Chapter 11: Scared
I’M HOPELESS, inilibot ko na ang subdivision just looking her but I didn’t find her. Mahigpit na kumuyom ang kamao ko at bumalik ako sa mansyon na mabigat ang dibdib. Galit na galit ang kalooban ko dahil sa ginawa nila kay Tharisma. At ang sarili ko pang ina ang gumawa ng bagay na iyon. Darn it!
If there have something bad happens to my girl, I’ll never forgive myself at kalolimutan ko na may ina pa ako. Mahalaga sa akin si Tharisma, higit pa sa sarili ko. Siya ang ina ng mga anak ko.
“Mama? Mama? Nasaan ka na po?” Narinig ko ang boses ng anak kong si Deno na nasa loob ng mansion ko at mabilis na pumasok ako roon. Then I saw my son walking in the living room at pakapa-kapa pa siya sa dingding para lang hindi siya madapa at walang masasagi ng mga bagay. Parang kinukurot ng kung ano’ng bagay ang puso ko dahil sa nasaksihan ko sa paghihirap ng anak ko.
“Anak, Deno,” tawag ko sa kanya at hinawakan ko siya sa kanyang kamay.
“Papa? Papa ko?” malambing na tawag pa niya sa akin at kinapa-kapa ni Deno ang braso ko.
“You need something, anak? Why are you walking alone? Are you hungry, hmm?” I asked him. Bahagya pa akong yumuko pantayan ang mukha ng anak ko at hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya.
“Opo. Nauuhaw po si Deni, Papa. Tinatawag ko po si Mama kanina pero hindi niya ako sinasagot. Nasaan po ba ang Mama ko?” Just what he calls me ‘Papa’ ay bigla akong kumalma pero kakaibang saya ang nararamdaman ko.
Oh, God! Ganito pala kasarap sa feeling na may anak ka. Na may matatawag kang anak mo at pamilya mo.
“Nasa garden si Mama, kaya ka hindi narinig. Come on, doon ka muna sa room mo, anak. Dadalhan ko ng maiinom si Deni and after that ay kakain tayo nang sabay-sabay ng Mama mo, okay?” I don’t mind if my son is heavy to carry but I want to carrying him everyday. Though, he’s nine years old.
“Papa, you don’t need to carry me po. Malaki na ako, saka mabigat na rin po ako, eh,” nahihiyang sabi niya at humaba pa ang nguso niya.
I can’t help but laugh. I pinched his left cheek and I even kissed his forehead. I love him. I love my son, so much. I love both of them.
“You’re still my baby, son. I don’t mind. Kahit araw-arawin ko pa. Ako ang magiging paa mo and Papa will be your eyes too, son,” I said. Hindi na siya kumibo pa in fact yumakap siya sa akin nang mahigpit. Iyong klaseng pagyakap niya sa akin ay kakaiba sa pakiramdam.
“Pinangarap ko po ito, Papa, eh,” sambit niya sa mahinang boses.
“Ang akin?” tanong ko habang paakyat na kami sa kuwarto.
“Ang magkaroon po kami ng Papa ni Deni!” masiglang sambit niya at nang makarating kami sa kuwarto niya ay pinaupo ko siya sa kama.
“Rest here for awhile son, okay? Babalik ako.”
“Opo, Papa!” masiglang sagot niya.
“Good boy,” ani ko, ginulo ko ang buhok niya at tumawa lang siya.
Lumabas na ako sa kuwarto niya at pumunta sa kusina para dalhan naman ng tubig ang anak kong babae.
***
“DENI? Deni, anak... Where are you?” Bigla akong kinabahan nang hindi ko makita si Deni sa kuwarto niya. Mabilis na inilapag ko sa table ang isang basong tubig. “Deni? Anak ko?” Malalaki ang bawat hakbang na tinungo ko ang terrace and there I saw my daughter silently sitting on the couch
“Papa? Nasaan na po si Kuya Deno? He volunteered to get my drink po kasi,” she said. Mabilis na lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit. Mukha pa siyang nagulat sa ginawa ko. I felt my hot tears on the side of my eyes. Dàmn it. Natakot ako dahil hindi ko siya nakita agad sa kuwarto niya. “Papa? M-May problema po ba kayo?” naguguluhan na tanong niya.
“I was scared, anak, I t-thought... God! I was worried.” Naramdaman ko ang pagtapik-tapik ng maliliit na kamay ng anak ko sa aking likuran.
“Papa...”
“Promise me, baby. Hindi mo kami iiwan, ha? Na hindi mo kami iiwan nina Mama at Deno. You need to fight for us, baby. Fight for us, please...” I pleaded. Ngayon ko lang sila nakilala kaya natatakot ako na baka mawala sila sa akin. Hindi ko na iyon kakayanin pa.
“Opo, Papa. Gusto ko pa pong makasama ka nang matagal at gusto ko rin na makita tayo ni Kuya. Lalo na po ikaw. Kung gaano rin kaguwapo ang Papa namin at kung gaano kaganda ang Mama namin at...” Napangiti ako sa sinabi niya.
“Kung gaano rin kaganda si Deni,” dugtong ko, lumandas ang luha ko sa pisngi ko.
“I want to see that, Papa but...” Kumalas ako sa pagkakayap ko sa anak ko at hinawakan siya sa pisngi.
“Don’t continue what you supposed to say. Gagaling ka, okay? I love you, so much, Mama and Kuya loves you, Deni.”
“I love you too po, Papa, both of you...” I felt the vibration on my pocket, it was my phone.
Amera is calling...
Iyong kaibigan ko na doctora nga ang tumatawag sa akin. “Amera?” sagot ko mula sa kabilang linya.
“Guess what, Levi?” masayang sabi pa niya.
“What is it? Huwag mo akong gawing manghuhula,” sabi ko.
“Pumunta ka rito sa Lovers restaurant, I want---”
“Amera, I’m with my kids. Call Aurora if you want someone to---”
“Just what the fvck, my dear Levi? I don’t need Aurora here, and I don’t need you too, tse! Excuse me, baka kamo ikaw pa ang mangangailangan sa akin, ha.”
“Why’d you call, Amera? May problema ka ba? Where’s your triplets? Sinabi mo na ba sa asawa mo ang tungkol sa mga anak ninyo?” sunod-sunod kong tanong sa kanya at inaya kong pumasok ang anak ko papasok sa kuwarto niya.
“The last time I checked, you’re a businessman not a media. Fvcking seriously, Levi? What are you, reporter?” She’s annoying. Tss.
“Where did you learned to curse again, Amera?” malamig na tanong ko sa kanya.
“My best of friends, Levi and Pearls. They are good in cussing you know. Have you forgotten that? Poor Levi, anyway sunduin mo rito ang nanay ng mga anak mo. She’s with me---”
“What? You’re with my girl?” sabat ko.
“Uh-huh, pinalayas siya ng magaling mong ina. Your mother didn’t change, tell her to meet me soon, tss.” Natawa ako sa sinabi niya. God knows na ayaw niya rin sa Mommy ko.
“Rest baby, okay?” My daughter nodded at me.
“Levi...”
“I’ll be there, Amera,” sabi mo.
“All right.”
Iniwan ko na sa loob ng kuwarto si Deni at mabilis na tumungo ako sa garahe. Thanks, God! Kasama niya si Tata.
Pagkapasok ko pa lang sa kotse ko ay mabilis na pinaharurot ko ang kotse. Wait for me, Tata...
AIRA THARISMA’s POV
“Darating na siya, dear,” nakangiting sabi niya sa akin.
“Thank you,” sabi ko at mayamaya lang ay dumating na si Levi.
“Tharisma!” Nagulat pa ako nang hinila niya ang braso ko at mahigpit ako nitong niyakap. “I was worried. Thank you for taking care of her, Amera,” sabi niya.
“No worries. Ingatan mo na ang ina ng mga anak mo. Mauuna na ako. See you soon, Tharisma,” paalam niya sa akin na tinanguan ko lamang.
Umalis din namn kami ni Levi dahil uuwi na raw kami kasi naghihintay na ang mga anak namin.
***
Napatingin ako sa kamay ni Levi na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Kanina pa siya simula nang pumunta siya sa coffee shop. Nang sinundo niya nga ako.
“Levi...ang kamay ko,” ani ko. Namamawis na rin yata, eh.
“Hayaan mong hawakan ko ang kamay mo,” sabi niya at lumubo lang ang bibig ko.
“Pero...” Mas hinigpitan pa ni Levi ang pagkakahawak sa kamay ko. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya. Wala akong magagawa, eh.
“I was scared...” sambit niya.
“Okay lang naman ako. Babalik din naman ako, eh. Nagkataon lang na muntik na akong mabangga ng kotse ng kaibigan mo. Saka...saan pa ba ako pupunta at uuwi? Kung alam kong...nandoon kayo?” Napangiti siya sa sinabi ko at nag-init ang magkabilang pisngi ko.
“Tama. Palagi mong tatandaan na sa amin ka pa rin uuwi. Na sa amin ka pa rin babalik,” sabi niya dahilan na bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
“Iyong Mommy mo?” tanong ko. Nakakatakot talaga kanina ang Mommy niya.
“Umalis na sila kanina,” sagot niya at napatango ako.
“I’m sorry about that, Tharisma.”
“Okay lang. Wala naman iyon sa akin, eh,” sabi ko. Naiintindihan ko naman ang Mommy niya. May galit kasi siya sa akin, eh.
“Hindi iyon, okay sa akin, Tharisma,” sabi niya.
“Ayos nga lang din, eh,” ani ko.
“Hindi nga iyon ayos sa akin, eh. Kahit siya pa ang Mommy ko ay wala pa rin siyang karapatan palayasin ka sa bahay ko,” sabi niya at ramdam na ramdam ko ang galit niya.