CHAPTER 7: HIS OFFER
“MAMA? M-May anak ka na, Tharisma?” naguguluhang tanong sa akin ni Levi... Ngunit halata rin na nagulat siya. Hindi niya siguro inaasahan ito. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sa kamay ng anak ko nang tumingin siya kay Deno. “He’s...”
“Sir, papasok po ba kayo o hindi?” tanong n’ong isang nurse sa kanya. Kaya parang doon lang din siya natauhan. Sumakay na rin siya sa elevator pero nakaharap pa rin sa amin.
Halos hindi na nga ako makahinga sa paraan nang pagtitig niya sa anak ko... Hindi... hindi puwede. Hindi niya dapat malaman. Please...
Bumukas ulit ang elevator at lumabas ang kasama naming nurse at pasyente.
”Tharisma, nasasaktan na ang anak mo sa pagkakahawak mo sa kanya,” suway niya sa akin na nahihimigan ko sa boses niya ang pag-aalala.
Napatingin naman ako sa anak ko. “O-Okay ka lang ba, anak?” nag-aalalang tanong ko kay Deno. Namula tuloy ang kamay niya. Hindi ko na namalayan pa nasasaktan siya.
“Opo, Mama. S-Sino po ba ang nagsalita?” Napalingon ako kay Levi, na kay Deno pa rin ang mga mata niya. Bakit ba hindi niya na lang tantanan pa ang aking anak? Bakit ba ganyan siya kung makatingin? Parang may hinahanap siya na ano. Hindi ko maipaliwanag dahil hindi ko rin naman alam ang tumatakbo sa isip niya. At wala na rin akong pakialam pa roon.
“I-Isang boss ko lang, anak,” sagot ko.
“What are you doing here, Tharisma?” tanong naman ni Levi sa mahinahing boses. Akala ko ba ay hindi na niya guguluhin pa o kahit ang lumapit sa akin ngayon? Kaya bakit nagtatanong na naman siya sa akin?
“Wala ka ng pakialam pa kung nandito man ako,” masungit na sagot ko.
“I care...bakit ka nga ba nandito?” Ayokong magsinungaling lalo pa na nasa harapan ko ang anak ko.
“May appointment kami sa doktor,” kaswal na saad ko lang.
“Sino... At bakit? Para saan naman ang appointment mong ito, na rito pa sa hospital mismo?” Bakit ba masyado siyang maraming tanong?
“Wala ka na nga roon,” wika ko at bumukas ulit ang elevator kaya lumabas na kami ni Deno. Lalo pa na ito na ang floor ng office ng doktor ni Deno. Lumingon pa ako sa likuran namin at nakahinga ako nang maluwag nang makita na nakasarado na iyon kaya makakalayo na kami.
“Mama...”
“Behave ka lang anak, ha?” pangangaral ko at tumango lang siya.
***
HINDI ko inalis ang mga mata ko sa anak ko na ngayon ay sinusuri na ni Dr. Domenic.
Kinakabahan ako sa resulta kung ano nga ba ang sakit o bakit nabulag ang anak ko. Alam kong hindi maayos ang panganganak ko noon sa kanila kaya natatakot ako sa resulta na ako pala ang naging sanhi no’n.
“Mrs. Galvon?” tawag sa akin ng doktor. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag niya sa akin ng misis. Kahit na ang totoo ay wala naman akong asawa.
“Bakit po, doc?” tanong ko.
“Next week pa lalabas ang resulta, but according to my observation sa mga mata ng bata. Maaari ang sakit niya sa mata ay Developmental Abnormalities,” seryosong paliwanag ng doktor.
“A-Ano po ba ang ibig sabihin n’on doc?” kinakahabahan na tanong ko.
“Ang Developmental Abnormalities ay mayroong mga sakit sa bata na Coloba o Holes in the eye, microphthalmia o small eye at optic nerve hypoplasia o kaya naman ay underdeveloped optic nerve na lumalabas habang nasa sinapupunan pa lang ang bata. May nakita rin akong Key Hole and there’s a possibilities that your son have a Developmental Abnormalities kung sana noong bata pa ito ay naidala at naipa-check up mo na siya agad sa doktor nqng mas maaga, kasi habang lumalaki ang bata ay siya namang posibilidad na mabulag ito and that what will happened now. Sana naagapan talaga siya. Iyon lang. Hintayin na lang natin ang resulta at kung paano natin magagamot ang pasyente. Doon din malalaman kung puwede ang eye transplant o hindi na kakailanganin pa,” mahabang paliwanag niya na ikinatango ko.
“M-May posibilidad din po ba na kung ooperahan ang anak ko ay gagaling siya at makakakita na?” tanong ko sa kanya.
“We have two main types of that, he need the surgery or an eyes transplant for Developmental Abnormalities. Sinabi ko na sa ‘yo kanina. Kaya lang... kung eye transplant man ay baka mahihirapan tayo kasi... marami rin ang mga pasyente sa listahan ng hospital namin. But if you have a money, it’s still useless because in this hospital, kung sino ang unang nasa listahan namin ay siya ang mangunguna, puwera na lamang kung may connection ka rito but rules are rules, and... you can bring your son sa ibang bansa, malaki ang posibilidad na ilang buwan lang ang hihintayin niyo. Pero alam ko rin na gipit ka sa pera, Mrs. Galvon,” umiiling na usal niya.
Gipit nga kami sa pera pero heto ako, kahit imposible ay ginagawa na lamang itong posible para maipagamot ko lang ang dalawa kong anak.
“Salamat na lang po, Dr. Dominic.”
“Next week ay bumalik kayo rito. Deno...” tawag niya sa anak ko.
“Po?” magalang na tugon naman Deno.
”May kamukha ka, alam mo ba iyon?” Awtomatikong napatingin ako sa doktor nang sabihin niya iyon. Sino naman? Sino naman ang tinutukoy niyang kamukha ng anak ko?
“Hindi po, eh. S-Sino po ba?” magalang na tanong ng anak ko pero nakakunot ang kanyang noo. Halatang interesado sa sagot ng doctor niya.
“Iyong kaibigan ng may ari ng hospital na ito,” sagot niya at tumingin pa siya sa akin. Dr. Dominic Creig ay baka nasa edad na 30s na siya. Guwapo at matangkad. Pero mukha pa rin siyang nasa age 20s. “I thought... he’s the father,” aniya at hindi na ako sumagot pa bagkus ay nagpaalam na lang kami.
***
“Sino po ba ang kamukha ko, Mama?” untag na tanong sa akin ni Deno, nang naglalakad na kami palabas ng hospital.
“Ewan ko, anak. Hindi ko rin kilala, eh,” sambit ko at medyo kinabahan ako roon. Curious din ako. Sino naman kaya ang kamukha ng anak ko?
“Guwapo po o maganda kaya, Mama?”
”Siguro? Kasi guwapo ka?” nakangiting saad ko.
“Guwapo po ba talaga ako, Mama? Eh, kamukha ko po ba kayo, Mama o si Papa ho?” Normal na tanungin ng mga anak ko ang tungkol sa Papa nila kaya hindi na rin ako nababahala pa.
“Kamukha mo... ang papa mo, anak,” sambit ko at imahe niya ang nag-flashed sa isip ko. Hayst... Walang duda iyon.
“Talaga po, Mama?” masayang tanong pa niya.
“Oo,” tugon ko.
“Tharisma...” Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
Si Levi. Siya na naman. Ano ba ang kailangan ng isang ito sa akin?
“Ano’ng kailangan mo?” masungit na tanong ko.
“Ihahatid ko na kayo ng... anak mo,” sambit niya at bumaba ang tingin niya kay Deno. Tumaas pa ng bahagya ang isang kilay ko. Nagpapatawa ba siya? Kami? Ihahatid niya? At bakit naman?
“Salamat na lang. Mag-je-jeep na lang kami,” tanggi ko.
“Ihahatid ko kayo,” mariin na giit pa niya.
“Hindi na kailangan. Bakit ba ang kulit mo?!” Hindi ko na tuloy napigilan pa ang pagtaasan siya ng boses.
“Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?” kunot-noong tanong niya.
“Bakit ba kasi narito ka pa?”
“I want to drive you home. It’s that a bad idea, Tharisma?” malamig na tanong niya sa akin. Tama ka, bad idea nga iyon.
Sa taong nabubuhay sa mundong ito ay nag-iisa kang tao na iiwasan kong magkrus ang ating landas pero mukhang gumagalaw ang tadhana at masyado pa rin siyang mapaglaro.
Kaya hindi na lamang tayo ang pinagtatagpo. Kasama pa ang anak natin. Sana nga ay hindi na ito mangyayari pa ulit.
“May jeep kaming puwedeng sakyan,” tanggi ko pa.
“I have a car too.”
“May pera ako--”
“I don’t care.”
“Akala ko ba ay iiwasan mo na ako?”
“Ginawa ko na nga, ‘di ba?”
“Eh, bakit namimilit ka ngayon na ihahatid pa kami?”
“Tharisma... I’m true to what I have said to you but... ang hirap pala... Hindi ko alam kung bakit...” Sumikip bigla ang dibdib ko. Ano ang pinagsasabi niya?
“Mama, bakit po ba kayo nag-aaway ng boss mo? `Di ba po sabi niyo ay dapat nirerespeto natin ang isang amo? Gagalangin ang nakakataas sa atin?” singit ni Deno. Naalala ko naman iyon. Alam ko pero ibang kaso ito kapag ang lalaking ito ang kaharap namin ngayon.
“Anak...”
“Tinuro niyo po ‘yan sa amin ni Deni at sabi ni Nanay kung may magkukusang tutulong sa atin ay hindi dapat tinatanggihan at tinataboy, Mama, eh. Kasi ramdam ko po Mama na mabait naman po siya.. `Di ba po, Mama?” Napapikit ako nang mariin. Dahil parang may prinsipyo lang si Deno.
Hindi mo alam anak, hindi mo lang alam kung bakit ko pinagtatabuyan palayo sa atin ang lalaking ito.
“Tharisma...”
“Oo na! Sasabay na kami sa ‘yo,” sabi ko at kitang-kita ko ang pagguhit ng ngiti niya sa labi. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaction niya.
Nang tuluyan na kaming makalabas sa hospital ay nagtungo kami sa parking space. Pinagbuksan niya kami ng pintuan sa backseat. Puting sasakyan ang gamit niya.
Hindi naman masama kung o-offer-an niya kamin na ihahatid pauwi, hindi ba? H-Hindi naman niya siguro...
“Mama Tata, painum po ng tubig.” Mabilis na napatingin ako kay Levi sa driver seat at gayon na lamang ang gulat ko nang nakatingin na pala siya sa amin, gamit ang rearview mirror niya kotse niya.
“T-Teka lang anak...” natatarantang sabi ko pa at binuksan ang backpack niya at inilabas ang tumbler.
***
Hinatid kami ni Levi sa apartment na tinutuluyan namin ngayon. Gusto rin niya sana na kumain daw muna kami sa isang resto pero tinanggihan ko na.
“Salamat at pumayag kang ihatid ko kayong mag-ina,” aniya at sumulyap pa siya kay Deno na nakatingin sa likod niya.
“Ako si Levi, puwede mo akong tawaging... Tito Levi. Ikaw, ano’ng pangalan mo?” tanong niya sa aking anak at sabay lahad ng kamay niya ang kaso... Itinaas ng anak ko ang kanang kamay niya malapit
lang sa nakalahad na kamay ni Levi at literal na hindi nakita ang kamay niya.
“Deno po...” Naguguluhang tumingin siya sa akin.
“H-Hindi siya... Hindi siya nakakakita,” wika ko. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. At parang may bumara sa lalamunan ko.
“N-Nagagalak akong makilala ka, Deno,” aniya at tinanggap na niya ang kamay ni Deno.
“Ako rin po, Tito Levi,” ani Deno. “Sayang po, hindi ko makikita ang hitsura niyo.”
***
LEVI EZEIL LEOGRACIA’ss POV
I didn’t forget that eyes, his smile and everything he have. Facial expressions and such.
Nakakapagtaka ang batang ‘yon and at the same time ay naaawa ako. Naaawa ako sa kanya. Kay bata-bata pa niya ay ganoon na ang kalagayan niya? Ganoon na ang nangyari sa buhay niya?
Iyong mga ganoong edad nga lang niya ay naglalaro pa lamang. Hindi ganoon na nahihirapan sa sitwasyon niya. Pero ni hindi ko nakitaan ng pagkalungkot ang batang iyon.
Hindi rin ako makapaniwala na may anak na pala si Tharisma. K-kasi hindi naman halata na may a-anak na pala siya at wala talaga akong alam tungkol sa bagay na iyon. Wala naman kasing nakalagay sa biodata niya na may anak na siya o kasal na. Dahil ang nakalagay na status niya ay single.
Sino kaya ang ama ni Deno? M-May asawa na kaya siya? Pero ang status nga siya.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ko na kumirot ito. Shet, ano naman ‘to? Ano naman sa akin kung may asawa na siya at may sarili ng pamilya?
“Hey, Leogracia!” May bigla namang sumigaw.
“Rey!” Napangiti ako nang makita ko ang kaibigan ko.
“May dala akong good news and at the same time bad news. May nakalap na akong importanteng impormasyon tungkol sa ipinapaimbestigahan mo, Levi,” pagbabalita niya sa akin at bumilis ang t***k ng puso ko. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla akong kinabahan.
Two weeks ko nang pinaimbestigahan si Tharisma Galvon kay Rey. Right! Si Tharisma nga.
“Kaya pala curious ka sa buhay niya. Here tingnan mo muna ang good news before you proceed to the bad news,” seryosong sabi niya.
Kinuha ko ang folder at binuksan iyon. May mga litrato at nagulat ako sa nakita... no...
“Aira Tharisma Galvon, 27 years old. Nakatira ngayon sa isang apartment na pagmamay-ari ni Inay Lorcan at kasama ang anak niyang si Deniel Ozel Galvon and of course single mother siya. Gago kasi ang tatay ng mga anak niya, eh.” M-Mga anak niya? M-May anak pa siya bukod kay Deno?
“High School graduate lang siya dahil maagang nabuntis, she’s just 16 years old when she got pregnant by a billionaire and 17 years old nang isilang niya ang anak niyang kambal.”
Nagulat ako sa ibinalita niya. Pero nasaan pa ang isang kambal? Si Deno lang naman ang nakita ko.
“Kambal? `Yong si Deno lang ang nakita ko,” I said.
“Yes, dati siyang nakatira sa mga Leogracia. Unfortunately napalayas sila kasama ang kanyang ina,” dagdag pa na sabi ni Rey.
Napatitig naman ako sa isang litrato na sobrang pamilyar sa akin ang mukha at ang suot niyang uniporme. Siya nga ito, walang duda iyon.
It can’t be... Si Tharisma ay si.... Siya ba si.. siya ba talaga si...Tata? K-Kaya ba galit na galit siya sa akin noong unang pagkikita namin ulit? Kaya ba ganoon na lamang ang trato niya sa akin?
Sumikip bigla ang dibdib ko...pero si Deno...
“S-Sino ang ama ng mga anak niya?” nauutal na tanong ko at nasa dibdib ko pa rin ang kaba. “At nasaan pa ang isang kambal?” I added.
“Her children, Deniel Ozel and Denny Odette.” Ipinakita naman sa akin ni Rey ang dalawang pictures ng sampung taong gulang na edad.
Hinaplos ko ang litratong ito. Her smile ay namana niya sa nanay niya pero nasaan siya? Bakit hindi siya nakasama kanina? Nasa bahay lang ba siya at naiwan doon? Pero mukhang wala naman siya roon, ah.
“Nasa Children’s Hospital si Denny Odette, she needs the surgery as soon as possible, bone marrow transplant at dahil mahirap maghanap ng kapares ng bone marrow or ka-blood type niya na compatible naman ay nahirapan din silang maghanap ng donor and specially the money. On the other hand, Deniel Ozel is a blind kid. Developmental Abnormalities. He needs the surgery too. Sampung taong gulang pa lang sila ay ganito na kabigat ang dinadalang problema at paghihirap nila pareho. I admired their mother kasi mag-isa niyang binuhay ang mga bata at tinaguyod. Nagmistulang ina at ama siya ng mga baga,” mahabang paliwanag pa ni Rey.
“But...who is the father? Where is he? B-Bakit wala siya sa pictures na ito? Bakit pinapabayaan niya ang mga anak niya?” tanong ko at naikuyom ko ang kamao ko.
Ilang minuto ang lumipas bago niya ako sinagot na dahilan kung bakit nadurog ang puso ko at pati ang pagkatao ko.
“Ang masuwerteng lalaki at ama ng kambal, ayon sa nakalap ko... the father of her children was her first boyfriend na si...” Parang saglit na tumigil pa ang pag-ikot ng mundo. “...Levi Eziel Leogracia.” My tears falling down on my cheek. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng panimbang. Tinakasan ako ng kulay at bumigat nang husto ang dibdib ko.
Kung ako nga... K-Kung ako nga ang biological father nila...ay ako... Ako ang dahilan kung bakit ganito ang buhay na mayroon sila...
“A-Ang... m-mga a-anak ko...Rey...”
“Kailangan ka nila, Levi. Kailangan ka ng mga anak mo... Sana this time, itama mo na ang mga pagkakamali mo sa nakaraan. Panindigan mo ang mga ginawa mo sa kanya noon.”
“M-My children...” Hindi ko namalayan na namalisbis na ang mga luha ko...
Deniel Ozel and Denny Odette are mine? Mga anak ko sila? At hinayaan ko lang sila na magkaganoon? Ang maghirap lang habang ako naman...
Ay nagpapakasaya sa buhay ko na walang pinoproblema.