Chapter 22: Acceptance KINUHA ko ang wallet ko at inilabas ko roon ang mga cards ko, pati na rin ang cash ko at ang susi ng sasakyan ko. Kung hindi nila matatanggap ang mga anak ko ay handa kong isuko ang kung ano man ang mayroon ngayon sa akin. Handa kong isuko ang lahat pero hindi ang mag-iina ko. Wala na akong pakialam pa kung magalit din sa akin si Grandpa at kung itatakwil na rin nila ako sa pamilya namin. Basta hindi ko tatalikuran ang mga anak ko. “Levi, nababaliw ka na ba?! Ano ba ’yang ginagawa mo, ha?!” sigaw sa akin ni Mommy pero hindi ko na siya pinansin pa. Nagawa ko rin ang lumuhod sa kanila. Wala masyadong tao sa floor ng VIP room ng restaurant kaya nagagawa ko rin ang lumuhod sa harapan ng mga magulang ko. Kahit ngayon ko lang din ito ginawa. “Pati po ang hotel, Dad...

