Chapter 14: Jealous
KINABUKASAN.
Maaga akong gumising para makapagluto ng agahan namin at mapainom na rin ng gamot ang anak namin. Bumangon na ako at tinungo na muna ang banyo para manghilamos at magsipilyo.
Pagkatapos ay lumabas na ako sa aking kuwarto. Mahihinang hakbang ang aking ginawa patungo sa kusina.
Nagulat naman ako nang makita ko si Levi na ngayon ay nagluluto na pala. Naunahan niya ako, ah.
“Paglaki ko po, Papa. Turuan ninyo po akong magluto, ah?” naaaliw na sabi ng anak naming si Deni. Nakaupo siya ngayon at nanonood lang siya sa Papa niya na kasalukuyan nang nagluluto. Nasa tabi niya ang Kuya Deno niya.
“Oo naman, anak. Tuturuan kita. Gumanti tayo ng kabutihan ni Mama. Si Mama na lang kasi ang nagluluto para sa atin,” ani Levi.
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa aking puso ko at napakagat labi ako dahil sa sobrang tuwa ko ay parang gusto ko na lang umiyak.
“Ako rin po, Papa! Turuan ninyo po ako!” masayang saad naman ni Deno.
Pinatay na muna ni Levi ang stove at tinaggal ang kawali at lumapit sa aming anak. Heto na naman ang pagiging malambing niya sa anak namin.
Hinalikan niya sa noo si Deni at sinunod na hinalikan si Deno. Masyado siyang sweet sa anak namin.
“For my babies why not?” nakangiting saad niya at humakbang ako papalapit sa kanila.
Napalingon sa gawi ko si Levi at sumilay ang magagandang ngiti niya. Ang pamatay na ngiti niya na kung bakit nahulog ako ng lubusan sa kanya noon na hanggang ngayon din yata.
“Yes!”
“Good morning,” ngiting sabi niya at sa paglapit ko sa kanila ay mabilis akong hinapit sa baywang ni Levi. Nabigla pa ako sa ginawa niya.
Kinintalan ako ng halik sa noo at pababa sa aking ilong. Dahilan na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Namamanhid ang batok ko.
Namula ako sa tinuran niya at para akong kakapusin ng hininga. Dumistansya siya sa akin at naninimbang na tinitigan ako.
“I’ll cook for our breakfast. Dahil ngayong araw ay magsisimula ka ng magtrabaho ulit,” nakangiting sambit niya at nagkibit balikat na lamang ako.
“Magandang umaga sa ’yo, Deni,” bati ko kay Deni at sinuri ang kanyang palapulsuhan.
Napangiti ako ng malaman na normal naman ang pagtibok ng puso niya. Hinalikan ko siya sa kanyang noo.
“Magandang umaga rin po sa inyo Mama,” nakangiting sabi niya.
Lumapit naman ako kay Deno at agad na kumilos ang kanyang maliit na kamay para mahawakan ang aking pisngi. Iyon kasi ang madalas niyang ginagawa sa akin, eh.
“Kumusta naman ang Deno namin?” malambing na tanong ko.
“Mama naman, bakit po kayo nangangamusta? Palagi naman po akong okay, eh,” nakangusong saad niya sa akin at natawa ako sa kanyang reaksyon.
“Kinukumusta ko lang naman ang anak ko,” mahinang usal ko at hinalikan siya kanyang noo.
“Ang daya ni Mama ano, Deni? Kayo may kiss pero ako ay wala,” ani Levi at umakto pa talaga na malungkot siya. Aba naman, parang nagtatampo siya, eh. Mabilis na nilingon ko siya at inirapan.
“Matanda ka na, Levi,” komento ko at napabuga siya ng hangin sa bibig.
“Matanda la rin naman, Mama, ah. Mabuti pa po ikaw ay may kiss sa amin, eh.” Tumalim ang mga mata ko sa kanya at ngumiti lang siya. Parang bata naman, oh. “Kumain na lang tayo,” sabi na lamang niya.
“Tulungan na kita,” pagpresenta ko.
Naglakad ako palapit sa may cabinet kung saan naroon ang mga plato at baso.
“Mabuti nga ’yan, Mama,” ani Levi. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag niya sa akin.
Nagtulungan kaming maghain ng niluto niyang fried rice, hatdog, bacon at gumawa rin siya ng sandwich.
Pagkatapos ay masayang nagsalo-salo kami. Parang normal na magpamilya kami at parang hindi kami nagkasakitan, ah.
Parang naging maayos ulit ang lahat sa amin at walang problema. Sana ganito na lang kami palagi. Maaga rin kami aalis ngayon.
***
Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan ni Levi at ihahatid na namin si Deni sa hospital. Bukas ng hapon naman ay operasyon na para kay Deni.
Masaya ako dahil maooperahan na siya ngunit may kaba rin ako sa dibdib. Kaba na naging takot.
Nasa back seat nakaupo ang mga anak namin ni Levi at nakasuot ng facemask si Deni. Madalas ko silang sinusulyapan para lang tingnan ang lagay nila.
“Are you okay, Tharisma?” tanong sa akin ni Levi at may pag-aalala ang tono ng boses niya. Tiningnan ko siya at tipid na ngumiti.
“Ayos lang ako, kinakabahan lang ako para bukas,” sagot ko.
“Don’t be. We have Him to guide our daughter, Tharisma. Magiging successful ang operasyon niya. Magtiwala ka lang,” sambit ni Levi sa mahinang boses at inabot ang aking kaliwang kamay. Pinisil niya ito at mahigpit na hinawakan. “Paniwalaan natin siya.” Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Buti narito siya sa aking tabi.
Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa hospital at dahil nga may connection dito si Levi ay mabilis na inayos ang lahat at dinala si Deni sa pribadong silid niya.
***
Nasa loob na kami ng private room ni Deni ng napansin ko ang pagkabalisa ni Levi. Patingin-tingin siya sa kanyang cellphone at nagkasasalubong ang kanyang mga kilay.
Hindi ko maiwasan ang mag-aalala sa kanya kaya naman ay nilapitan ko na siya para tanungin siya.
“Levi may problema ba?” nag-aalalang tanong ko at nag-angat siya nang tingin sa akin.
“W-Wala naman, Tharisma. Ayos lang ba kung iwan ko muna kayo rito? May pupuntahan lang ako. Sandali lang naman ako, eh,” aniya at hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na siyang lumabas.
Nabahala ako sa kanya. May problema kaya? Ano’ng mayroon sa cellphone niya? Bumuntong-hininga na lamang ako at nilapitan ko si Deni.
Katabi ko nang nakaupo si Deno.
“Saan po ba pupunta si Papa, Mama?” tanong sa akin ni Deno.
“May...pupuntahan lang daw siya saglit, anak,” sagot ko.
Hindi na yata ako makakapasok pa sa trabaho ko at mas priority ko ang mga anak ko.
Hinintay ko ang pagbalik ni Deno. Baka nga ay may emergency sa hotel nila. Ayos lang naman sa akin ang iwan niya kami rito, eh. Alam ko naman na babalik din siya agad.
“Bukas na po ako ooperahan, Mama?” inosenteng tanong sa akin ng anak ko.
“Oo, anak. Basta...lumaban ka, okay? Kung gagaling ka na agad ay may ibibigay na regalo sa ’yo si Mama,” sabi ko at lumapad ang ngiti niya.
“Talaga po, Mama?” masayang tanong niya.
“Oo naman. Pangako ’yan ni Mama. Kung may hihilingin ka ay ibibigay agad sa ’yo si Mama.”
“Ako po?” tanong ni Deno sa akin.
“Pati ikaw, Deno. Oo naman, dalawa kayo ng kakambal mo at sigurado ako may ibibigay rin sa inyo ang Papa ninyo,” sabi ko na may ngiti sa labi.
“Yehey!”
“Pangako ko rin po, Mama... Lalaban po ako... Lalaban po ako para sa inyo. Magkakasama pa po tayo, promise ko po iyan, Mama.” Naluluhang tumango ako sa sinabi niya.
“Panghahawakan namin ’yan, anak ko,” sabi ko at hinalikan ang noo niya.
***
LEVI’s POV
“Pinsan,” tawag sa akin ni Jackele. Siya ang tumawag sa akin para pumunta sa airport dahil ngayon ang dating ni Grandpa. Strict siyang tao at dapat kompleto kaming lahat para salubungin siya sa pagdating niya.
“Kailangan ko ring umalis agad, Jackele,” sabi ko. Hindi ko naman kasi puwedeng iwanan na lang doon ang mag-iina ko. Kailangan nila ako sa tabi nila.
“Bakit? Saan ka naman pupunta?” tanong niya sa akin.
Humahangos na dumating pa si Crist. Natataranta talaga kaming lahat dahil lang kay Grandpa. Sunod na dumating ang nag-iisa naming pinsan na babae na si Azariah.
“Palabas na si Grandpa,” sabi ni Crist.
“Sino raw ang kasama ni Grandpa?”
“Si Leonard,” sagot ni Jackele.
“Mabuti na lamang ay umuwi na si Kuya Leo,” sabi ni Azariah. “Hoy, Kuya Levi. Bakit mukha kang natataranta riyan?” tanong niya sa akin.
“At ano pala ang nabalitaan ko sa Mommy mo, Levi? May dinala ka raw babae sa bahay mo. Hindi ba ang bahay mo na iyon ay matagal mo nang pinagawa pero bihira mo lang siya uwian?”
“Hindi lang siya isang babae, Jackele. Kilala mo siya,” sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
“Sino naman iyon? Sinong babae ba ang kilala ko?” naguguluhan niyang tanong.
“Basta,” sagot ko lang.
“Nandiyan na si Grandpa,” sabi ni Crist at napatingin na kami kina Grandpa. Naka-wheelchair na lamang siya ngayon at si Leonard ang. As expected ay marami pa rin siyang mga tauhan. Bodyguards niya iyon.
“Welcome back, Grandpa,” sabay-sabay na bati namin sa kanya at tumango lang siya.
“Nandito ang mga pinsan ko na manang-mana sa akin.” Isa-isa pa kaming niyakap ni Leonard. “Pati na rin ang nag-iisa naming prinsesa sa pamilya.”
“Mabuti pang iuwi na natin si Grandpa para makapagpahinga na siya. Pareho kayong may jetlag, Leo,” Jackele suggested.
“Yeah,” I agree.
“Okay. Sumama ka, Levi. Kauusapin kita.” Bayolenteng napalunok ako.
“May pag-uusapan po ba tayo, Grandpa? Kadarating ninyo lamang po,” I told him.
“Mahalagang bagay ang pag-uusapan natin, Levi. Sa inyong magpipinsan ay ikaw ang mas kailangan kong kausapin,” seryosong sabi niya.
Napatingin pa sa akin ang mga pinsan ko. Dahil alam nila na kung ganoon ang tono ni Grandpa ay seryoso ang pag-uusapan namin.
“Hindi po ba puwedeng sa susunod na lamang tayo mag-uusap, Grandpa?”
“No. Kailangan nating mag-usap ngayon para maayos na ng Mommy mo ang kailangan na gagawin.”
“Grandpa, ano po ba iyon?” tanong ni Crist.
“Tungkol ito sa engagement party nila ni Enrique,” diretsong sagot ni Grandpa dahilan na bumilis ang t***k ng puso ko.
May plano...may plano na si Grandpa na...
“Grandpa...”
“Napag-usapan na natin ito, Levi at sumang-ayon ka naman, hindi ba?”
Shet... Hindi puwedeng mangyari. Hindi puwedeng matuloy iyon dahil alam ko... Alam kong sasang-ayon agad si Mommy.
Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi iyon matuloy. Hindi naman kasi puwedeng magpakasal ako sa ibang babae kung alam ko na may pamilya na ako.
Oo nga. Hindi man maliwanag na binibigyan na ako ni Tharisma ng pangalawang pagkakataon ay hindi ko babaliin ang tiwala niya. Kailangan ko rin sabihin kay Grandpa na may mga anak na ako.