CHAPTER 6

2392 Words
CHAPTER 6: Touch by lips UMUPO ako sa sahig na nasa locker ng mga waitress at minamasahe ko ang braso ko. Nananakit kasi siya, eh. Kahit sanay na ako sa mabibigat ay hindi ko pa rin talaga maiwasan ang manakit ng husto ang kamay ko. Break muna namin sa trabaho at this moment, kung kaya ay rito na muna ako magpapahinga saglit. Tahimik kasi rito sa locker room. Wala ring isturbo rito. Napalingon naman ako sa may pintuan nang bumukas ito. Inaasahan ko na baka kasamahan ko ang papasok. Pero nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang lalaking pumasok sa loob. Ano na naman ba ang ginagawa niya rito? At bakit siya pumasok sa locker room? Napatingin siya agad sa gawi ko. “Napagod ka ba sa trabaho mo?” mahinahong tanong niya sa akin. Umiwas ako nang tingin sa kanya. Feeling close talaga ang lalaking ‘to kahit na kailan. Minasahe ko na lamang ang braso ko at oo hindi ko siya pinansin kahit alam kong boss ko siya. Ramdam ko ang mariin na pagtitig niya sa akin, kaya nagulat na lang ako nang lumuhod siya sa harapan ko at siya na rin mismo ang nagmasahe sa braso ko. Ano’ng... Ano ba ang ginagawa niya?! Nanindig tuloy ang balahibo ko sa katawan lalo na ng maramdaman ko ang mainit niyang kamay. May bolta-boltaheng kuryente pa rin akong nararamdaman sa paraan lang nang paghawak niya sa akin. “Ano ba’ng ginagawa mo?” malamig na tanong ko sa kanya. “What do you think I’m doing righteno, Tharisma?” balik na tanong niya sa akin. Hindi man lang ba siya naiilang o mahihiya dahil hinahawakan niya ako?! Ni hindi nga niya alam kung sino ako! Maliban sa pangalan ko at empleyado niya lamang ako. Geez... “Walang among gumagawa nito sa mga empleyado niya,” pagalit na sabi ko pero nanatili pa rin akong kalmado. Sandali siyang napahinto sa ginagawa, naninimbang na tiningnan niya ako at tumaas ang kamay niya para hawiin ang buhok kong nakatabi sa mukha ko. Tinabig ko ang kamay niya. “Bakit mo ba ginagawa ‘to?” “Bakit nga ba?” Kailan pa bang itanong iyan sa akin ulit? Ako ‘tong nagtatanong sa kanya, eh. “Umalis ka na lang,” pagtataboy ko at tumayo na ako. “Bakit ba palagi mo na lang akong pinagtatabuyan?” “At bakit nga ba lumalapit ka pa sa akin? Isa lang akong waitress mo rito. At hindi mo ako dapat hinahawakan ng ganoon,” saad ko at pinanliitan ko pa siya ng mga mata. “Pakialam ko naman? Basta ang gusto ko ay guguluhin ka,” nakangising sabi niya. Ang sama talaga ng ugali niya. “Gago ka ba?” sabi ko at naaaliw na pinanonood lang ako nito. “You’re the first woman who called me like that, lalo pa na nga employee lang kita, Miss,” aniya. Lumapit ako sa pintuan at pipihitin na sana ang doorknob nang marahas na pinaharap niya ako sa kanya at isinandal sa nakasarang pintuan. Napaigik ako dahil sa pagtama ng likuran ko sa malamig na pader. Nagulat ako sa ginawa niya, itinukod pa niya ang naglalakihang braso niya sa gilid ng ulo ko at naramdaman ko na rin ang paglapit ng mga katawan namin sa isa’t isa. Ang lapit-lapit din ng mukha niya sa akin at kahit ang mabango niyang hininga ay naaamoy ko na rin. Nakaiinis na talaga siya! “L-Lumayo ka nga...” nauutal na sambit ko at hinawakan ko siya sa dibdib niya para itulak siya palayo sa akin pero hinawakan niya lang ang magkabilang pulsuhan ko at pinihit din ‘yon sa pintuan na sa gilid ko. Ang lakas-lakas nang pintig ng puso ko at nag-aalala ako na baka marinig pa niya. Ano ba ang trip niya? “Bitawan mo ako!” mahinang sambit ko pero ngumisi lang siya. “Naglagay ka ba ng lipstick, ha?” Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko na malambing ang boses niya n’ong binigkas niya ‘yon. Hindi ko siya sinagot, hinabol ko ang mga mata niyang nakatingin sa labi ko. Napalunok ako ng dinilaan niya ang labi niya. Hindi ko na rin napigilan na mapakagat sa pang-ibabang labi ko. My God... “Oh, no...no... no baby, don’t bite your lower lip. Nate-temp akong halikan ‘yan, eh,” tila nahihirapang sabi niya at diretsong tumingin sa mga mata ko. Kinakabahan na ako sa ano mang gagawin niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko tumigil na ang ikot ng mundo ko, nang inilapit niya ang ilong niya sa labi ko at inamoy ‘yon. Kaya para na akong hindi humihinga kasi nag-aalala ako baka mabaho rin ang hininga ko! “Hmm, hindi ka nga naglagay ng lipstick pero bakit...ang pula ng labi mo? Natural, I guess,” aniya at hinaplos niya ang gilid ng labi ko kung kaya’t napapikit-mata ako. Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Oh my, God! Tharisma! Gumawa ka na ng paraan! Bago ko pa man siya ilayo ang mukha ko ay tumaas na ang mga labi niya. At nasa tungki na ng ilong ko! Tumaas pa lalo ang mga halik niya sa mga mata ko at itinigil lang niya noong nasa noo ko na ito. Ramdam ko ang init at malambot niyang labi sa aking noo. Doon iyon tumigil at nararamdaman ko pa rin ang mainit na hininga niya na tumatama sa aking mukha. Bakit hindi ko siya pinigilan? Bakit hinayaan ko lang siyang hawakan ako gamit ang mga labi niya? Ano’ng nangyayari sa akin? “I’m sorry...” Nagulat ako sa sinabi niya. B-Bakit siya nag-so-sorry? H-hindi kaya? Hindi! Mali ang iniisip ko. Binitawan niya ang kamay ko at lumayo na rin siya sa akin. “Simula ngayon ay hindi na ako lalapit pa sa ‘yo, binabawi ko na ang mga sinabi ko na guguluhin kita. I won’t do that, kasi feeling ko talaga ay kinamumuhian ako. Kahit na...h-hindi ko alam... I’m sorry.” Parang ang bigat pa sa kanya na sabihin ang mga katagang iyon. Bago niya ako iniwan ay binigyan pa niya ako nang mabilis at mariin na halik sa labi ko. Ikinagulat ko pa iyon. Tama! ‘Yon nga ang gawin niya, ayokong isipin din na ngayon siya na ang ng maghahabol sa akin. Gayong dati naman ako talaga ang naghahabol sa kanya noon pa man pagkatapos ng paasahin niya ako at nagpaka-sweet pa siya sa akin. Pero bakit kailangan pa niya akong halikan?! *** Nakaraan... NAGULAT ako nang biglang may tumabi sa akin dito sa ilalim ng punong mangga. “Levi?” sambit ko sa pangalan niya, ang guwapo niya ngayon. nakasuot siya ng pulang t-shirt at kulay abong short pants, nakapulang sapatos din siya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Namamasyal lang dito. Pinitas ko ‘to sa hardin ni Grandma,” aniya sabay taas ng kulay pulang rosas at inabot sa akin. “Bawal ‘yan pitasin!” hysterical na sambit ko. “Kaya nga, kunin mo na!” pamimilit niya. Wala na nga akong pagpipilian pa kundi ang tanggapin ang bulaklak na dala niya at heto na naman ang puso ko. “Pupunta ako sa bayan, sama ka?” tanong niya sa akin. “Sige!” masayang sagot ko, tumayo siya at inilahad ang kanang kamay niya at mabilis na tinanggap ko ‘yon. Ni hindi man lang ako tumanggi. Bumilis naman ang t***k ng puso ko nang pinagsiklop niya ang mga daliri namin at nagsimula na rin kaming magalakdy. *** “HINDI ako sasakay riyan,” sabi ko. “Huh, bakit naman?” nagtatakang tanong niya. “Baka mahulog ako riyan, eh!” natatakot na saad ko. “Nandiro naman na ako, kaya hindi ka mahuhulog,” aniya. Ayokong sumakay sa kabayo! “Ayoko pa rin!” “Come on, baby. You are safe with me. At saka good boy naman si cred,” wika niya at hinaplos ang ulo ng alaga niya. Cred ang pangalan ng kabayo niya. “Come on, baby,” pamimilit pa niya sa akin, wala akong nagawa nang hinawakan na niya ako sa magkabilang baywang ko at binuhat. Binitawan niya kaagad ako nang nakaupo na ako sa kabayo niya. “AHH! Levi!” tawag ko sa pangalan niya nang gumalaw ang kabayo no’ng umangkas na rin siya mula sa likuran ko, kaya mahigpit na napahawak ako sa laylayan ng damit niya. Humalakhak pa siya na parang nasisiyahan na makita akong ganito. “Levi!” "Damn, baby, you’re hot when you called me by name.” Gago! Nagawa pa niyang mambola sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pinaikot niya iyon sa baywang niya, ang lapit-lapit ng likod niya sa akin at nakatagilid lang ako. “I won’t let you fall, baby. Don’t worry,” aniya at hinalikan ako sa gilid ng noo ko. Bakit pakiramdam ko, ang tanda-tanda ko na at pareho lang kami ng edad? Gayong 14 years old pa lang ako tapos siya ay 21 na! Ang laki ng agwat namin sa isa’t isa! Pareho sa materyal na bagay at sa buhay! Siya ay tila langit, ako naman ay lupa. Napapitlag ako ng dumapo ang kanang kamay niya sa baywang ko at ang gago. Tumatawa pa rin siya! “Huwag mo nga akong pagtawanan!” asik ko sa kanya. “Oh?” Gago talaga! Mabulunan sana siya ng sarili niyang laway. Nang magsimula nang maglakad ang kabayo niya ay napahiyaw ulit ako. Sobra naman kasi kung makagalaw, eh. “Levi!” “Relax, baby. Hindi kita bibitawan,” aniya kaya kalaunan din ay nakapag-adjust ako dahil sa pagbibigay niya sa akin ng assurance na hindi nga niya ako hahayaan na mahulog. Ang sarap din pala sa pakiramadam na nakasakay ka sa kabayo at kasama mo pa ang lalaking gusto mo...ay ano raw? *** MASAYA kaming namasyal ni Levi at sumunod pa ang ilang mga araw ay palagi na nga kaming magkasamang dalawa. Kaya hindi ko rin napigilan ang mahulog ang loob ko sa kanya... Alam kong hindi puwede pero nangyari na eh... 4th year highschool na ako ngayon at 16 years old na rin. Umuuwi rin paminsan-minsan sa Manila si Levi at madalas na rin siyang umuuwi at nananatili sa mansion nila. At may magandang balita rin akong natanggap! Inamin niyang gusto niya ako at gusto rin niyang manligaw sa akin! Kaya dahil gusto ko rin siya ay umuo ako. Liligawan niya ako! Kahit alam kong may consequence iyon. Masyado pa akong bata para sa bagay na iyon, alam kong pagagalitan ako ng aking ina. “Ano’ng gusto mong kainin?” malambing na tanong niya sa akin. Nandito nga pala kami sa ilalim ng puno. Kung saan ang paborito naming lugar. “Spaghetti na lang!” masayang sagot ko. Humalakhak na muna siya at hinalikan ako sa labi. Madalas niya akong hinahalikan at siya rin ang una kong halik. Kiyah! Nakakikilig. Dalawang buwan na rin siyang nanliligaw sa akin, sabi ng nanay ko kung may manliligaw raw sa akin ay dapat pahirapan ko na muna raw ito. Bago ko sasagutin. Pero hindi naman iyon alam ni Nanay. Kaya baka...kapag nalaman niya ang bagay na ito ay alam kong patay talaga ako sa kanya. “Gusto mo ba talaga ako?” tanong ko habang kumakain kami. “Baby, paulit-ulit ang tanong mo sa akin, eh,” aniya. “Pero...totoo ba talaga? 23 ka na at ako... 16 pa lang. O-Okay lang ba talaga ‘yon?” “Age doesn’t matter, baby, and I can still wait. Come here,” aniya, umusog naman ako at niyakap niya ako. “Gusto kita, gustong-gusto kita, Tata. Kaya huwag mong pagdududahan iyon, okay?” Tumango na lang ako bilang tugon. Sana seryoso talaga siya sa akin... *** Kasalukuyan... TATLONG buwan at dalawang linggo na rin na hindi na lumalapit sa akin si Levi at madalang ko na lamang siyang nakikita. At kung nakikita ko man siya minsan ay may kasama siyang iba’t ibang babae. Hindi pa rin siya nagbabago, babaero pa rin siya hanggang ngayon. Naipalista ko na sa hospital ang anak kong si Deno at si Deni naman ay nakakaipon na rin ako kahit papaano. Maayos ang trabaho ko kaya ganoon din ang sahod ko. “Mama, ano po ang gagawin natin sa hospital?” tanong sa akin ni Deno. Pupunta kasi kami sa hospital kung saan na pinasulat ko sa waiting listening ang pangalan niya. Gusto ko kasi siyang ipa-check up ngayon. “Magpapatingin ka sa doctor, anak,” masayang sagot ko sa kanya. Malaki-laki kasi ang sahod ko sa hotel ni Levi. 15 thousands, every 15 days kaming sumasahod. Hindi ko alam kung sadyang 15 thousands ba talaga ang sahod ng isang waitress o ano, kasi parang sobrang laki naman ‘yata ‘yon, isama mo pa ang madalas na pagbibigay sa akin ng bonus. O baka lahat kaming mga empleyado nila? Nakakapagtaka rin naman. Pero siguro ganoon naman siya. Nakasuot ng kulay berdeng t-shirt si Deno na may naka-print na cartoon character at kulay puting short pants, kulay berdeng sapatos naman ang kanyang panyapak. Bagong bili ko ‘to sa kanila ni Deni. Kahit nga ako ay ni isang damit ay wala akong binili kaya paulit-ulit lang ang mga suot ko. Oo nga pala ang sahod ko kay Inang kada isang araw ay tatlong daan tapos libreng pagkain na rin kami sa hapon. Kahit papaano pala masuwerte rin kami sa mundo. Hindi Niya pa rin kami pinapabayaan. Kahit ganito ang buhay na ibinigay niya sa amin. Maingat na hinila ko ang anak ko papasok sa elevator. Dalawang nurse na may tulak-tulak na pasyente na nakaupo sa wheelchair ang kasama namin. Sumara na ang pintuan ng may humarang na kamay sa elevator kaya bumukas ulit ito. Nang napagtanto ko kung sino ang humarang sa papasarang elevator ay humigpit ang kapit ko kay Deno. “Tharisma?” sambit niya sa pangalan ko at napansin niya ako agad sa dami namin dito sa loob. “Mama, ano po ang nangyayari?” inosenteng tanong ni Deno kaya natutok ang atensiyon ni Levi sa aking anak. “Mama?” Ang bilis-bilis nang t***k ng puso ko...ang ikli naman talaga ng mundo para sa amin. Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon pa kami nagkita? Bakit kung kailan ay kasama ko pa ang anak ko? Nakakainis na nakakakaba ang sitwasyon namin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD