CHAPTER 10

2280 Words
Chapter 10: New Home AIRA THARISMA GALVON's POV "COME ON, pasok kayo," pag-aaya sa amin ni Levi, na ngayon ay maingat na tinutulak sa wheelchair si Deny. Kumuha rin siya ng private nurse at lima pa iyon. Dalawang doctor, habang wala pang schedule sa operasyon ni Deny ay gusto muna raw niyang makasama ang anak niya. "Ang ganda po," komento ni Deny. Habang hinahagod niya nang tingin ang buong paligid. "Of course, baby. Pinagtrabahuhan din ito ni Papa," sagot ni Levi sa kanyang anak at hinalikan ito sa noo. Napakagat ako ng labi kasi naiiyak na naman ako... Sobra-sobra na 'to. "Mama? Maganda po ba talaga?" tanong naman ni Deno sa akin, na sa tabi ko lang din siya. "Oo naman, anak. Mayaman ang Papa mo, eh," mahinang bulong ko sa kanya. Lumapit sa amin si Levi at lumuhod sa harapan ni Deno. "Baby Deno, promise ni Papa makikita mo rin ang bahay natin. Welcome to your new home at kung makakakita ka na... bibilhan kayo ni Papa ng laruan. Gaano pa iyan karami at kahit buong mall pa ang bilhin natin," saad niya. "Papa, ten years old na po ako. Hindi na bagay sa akin ang maglaro," nakangusong ani ni Deno sa Papa niya at napatawa nang mahina si Levi. Ngumiti na lang din ako dahil sa pagkaaliw na panoorin silang mag-ama. "I don't care. Gusto pa rin ni Papa na maranasan ninyo ang maglaro ulit," aniya at hinalikan ito sa noo. Napakarahan no'n, tila punong-puno siya nang pag-iingat. "Tara n." Ito na iyon... Ito na ang hinihintay kong buhay para sa kanila... *** NASA may garden ako at nagdidilig ng mga bulaklak. Magluluto sana ako para sa lunch namin pero pinigilan ako ni Levi. Siya na raw ang gagawa no'n, tutal naman daw ay may kasalanan siya sa akin at gusto niyang bumawi. "Yaya? Nandito ba si Levi? Wala kasi siya sa office niya, eh." Napatingin ako sa babaeng biglang nagsalita mula sa likuran ko. "Who are you? New maid... Wait a minute... you're familiar," saad niya at lumapit pa sa akin. Napatingin ako sa maamo niyang mukha. Nakasuot siya ng red dress na masyadong hapit sa katawan niya at revealing pa. "Damn it, I remember na! Ikaw ang bumangga sa akin no'ng isang araw! What the hell are you doing here?" pagalit na tanong niya sa akin. Sasagot na sana ako ng may babae pang sumingit...at kilalang-kilala ko kung sino... "M-Madame Leogracia," sambit ko sa pangalan niya na halos manginig ang boses ko. "Oh, do you know me?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin. Bakas pa rin ang pagkamaldita at strikto sa mukha niya. Medyo tumanda siya pero maganda pa rin. Nandoon pa rin ang pagkaawtoridad niya. "Tita Dess, I know her po! Siya po ang kinuwento ko sa inyo na bumangga sa akin that day!" Ano raw? "Oh really, hija?" tila nagulat pang tanong ng Mrs. Leogracia. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha ko. "Maganda pero... nagmula pa rin siya sa basurahan. Halata sa hitsura niya, damit pa lang at aura," mapang-insultong sambit niya. Ito ang rason kung bakit sinabi ko kay Levi na sana protektahan niya ang mga anak namin kasi darating ang araw ay huhusgahin niya ang mga ito at napaaga pa. Unexpected pa ang pagkikita namin. "Yes po, Tita Dess! Ganoon din ang nakikita ko. What are you doing here, huh?! Nilalandi mo ba ang fiancee ko?" "F-Fiancee?" gulat na sambit ko. "Oh, nagulat ka naman? Mga babae nga naman, eh. Mababang pinagmulan. Ano ba ang ginagawa mo rito sa bahay ng anak ko? Teka..." Sumingkit ang mga mata ni Mrs. Leogracia at tinitigan ako nang maigi na tila kinikilala niya ako, "Ikaw si... Aira?" Hindi ako nakapagsalita at hinawakan niya ako sa braso, dumiin ang kuko niya sa balat ko kaya nakaramdam ako agad ng hapdi mula rito. "What the fvck are you doing here?!" "M-Madame..." natatakot na saad ko. "Get out! Out!" sigaw niya sa pagmumukha ko at malakas na tinulak pa niya ako. Para lamang makaalis ako. "Get out of here! Kung ayaw mong ipakulong kita! How dare you gold digger para lang pumunta ka sa pamamahay ng anak ko?!” Napalingon ako sa babae na ngayon ay tumatawa na nang malakas. Tuwang-tuwa siyang inaapi nila ako. Mga walang awa sa kapwa. "Get out! Get out of here! Napaatras ako at tumingin sa pintuan... Levi, ikaw na ang bahala sa mga anak natin, may tiwala pa rin ako na hindi mo sila pababayaan. "Out, bìtch!" Hindi ko na namalayan na naitulak na ako palabas ni Madame Leogracia at napapikit ako nang