Kabanata 14 Kahit na madungisan pa ang aking dignidad ay isasangkalan ko ito para makamit ang pangarap. Magpapanggap akong bakla para magawa ang kundisyon ni Mr. Matastas. Sa ganoong paraan ay magagawa kong makapasok sa kaniyang law firm pag nagawa ko ang gusto niya. “Kailangan mo pa ba talaga akong ihatid?” tanong ko kay Amara. Umayos siya ng upo ngunit nilingon niya rin ako. Nakangising pinagmasdan niya ako habang itinataas ang kaniyang hawak na cellphone. Ilang beses tumunog ang shutter nito. Imbis na umiwas sa kaniyang pagkuha ng picture ay sinamaan ko lang siya ng tingin. “Oo naman, Kuya Kalel. Ako lang naman ang kapatid mong full support sa lahat ng gawin mo,” sabi niya habang nakatawa. Kumuha pa siya ng sunod sunod na pictures. Sinabi niyang isesend niya raw ito sa mga kapatid n

