CHAPTER 8

1753 Words
CHAPTER 8:His sorry Levi Ezeil Leogracia's POV BINULSA ko ulit ang phone ko sa pants ko at pinag-isipan mabuti ang mga sinabi sa akin ni Quinna... And it helps me, I win her back...babawiin ko ang mag-ina ko. Babawiin ko sila. "Thank you, Rey," napapaos kong pagpapasalamat sa kanya. "Kahit na gago ka ay kaibigan pa rin naman kita. You're very much welcome, lucky bastard and...basahin mo ang nasa white long folder na 'yan, it's important," aniya at tumango na lang ako bilang tugon. Mabilis na lumabas ako at kahit malalim na ang gabi na ay pupuntahan ko pa rin sila... Gusto ko silang makita. Saya, lungkot, galit pagsisisi at panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon... AIRA THARISMA GALVON's POV MATUTULOG na sana ako ng may kumatok sa pintuan ng apartment namin. "Malalim na ang gabi pero bakit may kumakatok pa at sino naman kaya iyon?" tanong ko sa sarili ko at medyo kinabahan pa ako. Wala naman kasi ako inaasahang panauhan. Saka imposible naman kung si Inang ang kumakatok sa pintuan. Lumapit ako sa pintuan. "Sino 'yan?" tanong ko at idinikit ko ang tainga ko sa pituan. "It's me, Levi. Open the door please... I want to talk you please... Tata..." A-Ano? Mabilis na binuksan ko ang pintuan at tiningnan siya, nagulat ako nang bigla niya akong niyakap... 'Yong klaseng yakap na mahirap kang makalawa... 'Yong sobrang higpit at tila ayaw na ako nitong pakawalan pa. Bumilis ang t***k ng puso ko at halos hindi na ako makahinga. "I'm sorry... I'm so sorry... I'm really sorry, Tharisma..." Hindi ko inaasahan na mag-sosorry siya sa akin, naramdaman ko na nabasa 'yong damit ko dahil sa luha niya. "Forgive me, please... I'm sorry," hagulgol na sabi niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makapag-salita... "I didn't know... I didn't k-know, Tata. B-Bakit... I'm sorry..." hagulgol lang niya ang maririnig ko. Nakaraan... "Levi, Levi! Hoy! Bakit mo ba ako iniiwasan? Levi, kausapin mo naman ako!" malakas na sigaw ko at hinahabol siya pero ni hindi man lang niya ako nilingon at pinansin, hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong mali sa kanya at iniiwasan niya na ako nitong mga nakaraang araw lang. "Levi! Levi!" Malakas na puwersang pinaharap ko siya ng maabutan ko. "Kausapin mo ako, please...may problema ba tayo?" nag-aalalang tanong ko pero tiningnan niya lang ako ng walang emosyon. "We're done..." "A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Tapos na tayo--ah no, let me say this. Mag-break na tayo," malamig na saad niya na ikinagulat ko. "A-Ano? B-Bakit? Bakit ka makikipag-hiwalay sa akin?" nauutal na tanong ko. Nagulat ako, nagulat ako kung bakit makikipaghiwalay siya sa akin? Gayong tatlong linggo lang ang nakaraan ay sinagot ko siya at...at...ibinigay ko sa kanya ang isang pinakaiingatan ko dahil mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya pero bakit... "Levi, bakit?" mahinang tanong ko, nagulat ako ng may biglang humila sa akin...papalayo sa kanya. "Now f**k off b***h, tapos na ang laro," sabi ni...Kiara? 'Yong girlfriend ni Levi o ano? "A-anong laro?" "Tapos na ang laro namin," nakangising sambit niya at tiningnan ko siya ng pinalibot niya ang mga braso niya sa bewang ni Levi. Lumingon ako kay Levi nanghihingi ng paliwanag kung ano ba ang pinagsasabi sa akin ng babaeng ito. "Anong laro Levi?" tanong ko at napaiwas siya nang tingin. Ilang minuto ang nakalipas pero hindi siya sumagot at nairita ako. "ANONG LARO ANG SINASABI NIYA, LEVI?!" pagalit na tanong ko. "I can explain, this is just a game little girl. Ang ligawan ka ni Levi at matatapos lang ang laro kung sasagutin mo na siya then that's what happened three weeks later, 'di ba?" Hindi ko alam kung maniniwala ba ako pero... May kaba rin sa dibdib ko. "Hindi 'yon totoo, Levi 'di ba? 'Di ba?" tanong ko sa kanya pero hindi siya kumibo. Umaasa ako, Levi. Umaasa ako. "Levi...sabihin mo, hindi 'yon totoo 'Di ba? 'D-Di ba? At kung totoo man iyon, a-ano naman ang dahilan at ano ang makukuha niyo sa larong 'yon?" nanghihinang tanong ko, ngayon kay Kiara naman ako tumingin, ngumisi siya bago sumagot at itinaas niya ang daliri niyang may...singsing. "We're already engaged before the game, I am the mastermind. As you know little girl, pabor sa akin ang parents ni Levi baby ko. Alam mo naman 'di ba na ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para rin sa mahirap. Tanga ka rin naman kasi, eh. Naniwala ka kaagad sa kanya? Eh, alam mo naman na ayaw sa 'yo ni Levi," nakangising sambit niya at tiningnan ko si Levi... "Kung totoo...b-bakit ginawa mo 'yon?" tanong ko at nagsimula ng sumikip ang dibdib ko. "I planned this, just because of you. I hate you kasi you're always nagpapapansin sa fiancée ko at nagalit ako then... I'll break up with him, but he doesn't want, alam mo ba kung bakit? First love ako ni Levi at ayaw niyang mawala ako sa kanya then I planned the game. Liligawan ka niya at hihiwalayan din pagkatapos at ang kapalit no'n ay babalik ako kay Levi at itutuloy namin ang kasal. mahal namin ang isa't isa kaya ikaw, stay away from my fiancee, from now on," aniya pero hindi ako natinag, tinitigan ko si Levi. "Hindi 'yon totoo 'di ba? Mahal mo ako, 'di ba, Levi? Sinabi mo 'yan, hindi ba? Hinding-hindi mo 'yon magagawa sa akin?" Lumapit ako sa kanya at hahawakan sana sa braso nang itulak ulit ako ni Kiara. "Sabi ko naman sa 'yo, stay away from him! Tapos na ang laro kaya umalis ka na rin!" sigaw niya at hindi ko mapigilan ang maglandas ang mga luha ko. "Levi..." "Ang tanga mo talaga! Ayaw niya sa bata! Umaasa ka na mamahalin ka niya?!" "Levi, please...hindi iyon totoo hindi ba? 'Di ba? Sabi mo mahal mo ako? Levi?" naiiyak na wika ko at sinusubukan na kausapin siya kahit nagmamatigas siya na kausapin ko. "It's true, I'm just playing with you," walang emosyon na sambit niya at napatigil ako. "L-Lahat ba ng ginawa mo ay laro lang din?" tanong ko sa mahinang boses. "Yes," aniya. "Levi..." "Come on, baby. Alis na tayo," aniya at napahawak ako sa dibdib ko. Biglang sumikip at nahihirapan na akong huminga. Natauhan na lang ako nang makitang tinalikuran na nila ako. "Levi! Please! Levi, mahal mo ako hindi ba? Levi!" Hinabol ko sila at lumalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha ko. "Levi! Please...mahal. Mahal na mahal kita. Levi!" pahabol pa ring sigaw ko. Napaluhod na lang ako nang mabilis na nakasakay sila sa sasakyan at naiwan ako. "Hindi, hindi...hindi... Levi, m-mahal na mahal kita. L-Levi...bumalik ka, mahal, n-nagmamakaawa ako, pakiusap," naiiyak na sambit ko at maya-maya ay kinain ako ng kadiliman. "Levi..." *** NAGISING AKO ng makaramdam ako ng hapdi sa tiyan at nagmulat ng mga mata, n-nasaan na ako? "Levi?" Napalingon ako sa kabuan ng kuwarto. N-Nasa mansion na kami... "Gising ka na." Napalingon ako kay... "Inay..." Nagulat ako nang dumampi ang kamay ng nanay ko sa pisngi ko. "I-Inay bakit po?" naguguluhang tanong ko at napahawak sa kaliwang pisngi ko na malakas niyang sinampal. "GANYAN BA KITA PINALAKI, HUH AIRA THARISMA?! ANG MAGPABUNTIS?!" napasinghap ako sa huling sinabi ni nanay. "N-nagpabuntis?" "SINO?! SINO ANG GUMALAW SA 'YO, AIRA?! SINO?! SINO ANG AMA NG DINADALA MO?!" pagalit na tanong siya sa akin at napaiyak na ako. "Inay..." "Aira...h-hindi kita pinalaking ganyan. Tinuruan kita ng magandang asal anak, hindi ito, hindi ang magpabuntis sa lalaki, gayong kay bata mo pa!" aniya at hinawakan ko siya sa braso. "Sorry po, 'nay, sorry po..." "Sabihin mo sa akin, Aira... Sino siya?" "S-Si L-Levi po, inay..." Tinuruan ako ni nanay na huwag magsisinungaling kaya sinagot ko siya ng katotohanan. "S-Si Levi? Ang a-anak ng mga Leogracia? H-hindi...anak, ikakasal na si sir Levi!" "LEIRA! LEIRA!" Magkasabay na napalingon kami ni nanay sa pintuan ng bumukas ito. Nagulat ako ng mukha ni madame Leogracia ang bumungad sa amin. Kasalukuyan... TINULAK KO si Levi, at hindi na talaga ako nagulat ng malaman niya 'to. Nang ganoon lang kadali. "Umalis ka na..." malamig na sabi ko at tinitigan niya ako. "Umalis ka na...h-hindi kita kailangan," sabi ko at humakbang paatras. "Please, Tharisma, don't push me away, please. I want to help, I want to help you..." aniya at umiling ako. "Hindi kita kailangan Levi, hindi. Kaya umalis ka na!" asik ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa siko pero nagpumiglas ako. "UMALIS KA NA! AYAW KITANG MAKITA!" sigaw ko at napaiyak na ako. "Tharisma... please..." pagmamakaawa niya sa akin at napakurap-kurap ako nang makita ang mga luha niya. H-hindi, huwag kang makuha sa luha niya, Tharisma... Huwag kang magpapalinlang sa kanya. Manloloko siya, manloloko. "Please..." "UMALIS KA NA! UMALIS KA NA LANG!" sigaw ko at hinampas ko siya sa dibdib niya. "Please, I can't leave you this time, Tata at alam ko na napaka-gago ko pero n-nakikiusap ako sa 'yo. H-Huwag mo akong p-pagtulakan." "AYOKO! AYOKO SA 'YO! UMALIS KA NA LANG! DATI BA... DATI BA NOONG NAGMAKAAWA AKO SA 'YO PINAKINGGAN MO BA AKO?! HINDI 'DI BA? KAYA UMALIS KA NA!" sambit ko at sinusubukan ko pa rin siyang itulak pero hindi ko nakaya, malakas siya kaya nayakap niya ako. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Umalis ka na..." "Mama? Mama, a-ang sakit po ng mga mata ko... M-Mama! A-Aray!" Mabilis na tinulak ko si Levi at lumapit sa anak ko. "Deno? O-Okay ka lang ba anak? Deno?!" napasinghap ako nang makita ang mga dugo sa mga mata ng anak ko. Para akong mawawalan ng ulirat. "Let me help you this time, Tata, please... A-Anak ko pa rin naman sila 'di ba?" "Deno! Levi, Levi, dalhin na natin siya sa hospital, please!" natatarantang sigaw ko at walang sinayang na oras si Levi. Mabilis na pinangko niya si Deno. "Get in," aniya sa nanginginig na boses. Mabilis na pumasok ako at umupo sa back seat, maingat na pinaupo niya si Deno na ngayon ay umiiyak na at nakahawak sa duguang mata niya. "Deno...bilisan mo, Levi please!" naiiyak na sigaw ko at nagmaneho na... Natatakot ako... Napahinto ako ng tumunog ang cellphone ko na keypad. Nurse Aries Calling... Nilukob na naman ako ng kaba sa dibdib nang makita ko kung sino ang tumawag... "H-Hello?" "T-Tata...tata ang anak mo... Ang anak mo..." Nahulog ko ang cellphone ko at nanginig bigla ang katawan... "What happened, Tharisma?" nag-aalalang tanong ni Levi sa akin. "S-Si Deny... Si Deny..." "A-Ano'ng n-nangyari sa anak ko Tharisma?" tanong niya at nasa boses nito ang pangamba. "Si Deny..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD