Kabanata 10

1255 Words
Kabanata 10 Kinabukasan ay pumunta agad ako sa law firm na pag-aapplyan ko. Hindi ako pinapasok ng guard dahil mahigpit ang security nila sa building. Noong may lumabas lang na empleyado ay tsaka lang ako nagtanong sa kanila. Napatingin sa akin ang magandang babae at pagkatapos ay ngumiti siya nang sobrang tamis. Binigyan ko siya nang malawak na ngiti. Mas lumapit siya sa akin. Hinawi niya ang kaniyang buhok papunta sa likod ng tainga niya. “May hiring po kayo sa lawyers?” tanong ko sa kaniya. Tumango siya nang mabilis. Nahuli ko ang pagpasada niya sa akin ng tingin. “Mayroon pero limited lang ang iniinterview namin,” sagot niya sa akin kaya nabuhayan ako. “Saan po pwedeng magpasa ng resume?” tanong ko sa kaniya habang hinihigpitan ko ang hawak ko sa aking document holder. “Nagpa-appointment ka ba?” tanong niya sa akin habang sinisilip ang transparent kong document holder. “Kailangan pa po ba noon?” nakakunot noo kong tanong sa kaniya. Tumango siya at pagkatapos ay tumingin siya sa building. Itinuro niya ang malaking poster na nakadikit sa glass wall. Napatitig ako roon at binasa ko ang nakasulat doon. Napakamot ako sa noo ko. “Aba, oo naman. Mahigpit dito, hindi katulad sa iba na basta basta na lang magpapasa ng resume,” sagot niya sa akin habang tinitingnan ako ng may awa. Umiling siya. “Magpapa-appointment na lang po muna ako,” sabi ko habang ngumingiti sa kaniya. Namilog ang mga mata niya noong makita ang dimple ko. Mas lalong lumawak ang ngiti niya noong pasalamatan ko siya. Ayaw pa sana niyang matigil ang usapan namin at gusto pa sana niyang makasama ako sa lunch ngunit sinabi kong papasok pa ako sa loob para makausap ang receptionist. Wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Walang kahirap hirap naman akong nakakuha ng appointment para magpasa ng resume. Dumaan na rin ako sa kaniyang pre-interview. Naging madali naman sa akin ang lahat. Confident na sinagot ko ang lahat ng tanong ng babaeng nag-interview sa akin. Noong matapos niya akong interviewhin ay kinamayan niya ako at tatawagan na lang daw niya ako kung makapasa ako sa evaluation. Noong sumunod na linggo ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanila. Sinabi ng babae sa HR ang araw ng interview ko. Pumunta ako sa tamang oras at naging smooth naman ang lahat ngunit noong naghintay ko ang tawag nila, ine-expect ko nang makakapasa ako sa evaluation ng panel interview ngunit nanlumo ako noong hindi ako natanggap. Noong nakipagkita ako kay Orion ay nalaman kong for formality lang pala ang hiring nila, mayroon na pa lang mga napili at may mga baker ang mga ito. Namimili ang mga ito ng papapasukin sa law firm, at pinapahirapan muna ang mga ito nang sobra. Kahit na hindi ko gusto ay humingi ako kay Orion ng tulong upang mai-recommend niya ako kay Mr. Matastas. Pinayuhan ako ni Orion na pumunta ako sa law firm at ipakita ko raw kay Mr. Matastas na determinado akong mapabilang sa kanila. Bumalik ako sa Law firm. Nagpumilit ako na mag-apply ulit ngunit hindi pa rin nila ako tinanggap. Wala akong choice kundi ang hintayin ang pagdating ni Mr. Matastas. Nais ko siyang makausap ng personal. Hindi siya dumating sa maghapon, hindi na ako umuwi pa sa apartment na tinutuluyan ko. Doon na muna ako natulog sa labas ng building, sa parte kung saan may upuan. Naghintay ako roon hanggang sa nag-umaga, hindi ako nabigo noong nakita ko si Mr. Matastas na bumaba sa kaniyang kotse. Nakuha ko ang kaniyang atensyon. Sinabi sa kaniya ng guard na magdamag akong naghintay, at doon ako natulog. Kumunot ang kaniyang noo noong nagpakilala ako sa kaniya. Itinuro niya ako habang tumatango. “Ikaw ‘yung nirekomenda sa akin ni Mr. McGallster,” sabi niya. Nakangiti na tumango ako. “Siya po ang bayaw ko,” magalang kong sagot sa kaniya. Tinanong niya ako kung ano ang dahilan ko sa pagpasok ko sa kaniyang kompanya. Confident na sinagot ko siya. Sinabi ko ang mga dahilan at rason ko. Tumango lang siya habang tinitingnan ako. Sinabi niyang nabasa niya na ang aking resume at credentials kagabi. “Malakas ang kapit mo pero hindi agad agad ako tumatanggap ng bagong lawyer lalong lalo na kung hindi nito pinaghihirapan ang pwesto sa law firm ko,” seryoso niyang sabi sa akin. Muntik na akong mawalan ng pag-asa ngunit noong nagpatuloy siya ay nabuhayan ako ng loob. Tinapik niya ang balikat ko habang binibigyan ako nang maliit na ngisi. “Pagbibigyan kita ngunit dapat magawa mo muna ang pabor ko. May isa akong kundisyones na ibibigay sa iyo,” sambit niya kaya naging atentibo ako sa sasabihin niya. Nabanggit na naman sa akin ni Orion na nagpapahirap muna ito bago bigyan ng chance ang mga lawyers na makapasok sa law firm nito. Iba’t ibang gawain o pabor pero sobrang mahirap gawin. Kakaunti lang ang nakakapasok sa law firm nito. Matatalino ang lahat at magagaling na lawyers ngunit kahit ganoon, bumabagsak pa rin ang mga ito kung hindi nagagawa ang pabor mula kay Mr. Matastas. “Gagawin ko po ang lahat para magawa ang kundisyones na ibibigay mo sa akin, Sir,” magalang at determinado kong sagot sa kaniya. “Tatanggapin lang kita kapag nagtrabaho ka ng isang taon sa kompanya ng anak ko,” banggit niya sa pabor na ipapagawa niya. “Ito lang po ba?” magalang kong tanong sa kaniya. Nakita ko ang paglawak ng ngisi niya habang tinititigan ako. “Sabihin mo sa akin ang mga ginagawa niya. Bawat pupuntahan at kikitain niya ay sasabihin mo sa akin,” dagdag na sabi niya. “Espiya po ako?” tanong ko. Nakaramdamam ako ng kaba. Magawa ko kaya ito? “Ganoon na nga. Kaya mo bang magawa ito?” tanong niya sa akin. Determinado akong ngumiti sa kaniya. “Opo. Kaya ko po,” sagot ko. “Huwag kang pakasiguro dahil mahirap ang gagawin mo,” sabi niya at ngumiti siya nang malawak. Alam kong hindi ito magiging madali dahil natural na sa abogadong aking hinahangaan ang magpahirap sa mga taong binibigyan nito ng pabor para makapasok sa law firm. Dapat lang na maging malakas ang loob ko. Sinabi ni Mr. Matastas ang address ng company ng anak niya. Bago siya nagpaalam sa akin ay sinabihan niya muna ako ng Goodluck. Wala akong inaksaya na panahon. Kinabukasan ay pumunta agad ako sa kompanya ng anak niya. Papasok sana ako ngunit pinagbawalan ako ng lady guard. Sinabi nitong bawal daw pumasok ang mga lalaki. Wala akong nagawa kundi ang magmasid na lang sa labas ng building. “What are you doing?” tanong sa akin ng isang babae na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya at napaayos ako ng tayo. Lumayo ako sa may poste. “Ano, gusto ko lang malaman kung may opening sa kompanyang ito?” tanong ko habang nakangiwi. Baka akala niya ay holdaper ako at naghihintay ng bibiktimahin. “Meron pero mahihirapan kang pumasok d’yan,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko. “Bakit?” naguguluhan na tanong ko sa kaniya. Ngumuso siya upang ituro ang building. “Bawal ang lalaki d’yan eh, pinuputulan muna ng pototoy bago makapasok,” sabi niya kaya napalayo ako sa kaniya. Bigla naman siyang tumawa nang malakas at pagkatapos ay umalis na rin sa tabi ko. Napatigil ako sa unahan ng building habang nakatingin sa pinakamataas na floor. Makakapasok din ako sa kompanyang ito, at matatanggap din ako sa law firm na pinapangarap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD