Chapter 23: The Acceptance: Lolo Elvie “KUNG umalis ka na nga sa inyo at nagawa ka na ring itakwil ng mga magulang mo... Kami na pamilya mo na nga ay buong puso ka namin tatanggapin, Levi...” nakangiting sabi ko. “K-Kahit... walang-wala na ako ngayon? Kahit na...wala na akong pera at wala na akong hotel na bubuhay pa sa atin?” sunod-sunod na tanong niya sa akin na tinanguan ko naman. “Nakaya naming mabuhay na mahigit sa sampung taon, Levi. Ikaw rin, alam ko na magagawa mo pa rin iyon. Kahit mahirap lang tayo...basta magkasama tayong apat. Ganoon ang pamilya, hindi binibitawan ang isa’t isa. Kung pati ang bahay mo ay isinuko mo rin... Puwede tayong tumira sa apartment na tinutuluyan namin dati ni Deno. Maliit lang naman ang renta at makakabili na tayo ng lutong ulam. May trabaho pa naman

