon pa ito hindi natila. Malamig din ang simoy ng hangin na tumatama sa balat ni Sage kanina nang pumasok siya sa loob ng sasakyan. Nakahinto ang sasakyan niya dahil sa kulay pulang ilaw sa taas. Tiningnan niya ang relo sa wrist at nakita na alas dies na ng umaga. Nang mag green ang kulay ng traffic light ay agad niya pinaandar ulit ang sasakyan. Dahil sa ulan ay mahirap makita ang tanawin, mabuti na lang at may windshield wiper para alisin ang mga tila ng ulan natatakpan nang dinadaanan niya. Makalipas ang isang oras sa daan ay nakarating na siya sa dapat na puntahan. Maingat na pinarada niya ang sasakyan sa parking lot sa gilid ng isang malaking establishment. Nang mabaling ang paningin niya sa unahan ay i

