CHAPTER 5

1952 Words
CHAPTER 5:WHO ARE YOU? (Past) NAPATINGIN ako kay Levi nang huminto na ang sasakyan niya. Tumingin din ako sa labas ng bintana. “Paano mo nalaman na rito ako nag-aaral?” gulat na tanong ko sa kanya. “Are you kidding me, kid? Dito ako pinanganak kaya alam ko kung ano ang uniform na suot mo, ngayon,” nakangising sagot niya sa akin. Medyo napahiya ako nang kaunti ro’n. Bakit kasi nasabi ko pa iyon sa kanya? “Alam ko rin na laking siyudad ka, kaya imposible ang mga sinasabi mo at saka sabi ni Señora sa Manila ka talaga nag-aral,” sabi ko para makabawi naman ako sa pagkapahiya ko kanina. “Updated ka, ha? Stalker ba kita?” nakangising tanong niya at napairap ako. Ang yabang! Hindi ako stalker, ah! Sadyang nalaman ko lang naman ang bagay na iyon, ah! “Asa ka! Hindi mo ako stalker, ‘no? Feelingero ’to!” asik ko at bubuksan ko na sana ang pintuan ng kanyang kotse kaso hindi ko mabuksan. Napatingin ako kay Levi at na may ngisi na naman siya sa labi. Ano ba ang trip niya? “Buksan mo nga!” sigaw ko at sinamaan siya nang tingin. “No way...” “Buksan mo sabi!” sigaw ko pero hinawakan niya lang ang pang-ibabang labi niya saka ito marahang hinaplos. Oh, goodness! Kay guwapong nilalang naman! “What if I don’t want to?” nakataas ang kilay sabi niya. “Mali-late ako nito! May long quiz kami ngayon!” pasigaw na sabi ko at ngumisi lang talaga siya. “Oo na po, aking prinsesa,” aniya at lumabas siya bigla. Pinanood ko lang din siya. Anak talaga siya nang nanay niya. Ang kulit ng lahi niya. Napaigtad ako nang bumukas na ang pintuan. Kunot-noong tiningnan ko siya nang yumuko pa siya at nakahawak pa siya sa tiyan niya. Lumabas ako at naguguluhang tumingin sa kanya. “Ano’ng trip mo?” suplada kong tanong sa kanya. “Maaari na po kayong pumasok, mahal na prinsesa,” aniya at napataas ang kilay ko. Nang-iinis lang talaga siya sa akin, eh! “Tigilan mo ako, Levi ha!” sabi ko at umayos siya nang tayo. Unti-unti naman siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako sa kinauupuan ko. Ang lakas-lakas nang pintig ng puso ko. “Did I heard it right?” tanong niya sa mahinang boses. Tinukod niya sa hood ng sasakyan niya ang magkabilang kamay niya kaya nakakulong na ako sa katawan niya. “A-Ano ba’ng p-pinagsasabi mo?” nauutal kong tanong. “Tinawag mo ako sa pangalan kong... Levi?” tanong niya na may ngisi pa rin sa labi. “Ano’ng gusto mong tawagin ko sa ‘yo? Prinsipe? Kamahalan? Sir o señorito?” nakataas na kilay na tanong ko naman sa kanya. Napahawak ako bigla sa dibdib ko nang mas tumibok pa ito nang mabilis. “I hate that, but baby or sweety will do,” aniya at nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napatagilid ako. Hinawakan ko ang dibdib niya para sana itulak siya nang hawakan niya ‘yon nang sobrang higpit. “L-Lumayo ka nga sa akin,” sabi ko at nakakakaba talaga ang presensiya niya. “Ahh... My sweetheart... Nauutal siya,” malambing na sabi niya. Wala talaga siyang magawa sa buhay niya kundi ang asarin niya lamang ako. “Huwag mo nga akong tawaging g-gano’n,” kinakabahan kong saad. “What is it, sweetheart?” malambing pa rin ang boses niya. “T-Tigilan m-mo nga ako!” Goodness heaven! Bakit ba ako nauutal?! “Ah my baby...” “Tigilan mo ako! Late na ako sa klase ko!” nakapikit-matang sabi ko at humalakhak pa siya. “Mali-late na nga ang baby sweetheart ko,” aniya at nagulat ako nang hinalikan niya ako sa noo! Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko. B-Bakit... Bakit niya iyon ginawa?! Nahihibang na ba siya?! “Bakit mo ako hinalikan?!” pasigaw na tanong ko at nanlaki ang mga mata ko. “Aw baby masakit sa tainga,” reklamo niya at lumayo sa akin. “Bakit? First time mo ba’ng mahalikan? Wala ka pa bang first kiss, hmm?” nakangising tanong niya. “Meron n, kaya tigilan mo na ako! Walang among nanghahalik sa katulong niya!” masungit na sabi ko. At pinagdiinan ang words na katulong. “Hindi mo ako amo at mas lalong-lalo na hindi ka katulong,” aniya. Siya na mismo ang nagsabi no’n sa akin. “Tanungin mo sa lalaking nagsabi niyan!” sabi ko at naglakad na palayo. “Baby, huwag ka nang magalit.” natatawang usal niya at hindi na lang ako lumingon. Umalis na lamang ako sa lugar na iyon. Nakabubuwisit siyang nilalang. “Tata? Sino ‘yon?” biglang singit ni Kael. Ang vice president namin sa classroom. Mabait at mayaman ang angkan nila. Matalino rin siya at pangalawa sa akin sa klase. “Ah, ikaw pala Kael,” nahihiyang sabi ko. “Sino ang lalaking ‘yon? Nobyo mo ba?” walang emosyon na tanong niya sa akin. Bakit gano’n naman ang reaction niya? Saka ano raw? Nobyo? Ang bata-bata ko para magkaroon ng nobyo kaya! “H-Hindi ah! Anak lang ‘yon ng amo namin. Si Levi” sabi ko at kumunot ang kanyang noo. “Levi? Bakit Levi lang ang tawag mo sa kanya, kung anak iyon ng amo niyo?” nagtatakang tanong na naman niya. “Ah...” “Ano pa ang ginagawa ninyo riyan? Late na kayo, hoy!” sigaw naman ni Rumu. “Pakialam mo ba?” supladong sabi ni Kael kay Rumu. Ganito sila palagi. Nag-aaway kung kami lang ang magkasama. Hindi ko alam kung bakit, eh. Basta ganyan na silang dalawa. “Kung magpapa-late ka ay huwag mong idadamay si Tah,” ani Rumu. Kaya bago pa lumala ang away nila ay pumagitna na ako. Pareho ko silang kaibigan kaya ayoko na nag-aaway sila ng dahil lang sa akin at sa mababaw na dahilan pa. “Tama na ‘yan, Kael, Rumu--” “Are you fighting to each other because of her? Hey, kiddo! Pumasok na kayo sa classroom niyo!” malamig na sigaw ni Levi. Bakit nandito pa siya? ”Umuwi ka na rin!” masungit na sigaw ko rin sa kanya. Baka akala niya, ha. “Lumayo-layo ka sa dalawang ‘yan. Pasok na kayo,” aniya at ako na ang naunang naglakad. Hindi ko rin maintindihan ang isang iyon, eh. *** Kasalukuyan... “Ano ba! Saam mo ako dadalhin?!” pagalit na tanong ko kay... Levi. Hindi, Sir Levi dapat ang itatawag ko sa kanya. Dahil siya ang boss ko. Dapat lang na ganoon ang tawag ko sa kanya. Binitawan niya ang braso ko at tumingin sa akin. “Who are you?” tanong niya. Seryoso ang tono niya at mukhang interesado pa siya. “Ano ba ang pinagsasabi mo riyan?” tanong ko. “Who are you?” tanong niya ulit. “Nagka ka-amnesia ka ba? Tharisma ang pangalan ko,” malamig na sagot ko. “Tharisma...have we met before?” tanong na naman niya. Nasa mga mata niya ang kaguluhan. Nakikilala ba niya ako? Imposible naman iyon. “Sabi ko naman sa ‘yo na hindi pa tayo nagkikita. Bakit ka ba narito? At paano mo rin nalaman na nandito ako?” supladang tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka talaga. Bakit niya ako nahanap dito? Pinapasundan ba niya ako? Pero wala akong pakialam kung boss ko pa siya. Pero sa ngayon ay hindi na. Dahil wala ako sa trabaho at nasa labas lang kami. “Ang init ng dugo mo sa akin, ha,” aniya at napairap ako. “Bakit ka nga ba nandito? Paano mo rin nalaman na rito ako nakatira?” pag-uulit ko. Sirang plaka na ako eh, hindi niya kasi sinasagot ang katanungan ko kanina. “Kung may gusto ay may paraan,” aniya at napakunot-noo lang ako. Mas lalo lang akong nagtaka sa kanya. “Hindi kita maintindihan,” sambit ko. “Ikaw ang hindi ko maintindihan. Sino ka ba talaga, ha? You really looks familiar, I just don’t know kung saan at kailan kita unang nakita. Sino ka nga ba talaga?” tanong niya at halata ang pagtataka sa mukha. “Hindi pa nga kita nakikita, eh. Bakit ba ang kulit mo?!” Hindi ko mapigilan ang pagtaasan siya ng boses. “Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin?” salubong ang kilay na tanong niya. “Umuwi ka na nga lang!” “Kahit ang pinsan kong si Jackele ay... nagtataka rin. Pamilyar ka rin sa kanya. Isa ka bang babae ni Jackele?” Ang kulit! At babae? Nagpapatawa ba siya sa akin?! “Kahit ang Jackele na ‘yan ay hindi ko rin kilala!” sabi ko at tinalikuran siya pero hinawakan niya ang braso ko at sabay hila. “Ano ba?! Ano ba talaga ang gusto mo sa akin?!” “Sa oras na malaman ko na nagsisinungaling ka sa akin ay hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo, makikita mo,” pagbabanta niya at medyo kinakabahan ako sa sinabi niya. “Hindi ako natatakot sa ‘yo,” matapang na sambit ko. “Hindi naman talaga kita tinatakot, eh,” aniya. “Eh, ‘di bitawan mo na ako! Kanina ka pa nakahawak sa kamay ko, eh!” Binitawan naman niya ako at nakapamulsang tumingin sa akin. “Tharisma... Tharisma.. Tha..Tha...” Kinabahan naman ako nang sambitin niya ‘yon. Nawala na yata ang kulay sa mukha ko. “I already heard that name before, but damn it... I can’t remember anything,” reklamo niya. Mas mabuting wala ka na talagang alam, eh. “Sana nga ay hindi mo na maalala pa,” mahinang bulong ko. "What did you say?” naiinis niyang tanong. “Wala! Umuwi ka na nga sa inyo!” “Sungit! Meron ka ba ngayon, ha?” nakangising tanong niya at sinamaan ko siya nang tingin. “Tigilan mo ako!” sabi ko at napatigil siya. Palagi na lamang akong sumisigaw, eh. “I heard that too...before.” Tsk. “Kahit amo kita, wala kang karapatang basta-basta na lang pumunta rito!” sambit ko. Pinasadaha niya nang tingin ang kabuoan ng apartment na tinutuluyan namin at ang karinderya. “Gipit na gipit ka ba ngayon? Malaki ba ang kailangan mo sa pera? Ganyan ka na ba kadesperada na kahit ang karinderya ay pinasukan mo? Makapagtrabaho ka lang, ha?” “Nang-iinsulto ka ba? Pakialam mo ba sa buhay ko, ha?” masungit na sikmat ko. “Concern citizen lang ako. Isa pa puro mga lalaki ang customer diyan tapos...hindi ko na sasabihin pa. So, nagkautang ka ba sa isang tao? Sa bangko? Kaya dalawang trabaho ang pinasukan mo? You know what, I can help you,” aniya at sumama ang mood ko. “Hindi ko kailangan ng tulong mo, lalo na sa mga Leogracia,” binulong ko lang ang panghuli kong sinabi. “What did you say?” “Wala!” “Ah...pamilyar din ‘yan sa akin,” aniya. “Umalis ka na!” sabi ko at tinalikuran na siya. “Hindi kita titigilan, Tharisma... babalik ako bukas!” sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon pa. Ang kulit niya talaga kahit kailan! Gago ka, Leogracia! Kung pupunta ka rito ay napakagago mo! Ngayon pa man ay nagsisisi na ako na naging empleyado niya ako. Kailangan ko na bang lumipat? Kailangan ko na bang mag-resign sa trabaho ko kahit kapapasok ko pa lamang? Kasi sa tingin ko ay mas mapapalapit kami sa ama ng mga anak ko... Natatakot ako... Natatakot ako sa posibleng mangyari. Ayokong...ayoko talagang maalala niya ang lahat ng iyon. Hindi puwede, dahil hindi ko iyon hahayaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD