CHAPTER 9

1982 Words
Chapter 9:His promise LEVI EZEIL LEOGRACIA's POV “THANK YOU, Rey,” pagpapasalamat ko kay Rey dahil sa kanya naisugod kaagad ang anak kong si Deny sa hospital. Sobrang takot ko n’ong malaman ko na nanganganib na naman ang buhay ng isa ko pang anak. Ayokong may mawala sa akin, ayokong mapahamak pa ang mga anak ko. Ikamamatay ko iyon. Ngayon ko nga lang nalaman ang tungkol sa kanila tapos mawawala lang sila sa akin? “You’re welcome, bro. Basta huwag mo na silang pababayan pa,” sabi niya at marahan na tinapik pa niya ang kaliwang balikat ko. Saka siya lumabas ng hospital room. I looked at Tharisma, tahimik na nakaupo lang siya sa gilid ng hospital bed ni Deny. Alam ko ang nararamdaman niya. Takot at lungkot. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat niya na ikinatingin naman niya sa akin. Namumugto ang mga mata niya at namumula ang pisngi at ilong niya. Dahil ito sa pag-iyak niya kanina. “Mag-usap tayo,” sambit ko. Akala ko ay hindi niya ako papansinin pero tumango lang siya at lumapit sa sofa para roon na umupo. Tiningnan ko naman ang anak kong si Deny at parang may pumipiga sa puso ko. She looks so weak at namamayat na rin siya. Inayos ko kumot niya at magaan na hinalikan ko siya sa noo. “I’m here, baby. Hinding-hindi ko na kayo pababayaan pa. Daddy is here, and I won’t let something bad happen to you, again. I love you.” Naiiyak na naman ako, ang sakit makita. Ang sakit-sakit at parang nakakapanghina lang. Kasalanan ko ito kaya sila nagkakaganito. Lumapit naman ako sa kabilang kama kung saan nakahiga at natutulog ang panganay kong anak na si Deno. The doctor said, sumakit lang daw ang mata ng anak ko dahil nakarinig siya ng boses na nag-aaway at malapit lang sa kanya and that was bad for him. Kapag may nag-aaway sa paligid niya, kahit hindi niya ito nakikita ay nakakaapekto pa rin sa kanya. Malulungkot siya at dahilan ng p*******t ng mga mata niya dahil pinipilit niyang makakita at hanggang sa dumudugo na nga ito. Inayos ko rin ang kumot niya sa kanyang katawan at hinahanap ang noo niya. “I’m sorry, son. Narinig mo pa ang pag-aaway namin ng Mama mo, kanina. Aalagaan ko kayo, hinding-hindi na talaga kayo pababayaan ni Daddy. I love you.” Pinunasan ko ang mga luha ko at sumisinghot pa ako nang nilapitan ko na si Tharisma. Hindi ako agad nagsalita at naghari lang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “I’m sorry, Tata...” “Iyan na lang ba talaga ang sasabihin mo sa akin, ha Levi? Sorry? Sorry na lang ba talaga?” malamig na tanong niya sa akin at nakaramdam na naman ako ng sakit sa puso ko. Huminga ako nang malalim at lumuhod sa harapan niya. “L-Levi...” “Can you forgive me? C-Can you? Please, Tharisma, I know I was jerk back then for pushing you away from me and I know I lost you, big time. I’m a jerk to letting you go that easily,” sambit ko at hinawakan ko siya sa dalawang kamay niya at mataman siyang tiningnan na ngayon ay nakatitig din sa akin pero walang emosyon. “Alam ko rin na nagkamali ako at nasaktan kita ng sobra noon, alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa 'yo. Tharisma, hayaan mo akong itama ang mga nagawa kong mali noon, let me fix this relationship. Hayaan mo akong makapasok ulit sa buhay mo, sa inyo ng mga anak natin. Please, Tharisma I’m begging you... Hayaan mo na ako and accept me again alang-alang kay Deno at Deny... Please...” pagmamakaawa ko. Parang hindi na mauubos ang mga luha ko. “Sobrang pagsisisi ang naramdaman ko at tama nga ang kasabihan na. N-Nasa huli ang pagsisisi. I’m sorry, I-I’m so sorry, kaya please... Tharisma...hayaan mo na akong pagamutin ang mga anak natin, hayaan mo ako... Hayaan mo na ako, please...” pagmamakaawa ko pa rin sa kanya. This is my first time begging someone but I don’t fvcking care as long as she is... “Levi, malaking pera ang kailangan namin,” aniya, medyo sumaya ang puso ko kasi parang tanggap na niya ako at iyon agad ang sinabi niya sa akin. “I don’t care, I have money and I can provide millions bill for my children. Magamot lang ang mga anak ko, kahit na malugi pa ang kompanya ko. Wala akong pakialam as long as mapagamot ko lang silang dalawa. Magtatrabaho ako at magsisipag para lang sa kanila but I know, hindi ako mauubusan ng pera. Just accept me and I’ll handle that, please,” nagsusumamong sabi ko. “Levi, mahirap makalimot...” “I k-know, pero maghihintay ako at kukunin ko rin ang kapatawaran mo,” desperadong sagot ko. “Levi...” “Please? Please, please Tharisma, nagmamakaawa ako sa 'yo. Hayaan mo naman akong m-makatulong sa mga anak natin... M-Minsan ka ng nawala sa akin at hindi ko na h-hahayaan na m-mawala ka pa ngayon...kayo ng mga anak natin. I need you... Kailangan ko kayong mag-iina ko... Please...” I closed my eyes when my tears flowed on my cheeks again. “K-Kahit ito lang...kahit ito lang... huwag mo namang ipagkait sa akin, Tata... Oo, gago ako at tanga pero...a-anak ko naman sila... May karapatan ako sa kanila kahit ang laki ko pang tanga...” sambit ko at pumikit ulit nang mariin. Desperado na ako, desperado na akong tumulong sa kanila dahil may karapatan naman ako. May karapatan ako sa mga anak ko. Ilang minuto ang nakalipas bago ako nagsimulang magsalita ulit. Dahil hindi niya talaga sinasagot. “Maghihintay ako, maghihintay ako na mapatawad mo, Tharisma... Basta huwag mo akong pagtatabuyan gayong ganito ang sitwasyon ng mga anak natin... Ayoko ring may mawala na isa sa inyo at ikamamatay ko na iyon... A-Alam kong nahirapan ka, nahirapan ka sa pagpapalaki sa kanila and I’m so proud of you. N-Nagawa mo pa ring maging matatag at hindi ka nawalan ng pag-asa sa kanila at hindi mo sila pinabayaan...” “Sila ang inspirasyon ko, Levi at sila na lang ang natitirang pamilya ko. Sa kanila na lamang ako kumukuha ng lakas ng loob,” mahinang sambit niya. “We can be a family, too.” “Tanga ka nga talaga. Malamang pamilya mo na ang mga bata kasi ikaw ang ama ng mga anak ko...” aniya at napangiti ako. Gusto ko rin maging parte ako ng pamilya niya, na hindi lang ang mga anak namin. “Please, Tharisma?” She took a deep breath and replied, “Aayaw pa ba ako? Kung alam ko naman na ikaw lang ang makakatulong sa amin. Aayaw pa ba ako kung alam ko na mas tumatagal ay nagiging malubha ang sakit ng mga anak ko kapag hindi ko sila naipagamot agad,” aniya at mas naiyak pa ako... “Ikaw ang ama ng mga anak ko at oo kahit na gago ka at tanga may karapatan ka pa rin sa kanila, kahit mahirap na magtiwala pa ulit... Susubukan ko pa rin, pero oras na naging gago ka ulit ay hindi ko na hahayaan pa na mapalapit ka sa kanila,” sambit niya. Napakaseryoso ng boses niya at may pagbabanta pa. “Thank you, t-thank you, Tharisma...” “Hahayaan na kitang papasukin sa buhay ng mga anak ko pero katulad ng sinabi mo... Pagtatrabahuhin mo ulit ang tiwala ko at ang kapatawaran ko, Levi,” aniya. “I’ll do that, it’s okay... Thank you... Thank you, so much...” Hinalikan ko siya sa noo niya at niyakap nang mahigpit. “Just promise me one thing... Poprotektahan mo sila at mamahalin ng buong puso... Pasayahin mo sila, Levi at ibigay mo ang mga kailangan nila na hindi ko naman kayang ibigay para sa kanila. Tanging pagmamahal ko lang... Treasure them, Levi,” she said emotionally. “I will baby, I will... Thank you, so much... God! I am so damn happy... Thank you for giving me a second chance... I’ll promise, hinding-hindi ko na kayo iiwan at pababayaan pa,” mahinang sabi ko. *** Abot-abot ang kaba ko ngayon. I was sitting on the side of my daughter’s hospital bed, Deny. “Deny...” sambit ni Tharisma sa pangalan ng anak ko. “Bakit po, Mama?” mahinang tanong niya at bumilis ang pintig ng puso ko nang tumingin na naman siya sa akin. Damn it! Kinakabahan ako! Pero nangingibabaw sa akin ang kasiyahan. She’s just a younger version of Tharisma. She’s beautiful and so innocent like her mother. I love her already. “Deno?” “Mama? Bakit po?” “Hindi ba sabi ko sa inyo noon ay ipapakilala ko kayo sa Papa niyo?” mahinahong saad niya, mabilis na tumingin sa akin si Tata at ngumiti. “Opo, 'Ma,” ani Deno na nakaupo rin sa kama ni Deny. “Gusto niyo na ba siyang makilala?” “Opo... siya po ba iyon, Mama?” inosenteng tanong ni Deny at itinuro pa ako. “Oo anak, siya si Levi Ezeil Leogracia.... Siya nga ang papa niyo... Levi, si Deniel Ozell ang panganay nating anak at si Denny Odeth naman bunso natin. Kambal sila,” nakangiting pagpapakilala niya sa mga anak namin. Nakikita ko na proud siya na naging ina siya ng kambal. Parang dinuduyan naman ang puso ko. “Papa?” Tumulo na naman ang mga luha ko. Damn it! Nagiging iyakin na naman ako. “Papa? Si Levi po ang Papa namin?” inosente ring tanong ni Deno at kunot-noo pa. Pinipilit na tumitingin sa akin ngunit sa pinto lang siya nakatingin. Hindi diretso sa mga mata ko. “Ikaw ang Papa namin?” tanong ni Deny at tumango ako. “Hindi po kita makita, Papa. Can you just hug me?” aniya at namalisbis ang mga luha ko sa sinabi niya at nag-open arms pa siya para sa akin. Umayos ako sa pagkakaupo ko sa hospital bed sabay yakap ko sa kanya nang mahigpit. “Deno...I’m sorry, son. I’m so sorry. Late si P-Papa... patawarin mo ako anak... Papa loves you, so much...” Saya, pagsisisi at lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon “Mahal din kita, Papa ko.” God! Papa is like music to my ears, ganito pala ang pakiramdam kung may anak ka at tinatawag kang Papa. Hindi ko inaasahan ang bagay na ito. “D-Deny...” Maingat na lumapit siya sa amin at siya na ang yumakap sa akin. Hinawakan ko siya sa ulo gamit ang kaliwang kamay ko. I kissed her forehead and Deno, too. “Mahal na mahal ko kayo, mahal na mahal kayo ni Papa at gagawin ko ang lahat gumaling lang kayo at mabigyan ko kayo ng mas maganda pang buhay. Promise ni Papa, hinding-hindi na kayo pababayaan at... mamahalin kayo hanggang sa pagtanda ninyo. Patawad, anak... hindi nakarating ng maaga si Papa,” naiiyak na sabi ko. I looked at Tharisma na ngayon ay tahimik na rin siyang umiiyak. Tiningnan niya ako and I mouthed at her ‘thank you’, ngumiti lang siya sa akin at tumango. “Okay lang po, Papa. Ang mahalaga po ay narito na kayo,” masayang wika ni Deny. Sobrang saya ko, sobrang saya ko na makapiling ang mga anak ko hindi ko akalain na malaki pala talaga ang pinakawalan ko noon. Kung hindi lang ako naging gago ay hindi ito mangyayari sa kanila pero sadyang ganito ang buhay na ibinigay sa amin pero nagpapasalamat pa rin ako na hindi sila tuluyang kinuha sa akin. Nang hindi ko pa man sila nakilala... Ang hirap ipaliwanag ang saya kong ito... Ipangangako ko talaga na hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na ito. Aalagaan ko sila at mamahalin habang buhay. Dahil hindi lang sila ibang tao sa akin, sila ang mga anak ko. Pamilya ko sila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD