CHAPTER 21: Revelation LEVI EZEIL’S POV “HINDI mo ako kailangan na sagutin agad, Tharisma. Tanggapin mo lang ito. Para...panatag din ang loob ko na may pinanghahawakan ako na hindi ka mawawala sa akin, sa mga oras na ako naman ang wala sa tabi ninyo,” sabi ko at iniwasan ko ang mapatingin sa mga mata niya. Baka kasi makikita ko ang rejection. Hindi pa naman ako handa na tanggihan siya. Hindi siya nagsalita at tinitigan niya lamang ang singsing na ibinigay ko sa kanya. Marami pa naman siyang oras para mag-isip ng isasagot sa akin. “Pero Levi...” “Puwede mong hubarin, Tharisma,” sabi ko at kinuha ko ulit ang kamay niya para hubarin ang singsing niya. Ibinigay ko na lamang iyon sa palad niya. “Levi...” “Malalaman ko ang sagot mo kapag nakabalik na ako ay kusa mo na itong sinusuot,” I t