mariin ng makaramdam nang pagkauntog sa tiyan. "A-Aray!" mahinang daing ko at napakagat labi ako. Hinawakan ko ang tiyan ko, sobrang sakit no'n dahil sa pagbagsak ko. M-May sugat din ako sa magkabilang siko ko. "Huwag na huwag ka nang magpakita pa sa amin!" pahabol pa na sigaw niya. Diyos ko po, kayo na po ang bahala sa mga anak ko. Tumayo ako at nagsimulamg naglakad. Hindi ako umiyak... hindi ako iiyak, kasi mas masisiyahan pa ang mga iyon kung nakikita akong umiiyak. Hindi na ako ang dating Tata na mahina at iyakin. Napaigtad ako nang may marinig akong beep ng sasakyan. Mabilis na napatingin ako sa left side ko at may kotseng paparating sa direksyon ko... Diyos ko. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Napapikit ako nang malakas na tumunog ang gulong ng puting kotse at kasabay ng pagsikip sa dibdib ko. "Diyos ko po!" sambit ko at napaluhod dahil sa panghihina ng tuhod. Napahawak ako sa dibdib ko, Diyos ko buhay ako. Hindi ko masyadong maaninagan ang kotse dahil maraming alikabok. "Hey Miss, are you okay?! I'm so sorry!" narinig kong sigaw ng boses na babae. Naramdaman ko ang mahinang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at dahan-dahan niya akong itinayo. "I'm sorry, Miss, are you okay? May masakit ba sa 'yo?" Ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala at kabadong-kabado. Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan ang babae... Maganda siya at maputi, pero amoy alak ba siya? "O-Okay lang ako," sambit ko nang tuluyan na akong makatayo. "Sigurado ka ba? I'll take you to go to the hospital or I can check you up by myself na lang," aniya. "Okay lang talaga ako, Miss, pasensiya na kung... kung nakaharang ako sa kalsada," hinging paumanhin ko dahil ako naman talaga ang may kasalanan. "No! Don't be sorry! It was my fault because, I'm busy looking at my phone that's why I didn't see you coming. Sorry Miss, pero sigurado ka ba talagang okay ka lang?" tanong pa niya sa akin. "O-oo! Okay lang ako," sambit ko at tumango pa. "No, you're not! Look at your both arms! May sugat ka, goodness!" natatarantang sambit niya. "N-Nadapa lang ako kanina," sambit ko para naman hindi ko na siya maabala pa. "No...no. Gagamutin natin 'yan. Come on." Bago pa ako makapagprotesta sa kanya ay naakay na niya ako papasok sa kotse niya. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa kanya, baka siguro babae rin siya? "Gagamutin ko 'yan, ah? Sorry talaga, Miss. Muntik na kitang mabangga!" aniya at nagsimula na siyang nagmaneho nang makitang naikabit ko na ng maayos ang seatbelt ko sa katawan ko. "I'm Quinna Amera Nandezo. I'm a Doctor. So, you are?" nakangiting tanong niya. Ang ganda ng pangalan niya. "Aira Tharisma Galvon," nakangiting sagot ko. "It's nice to see you, Tharisma but wait... Aira Tharisma Galvon? Did you know Levi Ezeil Leogracia?" tanong niya at kumunot ang noo ko. Kilala niya si Levi? How? "O-oo," nauutal na sagot ko. "Oh, really? Mabait ang gagong iyon kahit na barumbado at babaero pero dati naman na iyon, eh and I'll accept him naman kasi nagbago na siya, he's gentleman and a sweet guy now. You know, I love him." May biglang kumirot sa puso ko, girlfriend ba siya ni Levi? Pero bakit may fiancee na? At bakit ako nakakaramdam ng selos? "But, hey! We're just best of friends! You don't have to worry about! I'm already taken by the father of my kids!" natatawang sambit niya at ako naman ang nabigla. "May anak ka na?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Yes! Tatlo na, a triplets," proud na sabi niya. Ang bata pa niya para magkaroon na ng anak pero pareho naman kami. "So, Tharisma bakit ka nasa gitna ka ng kalsada at teka lang galing ka ba sa bahay ni Levi?" tanong niya. Curious. "Oo," maikling sagot ko. "So, what happened?" aniya at tumikhim. "Please, Tharisma be comfortable with my presence! Dapat mag-click tayo kasi parehas na tayong nanay at saka halos pareho ang sitwasyon natin," aniya. "Paano... mo nalaman?" "Levi, he told me everything about you and how he was a jerk to hurt you and let you go back then. You know, he's regretted sa mga ginawa niya. So, don't hate him, Tharisma kasi mahina ang makina ng puso niya kaya hindi niya agad na nalaman na mahal ka na pala niya," mahabang kuwento niya, nakahinga ako nang maluwag at bakit natutuwa ako sa nalaman? "K-kasi... pinaalis ako ng Mommy ni Levi," mahinang sambit ko. "What?! Ay, sorry! You mean, Tita Dess? Nah, demonyita at matapobre talaga 'yon! Ayaw ko sa ugali ng ginang na iyon, saka parehas silang maldita ng Mommy ni Raizer! Pag-uuntugin ko ang ulo ng mga gurang na iyon eh! Saka takot sa akin ang Mommy ni Levi!" aniya at napangiti ako. LEVI EZEIL LEOGRACIA’s POV "TATA! Tata?" tawag ko kay Tharisma. Inilibot ko na ang buong bahay pero hindi ko na nakita si Tharisma sa loob. Nasaan na kaya siya? Nandito lang siya kanina, ah? Napahilot ako sa sentido ko. Ah! Baka nasa garden, mabilis na naglakad ako papuntang garden. Baka nandoon siya. Hindi ko kasi pinatulong sa pagluluto. "Tharisma? Tata?" "Baby!" Napalingon ako sa sumigaw at mabilis na niyakap ako. Nabigla pa ako sa ginawa niya sa akin. "Enrique?" (Enrik) "What the hell are you doing here?" tanong ko at marahang kinalas ang pagkakayakap niya sa akin. "Why are you so bad to me, baby?" nakangusong tanong nito. "Stop calling me that. Tata? nasaan ka?!" Nagsimula akong naglakad at hindi ko pinansin si Enrique. Sumalubong naman sa akin si Mommy na may ngiti sa labi. "Are you looking for Aira?" "Mommy? What are you doing here, Mom?" tanong ko bago lumapit and I kissed her cheek. "Just visiting, son. So, you're looking for Aira?" she asked me again. "Yes Mom, nakita po ba ninyo siya?" tanong ko. "Yup, actually I'll throw her out because I don't want her to be here. She's a gold digger! And why the hell she's doing here son?" tanong niyang at napatiim bagang ako, kumuyom ang kamao ko at bumilis ang paghinga ko. "Y-You throw her out, Mom?" mahinang tanong ko at pinipigilan ko ang sarili na sigawan siya. "Yes! Pinalayas namin siya ni Tita Dess, baby! She's a dirty! Bakit mo iyon pinapasok dito?" "Yeah, okay I admit na maganda siya. Walang pinagbago but she's from a garbage, at kahit magsuot pa siya ng magagarang na damit ay mahirap pa rin siya at dukha!" ani Mommy. "Uh-huh! Tama ka, Tita! Tama lang din na itinulak niyo po siya at madapa sa semento! Perfect!" natatawamg sabi ni Enrique at sinabayan pa niya nang palakpak. Tumawa na rin si Mommy at hindi ako natutuwa. "At hindi lang 'yon, hijo, pinakilala ko si Enrique dear na fiancee mo na siya at kung nakita mo lang ang gulat sa mukha niy--" "Enough Mom!" I can't really help to shout my own mother. "W-Why son?" naguguluhang tanong niya at kitang-kita ko ang pagkagulat niya. Dahil ngayon ko lang siya pinagtaasan nang boses. "Pinalayas niyo siya? At...tinulak? sinabi rin niyo na... fiance ko 'yan?" malamig na tanong ko at sabay tinuro si Enrique. "Y-Yeah.. why?" Mommy. "What have you done, Mom?! Hinusgahan ninyo na nga siya tapos palalayasin ninyo pa siya?! She's not a thing just to throw her out besides this is not your house, Mom! You don't have a right to throw her at my own territory, even though you are my mother! How could you do to her like that?! Hindi mo ba alam Mommy ang tagal kong hinanap siya tapos no'ng nakita ko na siya ay saka mo siya palalayasin?!" humahangos na sigaw ko. Dumilim ang paningin ko sa dalawang babaeng nasa harapan ko. "B-Bakit ka ganyan anak?" "This is because of you, Mom! Kaya kayo madalas nag-aaway ni Dad dahil sa pagiging matapobre mo! " "Son...I'm sorry." "I don't need your sorry, Mom! Just get out of my house! Habang may natitira pa akong respeto sa 'yo at bago pa makalimutan kitang ina ko! Just get out here! Wala kayong karapatan sa bahay na ito!" sigaw ko. "Son, bakit ka ganyan? B-Bakit ganyan ka sa babaeng iyon?!" pagalit na tanong sa akin ni Mommy. "Dahil ang babaeng tinutukoy mo ay siya ang mahal ko! Ang babaeng mahal na mahal ko, Mommy! I'm trying to be good to her Mom, to fix the broken I've done to her, to make it up with her but you're just coming here just to throw her out at sinira pa ninyo ang reputasyon ko sa kanya? Gayong nangako ako sa kanya na maghihintay ako na mapatawad niya at tanggapin ulit sa buhay niya? But what have you done, Mommy? You broke my heart too! Damn it!" Hindi ko namalayan na lumandas na pala ang luha ko sa pisngi ko. Ginulo ko ang buhok ko at patakbong tinungo ang gate para hanapin si Tharisma. Please, Tata, huwag ka na munang umalis. Please. Tumakbo na ako noong nakalabas at palinga-linga sa paligid. Please! Sana hindi pa siya nakakalayo. Please... please...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD