CHAPTER 15

1667 Words
Chapter 15: His marriage “SUMAMA ka na lang sa amin, pinsan. Huwag mong hayaan na madismaya si Grandpa sa ’yo. Kadarating pa lamang niya. Kilala mo naman siya, ’di ba?” sabi sa akin ni Jackele at marahan na tinapik pa niya ang balikat ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang sumunod na lamang? “Mahalaga yata ang pupuntahan mo, Levi,” sabi ni Crist na tinanguan ko lang. Kung hindi lang dumating ang lolo namin ay hindi sana ako aalis ngayon, eh. “Ano ba iyon, Kuya?” tanong naman sa akin ni Azariah. Interesado siya malaman ang dahilan ko. “Basta,” sagot ko lang at noong pauwi na kami sa mansion ni Grandpa ay halos hindi ko tanggalin ang mga mata ko sa relo ko para lang makita kung ilang oras na akong nawala. Hindi ako nakapagpaalam nang maayos kay Tharisma. Sinabi ko lang na may pupuntahan ako at ni hindi pa siya nakasasagot ay umalis na lang ako bigla. Ayoko naman na mag-alala pa siya sa akin at baka...kung ano pa ang isipin niya kapag nagtagal pa ako rito. Pero alam kong matatagalan bago ako makabalik sa kanila. Ang wrong timing lang ang pagdating ni Grandpa. Isa lang ang naisip ko na paraan upang hindi matuloy ang gusto ng lolo ko. Alam ko rin naman na sumang-ayon ako noong una dahil nabigo ako sa paghahanap kay Tata noon. Kaya ngayon nandiyan na siya, hindi ako gagawa ng bagay na ikasasakit ng ina ng mga anak ko. Mahirap makuha ang tiwala ng isang tao at mas mahirap kung nakuha mo na nga iyon ay hahayaan mo na lang na masira at mawala. Mahirap nang ibalik pa iyon. Kaya iyon ang iiwasan kong mangyari. “Sandali lang naman, Levi. Magtiis ka muna,” Leonard said. Tipid lang akong ngumiti. “Kaya kong magtiis, Leo. Pero hindi ang mga taong kailangan ako ngayon,” sabi ko at bumuntong-hininga. Baka nagdududa na sa akin si Tharisma. Kung saan na nga ba ako umalis. Haist. “Mga tao? Sino-sino naman iyon?” nagtatakang tanong niya. “Ipapakilala ko naman sila sa inyo pero huwag ngayon. Hindi pa puwede, eh,” sabi ko at umiling lang ako. Hindi pa ito ang tamang oras upang sabihin sa kanila ang totoo. Hindi pa gaano magaling ang kambal ko. May operasyon pa silang haharapin. Naiiyak nga ako sa tuwing naaalala ko na kailangan pa nilang magbuwis buhay para lamang gumaling sila sa sakit nila. Kung puwede lang saluhin ang mga sakit na dinaramdam nila ay sana nakuha ko na lang at mailipat na lamang sa akin. Kahit matagal kong hindi sila nakasama at ngayon ko lang sila nakilala ay alam ko sa naman sa sarili ko na mahal ko sila. Mahal na mahal ko sila. “Bakit kasi noong nagdesisyon si Grandpa na siya na ang hahanap ng mapapangasawa mo ay hinayaan mo siya at sumang-ayon ka agad?” paninisi sa akin ni Leo. “Hindi ko alam,” sagot ko lang. Kahit iyon ay nakalimutan ko na. Inaasahan din ng mga magulang namin ang pagdating nina Grandpa at Leo dahil nakaabang agad sila sa mansion. Wala lang dito sina Dad. “Welcome back, Papa.” Pagkatapos yakapin ni Mom si Grandpa ay nilapitan niya ako. “Nagbago na ba ang isip mo, son?” tanong nito sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Alam ko naman ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. “Mom, hindi ko rin po nakalimutan ang ginawa ninyo sa kanya,” sabi ko at agad na sumama ang tingin niya sa akin. Naiinis ako kapag naaalala ko iyon. “Hindi kita pinalaki ng ganyan para salungatin ang mga gusto ko, Levi. Lahat ng mga ginagawa ko ay para rin naman ito sa ’yo,” malamig na sabi niya sa akin. “Pero hindi po ninyo alam kung ano ang mas mabuti at hindi para sa akin, Mom. Huwag na huwag po ninyong sasang-ayunan ang gusto ni Grandpa,” paalala ko sa kanya. “Ayokong umabot sa punto na pati ang lolo mo ay magagalit sa ’yo, anak. Makinig ka na lamang sa Mommy mo,” sabi niya at tinalikuran na ako. Naguguluhan na nilapitan ako ni Jackele at sinundan pa niya nang tingin ang aking ina. “Ano naman ang mayroon kay Tita, Levi? Ano ang pinag-usapan ninyo para lang kumuyom ito nang mahigpit?” he asked me at hinawakan ang kamao ko. Mabilis kong tinabig ang kamay niya. “Kailangan na masimulan ang usapan na ito, Jackele. Wala akong oras para manatili pa rito ng mas matagal,” sabi ko at nagtungo na sa living room para sumunod sa kanila. *** “Si Enrique pa rin po ang napupusuan ko para sa anak ko, Papa. She’s good at nakikita ko sa kanya ang pagiging mabuting asawa ni Levi. Wala po tayong magiging problema sa kanya. Maganda po ang career niya ngayon.” I didn’t react sa sinabi ni Mommy. Ganyan naman siya palagi. Kapag gusto niya ang isang tao ay gagawin niya talaga ang lahat para lang din magustuhan ng mga pamilya namin, especially Grandpa. Kung dati ay hinahayaan ko lang siya pero ngayon, ayokong pangunahan na niya ako sa mga gusto ko. Hindi na ako bata para sila ang magdedesisyon para sa akin. “Si Enrique? Wala na bang iba, sis?” tanong ng Mommy ni Crist. “Si Enrique lang naman ang gusto kong maging daughter-in-law ko,” my Mom’s replied. Napatingin naman sa akin si Tita Savian, ang Mommy naman ni Leonard. “Ikaw ba, pamangkin? Gusto mo ba si Enrique?” she asked me and I shook my head. Kitang-kita ko ang marahan na pagbaling sa akin ni Grandpa. Walang ekspresyon ang mukha niya at malamig niya akong tiningnan. “Ano ang sagot mo, Levi?” seryosong tanong nito sa akin. “Alam ko po na sumang-ayon na ako noong una pa lamang, Grandpa. Pero naisip ko po na...dapat ako po ang magdedesisyon no’n para sa sarili ko,” paliwanag ko. “Levi, son. Ako na ang bahala rito. Hindi mo na kailangan na magsalita pa. All you have to do is to agree sa mga plano namin,” malambing na saad pa sa akin ni Mom. Umiling lang ako. “Ano ang gusto mong sabihin, Levi? Sabihin mo na,” malamig na usal ni Grandpa. “Grandpa, agree po ako sa sinabi ng pinsan ko na hindi na siya dapat pangunahan pa sa mga gusto niya. Nasa tamang edad na po si Levi, lagpas kalendaryo na po siya at hayaan na lamang natin siya na magdesisyon para sa sarili niya. Hindi na po siya bata at alam na niya ang tama at mali.” Inaasahan ko na nasa side ko talaga ang mga pinsan ko. Si Crist ang nagsalita. “Tama po si Crist, Grandpa. Puwede naman pong bawiin ang sinabi niya noon dati. Puwede po siyang umatras sa pinag-usapan ninyo,” sabi naman ni Leonard. “Pero alam ninyong may iisang salita ang pamilyang ito, mga apo. Isang salita na nangangahulugan na siya ng pangako. Huwag ninyong babaliin iyon dahil lang sa pagbawi ninyo sa gusto ninyo ngayon. Asikasuhin mo na ang engagement party nila.” “Grandpa,” tawag ko sa kanya dahil sumasang-ayon na siya agad kay Mommy. Hindi puwede. Hindi puwedeng mangyari iyon. “I will, Papa. As soon as possible,” my Mom’s uttered. “Grandpa, hindi ninyo po ba ako hahayaan na mag-isip muna? Grandpa---” “Leo, ihatid mo na ako sa kuwarto ko. Sa susunod na araw na lamang kita kakausapin, Levi,” sabi niya na ikinabuntong-hininga ko. “Grandpa...” “Hayaan mo muna siya, Levi. Kadarating lang ni Grandpa sa ibang bansa. May jetlag pa siya. Kausapin mo na lang siya next time at alam kong maiintindihan ka na niya kapag umatras ka sa pinagkasunduan ninyo,” sabi sa akin ni Jackele. “Pero hindi ito kailangang ipagpaliban, Jackele. Magiging abala ako sa susunod pang mga araw,” problemadong sabi ko na halos sabunutan ko na rin ang buhok ko. Bukas na ang operasyon ng anak kong si Deni. Hindi ko puwedeng pabayaan na lamang ang mag-iina ko. Sila ang priority ko, higit pa kina Mom. Dahil sila na ang pamilya ko ngayon. Kahit alam kong darating ang araw na ma-di-disappoint ko si Grandpa ay Hinding-hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko sa pamilya ko na matagal ding nawalay sa akin. “Tungkol ba ito sa hotel mo, Kuya? Puwede naman po hawakan pansamantala nina Kuya Crist iyan,” sabi ni Azariah. Umiling ako. Dahil hindi naman iyon ang pinoproblema ko. Kaya pa ring tumakbo iyon ng wala ako. “Mahalaga ito... Mas mahalaga pa sa hotel,” I said. “Sa ibang araw mo na lang pilitin iyan, Levi. Intindihin mo muna si Grandpa. Malay mo magbabago pa ang isip niya at hayaan ka na lamang niya,” pagbibigay ng lakas loob sa akin ni Jackele. “Mabuti pa ay umalis ka na. Kung may pupuntahan ka pa, Levi. Hindi ka makakaalis agad kapag nanatili ka pa rito nang matagal,” sabi ni Crist. Nasa front door na ako nang marinig ko naman ang boses ni Leo. “Hanggang ngayon ba ay hinahanap mo pa rin siya, Levi?” tanong niya sa akin at binalingan ko siya. Alam naman nila ang tungkol doon. Alam nila na pinapahanap ko si Tharisma. Dahan-dahan akong tumango. “Bakit pa, Levi? Bakit hindi ka huminto sa paghahanap sa kanya?” tanong naman ni Jackele at nasa tabi na niya agad si Crist. “Sa tingin ko naman ay maayos na ang buhay niya ngayon. Huwag mo na siyang gambalain pa, Levi.” Inilingan ko ang sinabi ni Crist sa akin. “Hindi ganoon kadali. Hindi naging madali para sa kanya ang buhay niya. Hindi lahat ng mga tao ay nasa maayos na kalagayan dahil ang iba ay naghihirap sila ngayon. Ayoko lang isipin na okay ako, wala akong sakit at hindi ko problema ang gastusin ko pero hindi si Tharisma.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD