Kabanata 11

1082 Words
Kabanata 11 Bagsak ang balikat na umupo ako sa sofa. Pumunta ako sa bahay nila Amara upang humingi ng payo kay Orion. Nakatingin lang sa akin ang kapatid ko pati na rin ang asawa niya. Noong nakapagpahinga ako ng konti ay nagkwento na ako sa kanila kung ano ang nangyari kanina. “Paniguradong mahirap ang pabor na ibinigay niya,” sabi ni Amara ngunit umiling ako. Nakatingin lang sa amin si Orion habang nakayakap sa kapatid ko. “Hindi ko pa alam. Magmamasid pa ako sa paligid ng building para makahanap ng impormasyon, hindi kasi ako makapasok sa loob ng kompanya,” sagot ko sa kaniya. May nakausap lang naman akong babae kanina sa harapan ng building pero parang baliw yata ito. Takutin ba naman ako. “Ano ba ang pinapagawa niya sa’yo?” tanong ni Orion sa akin. Napabuntong hininga ako noong naalala ang pabor ni Mr. Matastas. “Gusto niyang magtrabaho muna ako sa kompanya ng anak niya,” sambit ko, “At gusto niyang sabihin ko sa kaniya ang mga bagay na ginagawa nito,” pagpapatuloy ko. “Ah, magiging espiya ka?” rinig kong sabi ni Amara kaya tumango ako. “His daughter? It will be hard for you to apply in her company,” seryosong sabi ni Orion kaya napaawang ang labi ko. “Bakit mahirap?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Nagsalubong ang aking kilay. Umayos si Orion sa pagkakaupo niya. “She’s a manhater. Mens are not allowed in her company,” wika niya kaya napangiwi ako. Mas nakuha niya ang atensyon ko. Ngayon ay kuha ko na kung bakit sinabi ng babae kanina na puputulan daw ako pag pumasok ako roon. Narinig ko ang pagpalakpak ni Amara. “May ganoon? Grabe, ang cool naman pala niya. Kaya pala noong nag-meeting kayo ay mukha siyang naalibadbaran sa mukha mo, Sibuyas,” sabi niya habang tumatawa. Napatawa na lang din si Orion sa sinabi ng kapatid ko. Ako naman ay biglang nawalan ng pag-asa. “Kaya pala ayaw nila akong papasukin sa loob,” sabi ko habang binabalikan ang nangyari kanina. Hindi ako pinapasok ng lady guard. Hindi na rin naman ako nagpilit dahil ayaw kong gumawa ng komusyon. “What’s your plan?” rinig kong tanong sa akin ni Orion kaya nakuha niya ang atensyon ko. Umayos ako sa pagkakaupo. Tulala na napatitig ako sa kanilang mag-asawa. “Itatry kong makapasok sa kompanya. Kakausapin ko siya ng masinsinan at hihingi ng pabor,” desidido kong sagot sa kaniya. “No. It will not work,” sambit ni Orion habang umiiling. Napakunot ang noo ko. Napatingin ako kay Amara noong lumapit siya sa akin. “Alam mo may maganda akong suhestiyon sa iyo, Kuya Kalel,” sabi niya. Kita ko ang malawak na ngisi sa kaniyang mukha. Alam ko na ang sasabihin niya, kalokohan na naman ito. “Yung opinyon mo ay hindi valid,” sabi ko habang umiiling. Sumimangot siya sa sinabi ko. “Bakit? Matalino ako! Dapat pakinggan mo ang suhestiyon ko,” sabi niya bago ngumuso. “Matalino ka nga sa kalokohan,” pagsang-ayon ko sa kaniya. Inirapan niya ako. Muli siyang bumalik sa pwesto ng asawa niya. Niyakap niya si Orion. Napailing na lang ako. Naglambing siya sa asawa niya at naglambitin siya sa leeg nito. “Sibuyas, minamaliit ako ng kapatid ko,” sumbong niya kay Orion. Napatawa na lang ito dahil sa asawa. “May suggestion ka ba, Orion?” tanong ko sa kaniya. Mas mabuting suhestiyon nito ang sundin ko. “Mas mahihikayat o mapapakiusapan mo pa si Mr. Matastas kaysa sa kaniyang anak na babae,” sabi niya ngunit napabuntong hininga ako. Itinaas ni Amara ang kamay niya. “May suggestion nga kasi ako!” pagpipilit niya. Napatalim ang tingin ko sa kaniya. Nawawalan na ako ng pag-asa at mang-aasar oa siya? “Ano? Siguraduhin mo lang na matutulungan mo ako at gagana ang plano mo,” mariin kong sabi. Nginitian niya ako kahit alam niyang naiinis na ako. “Hindi pwede ang lalaki sa kompanya niya, hindi ba? Edi isa lang ang magandang gawin diyan!” masayang sabi niya. “What it is, sweetheart?” tanong ni Orion habang nakangiti. Full support talaga siya sa asawa niya. “Magpapanggap na bakla si Kuya Kalel,” excited na sabi niya at pagkatapos ay tumawa siya nang malakas. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “What? Gagawin mo pa akong bakla! No! Hindi ko gagawin iyan,” mariin kong pagtanggi sa kaniya. “Talaga ba? Wala ka na kasing choice, eh,” sabi ni Amara habang nagkikibit balikat. “Mas gugustuhin ko pang lumuhod sa harapan niya kaysa ang magpanggap na bakla,” matigas ang boses na sabi ko. “Ang arte mo naman,” natatawa niyang sabi. “May isa pa akong suggestion!” sabi niya habang itinataas ang kamay. “Wala namang matino sa suggestions mo,” umiiling na sabi ko. “Walang matino? Weh? Pag ikaw ginawa mo ang suggestion ko, yari ka sa akin,” natatawa niyang sabi. “Ano na?” labas sa ilong na sabi ko. “Kung ayaw mong magpanggap na bakla, ligawan mo na lang. Jowain mo na lang ‘yung babae,” masayang sabi niya kaya napahawak ako sa ulo ko. Napatawa nang mahina si Orion sa sinabi niya. “Lahat ng suhestiyon mo ay ipapahamak ako,” nawawalan ng pag-asa na sabi ko. Napasandal ako sa upuan habang umiiling. Gagawa pa rin ako ng paraan. Gusto ko siyang makausap. Hindi dapat ako sumuko agad. Hindi ko ginawa ang suhestiyon ni Amara. Pumunta ako sa labas ng kompanya at nagmasid ako roon. Ilang araw ko ring hinintay ang anak ni Mr. Matastas sa pagpasok sa kompanya niya ngunit bigo akong makita siya. Nabalitaan ko na lang sa empleyado niyang babae na nag-out of town daw ito. May mga karinderya sa paligid ng building at nakakuha ako ng impormasyon mula sa mga tindera tungkol sa babaeng nagmamay-ari ng kompanya. Isa lang ang sinasabi nila, masama raw ang ugali ng may-ari nito dahil ito raw ang naririnig niya sa mga babae at baklang empleyado na kumakain sa karinderya. “Dragon ang may-ari niyan,” pag-uulit na sabi ng tindera sa kabilang karinderya. Sinabi rin nitong galit ang babae sa mga lalaking nakikita nito. Totoo nga ang sinabi ni Orion na galit ang babae sa mga lalaki. Mukhang mahihirapan talaga siyang makapasok sa kompanya nito. Pinapahirapan nga talaga ako ni Mr. Matastas dahil alam nitong hindi ako makakapasok sa kompanya ng anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD