CHAPTER 19

1907 Words
Chapter 19: The operation success MAY SAMPUNG minuto pa bago sisimulan ang operasyon ni Deni. Kinakabahan na naman ako pero kailangan kong magtiwala sa mga doctor, at lalo na sa Kanya. Dahil alam ko naman na hindi Niya pababayaan ang anak ko. Alam kong makakaligtas si Deni. Iyon ang tahimik kong pagdarasal na sana ay maging successful nga ang operasyon niya. Nakasuot na rin ng hospital gown si Levi at tahimik niyang kinakausap si Deni. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang likod ng kamay nito. Inosente lang siya nitong tinitigan. “Nag-hired na rin ako ng mga tauhan sa labas para bantayan ang operating room, pinsan,” sabi ni Kuya Crist. “In case na mag-aalala ka na naman habang nasa oras kayo ng operasyon,” dagdag na sabi pa niya. “Salamat, Kuya Crist,” sabi ko na sinabayan ko nang pagngiti. “Don’t mention it, Tharisma. Pamilya tayo,” sabi niya at marahan pa niyang tinapik ang ulo ko. “Thanks, pinsan,” ani naman ni Levi. “Napag-isipan ninyo na ba ang operasyon ni Deno sa ibang bansa?” tanong naman ni Kuya Jackele. Si Levi ang tiningnan ko dahil siya ang magdedesisyon no’n. “Yes. Ako na ang sasama,” sagot ni Levi. “Aalis po kayo, Papa?” gulat na tanong naman ni Deni at kitang-kita ko pa ang paghigpit ng maliit niyang kamay. Ang clingy na niya, ah. “Sa ibang bansa ooperahan ang Kuya Deno mo, anak. Dahil mas madaling maghanap ng donor doon kaysa rito,” paliwanag ng kanyang Papa. “Kayo lang po ba ni Deno, Papa?” tanong pa nito. “Yes, baby. Babalik din kami kapag gumaling na rin ang kakambal mo. Ang Mama mo naman ang kasama mo at ang dalawa mo pang tito. Hindi ka nila pababayaan kahit wala ako.” “Hindi po ba kayo magtatagal doon, Papa?” Mahinang natawa ako dahil pinaulanan na niya ng mga tanong niya ang kanyang ama. “Kung successful din ang operasyon niya, pero kung sino sa inyong dalawa ang puwedeng bumiyahe agad ay magkikita naman tayo sa madaling panahon. Kaya kailangan mong lumaban at magpagaling, Deni,” paliwanag pa ni Levi. “Gusto mo, Deni. Dito muna kami ni Papa kapag magaling ka na? Hihintayin ka namin na gumaling?” pagkakausap naman ni Deni sa kakambal niya. Dahan-dahan na umiling ito. “Ayaw ko. Pareho tayong may sakit, hindi ba palagi mo akong inuuna sa lahat ng bagay? Ayaw mo ngang magpagamot agad dahil ang gusto mo ay gumaling muna ako. Hindi ba palagi mong sini-share sa akin ang ulam at kanin mo para marami akong makain kasi may sakit nga ako? Sabi mo ay dapat palagi akong busog para maging healthy ako kahit may sakit pa ako. Gusto ko ring gumaling ka, Kuya Deno...” emosyonal na sabi nito at napatingin ako kay Levi dahil tumingala siya para lang mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya. “Kasi...gusto ko na ikaw ang gumaling agad...” nakayukong sagot ni Deno. “Hindi iyon alam ni Mama. Dahil minsan ay mas gusto niyang uminom na lang ng tubig o kape para lang may makain tayong dalawa,” dugtong pa niya at nakarinig naman ako nang sunod-sunod na pagsinghot. “Uh. Sa labas muna ako,” paalam ni Kuya Crist. “A-Ako rin.” Sumunod naman si Kuya Jackele. “Maninigarilyo lang ako sa labas,” paalam naman ni Kuya Leo. “Hindi ka naman naninigarilyo, Leo,” komento sa kanya ni Levi. “Sige na po, Papa. Maghihintay na lang po kami ni Mama sa pagbalik ninyo. Sana po...sana po ay makakakita na nga si Kuya Deno. Papa, malungkot din po ang maiwan sa hospital kahit marami pang mga bata roon. Kasi alam ko po...si Kuya Deno ay naiiwan sa bahay ng mag-isa lang,” dagdag na kuwento pa ni Deni. Kaya naman ay pulang-pula na ang mga mata ng Papa niya. “Pangakong gagaling ang Kuya Deno mo, anak ko.” “Pinsan, oras na,” pahayag naman ni Kuya Crist. Nilapitan ko naman ang anak ko at hinalikan ko ang pisngi niya. “Kapit lang, anak ko. Nasa labas lang kami at naghihintay para sa ’yo,” sabi ko. “Huwag kang kabahan, okay?” “Hindi po, Mama. Kasama ko naman po sa loob si Papa, ’di ba?” Tumango ako. “Magiging okay po ako dahil mararamdaman ko ang presensiya ni Papa sa loob ng operating room. Babalik po ako, Mama...” sabi niya at tumulo lang ang luha ko. “Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama,” usal ko. “Mahal din po kita, Mama.” “Deni, balik ka, ah?” ani Deno sa kanyang kakambal. “Hmm.” Pagtango lang ang naging tugon niya sa kanyang kakambal. Una nilang pinapasok si Deni pagkatapos naman siyang i-cheer up ng mga tito niya. Samantalang kinausap ko rin si Levi. “Kumain ka naman kanina, ’di ba? Alam mong bawal kang magutom habang...” ani ko at sinenyasan ko ang dibdib niya. “Kahit puso ko pa ay ibibigay ko sa anak natin,” pambobola pa niya. “Sige na. Dito na lang kami maghihintay,” wika ko at niyakap pa niya ako ng sobrang higpit. Ganoon din ang ginawa niya kay Deno. Sa labas nga kami naghintay. Katabi ko ang anak kong si Deno at nakasandal siya sa akin. Nasa kabilang bench naman ang tatlong pinsan ni Levi. May mga tauhan din sila at lima ang bilang nila. Matagal ang operasyon kung kaya’t nakatulog ang anak ko. Nagpresenta na lamang si Kuya Crist na ikandong ito habang tulog. Tahimik sa waiting area at panay ang sulyap ko sa orasan. Hindi nawala ang kaba ko sa aking dibdib lalo na kung tumatagal na lumipas ang bawat minuto. Kahit gaano pa ako kakaba ay mas pinili ko ang maging kalmado. Halos limang oras ang itinagal ng operasyon at nang bumukas ang pintuan ay mabilis akong tumayo para lapitan ang mga doctor. Nagising din si Deno kahit hindi naman gumala ang tito niya. “K-Kumusta po ang anak ko, doc?” tanong ko at nanginginig agad ang mga kamay ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Kahit ang malaman lang ang kalagayan ng anak ko ay natatakot pa rin ako. Inalalayan naman ako ni Kuya Leo para hindi ako mawalan nang balanse. “Kumusta po ba ang operasyon?” tanong naman ni Kuya Jackele. Ibinaba ng doctor ang suot niyang surgical mask saka siya dahan-dahan na ngumiti sa amin. Magandang balita na ba iyan? “Well, mahina ang katawan ng pasyente pero matibay ang kanyang kalooban. Tatag ng damdamin ang kailangan sa operasyon kung alam mong...maliit ang porsyento na gagaling ka kapag ilang taon mo nang dinaramdam ang sakit mo. Pero sa kaso ng batang inooperahan namin ay hindi kami nahirapan sa operasyon. Hindi man lang nagalaw ang heart monitor niya at tila naging kalmado lang siya sa oras ng operasyon. Congratulations, Mrs Leogracia. Successful ang operasyong ng pasyente.” Halos mabuwal ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko iyon. Pero nakaalalay naman sa akin si Kuya Leo. Hindi ko na nga rin pinansin pa ang pagtawag niya sa akin. “M-Maraming salamat po, doc,” naiiyak na sambit ko. “Ginawa lang namin ang trabaho namin at nakipag-cooperate rin naman ang pasyente. Sa ngayon ay kailangan muna namin siyang obserbahan sa ICU. Ililipat pa rin namin siya sa private room niya as soon possible,” paliwanag pa ng doctor. “Iyong Papa po niya? Ang donor?” tanong ko. Hindi pa ako nakakahinga ng maluwag dahil hindi ko pa alam ang kalagayan ni Levi. “Healthy naman ang donor at wala ring naging problema sa kanya. Mauuna siyang ilipat sa private room. As of the moment ay tulog pa siya dahil sa anesthesia. Pero magigising siya after two hours.” Paulit-ulit akong nagpasalamat sa doctor at puwede rin daw na bisitahin sa loob ng ICU ang anak ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon at napaiyak lang ako nang makita ko si Deni. Lumuhod agad ako at hinawakan ko ang kamay niya. “Salamat, Deni. S-Salamat, anak ko at lumaban ka pa rin para sa amin... Ang saya-saya ni Mama... Sobrang saya na ang hirap na ring ipaliwanag,” lumuluhang sambit ko at hinalikan ko ang likod ng palad niya. Oh, God... Maraming-maraming salamat. *** “Si Deni?” Iyon agad ang tanong ni Levi nang magising siya. “Tharisma, ang anak natin?” nag-aalalang tanong niya. Umupo ako sa isang upuan na malapit lang sa hospital bed niya. Hinawakan niya agad ang kamay ko. “Please, tell me... Ayos lang ba siya? Ayos lang ba ang anak natin?” sunod-sunod niyang tanong. Lumapit sa amin si Kuya Crist para ibigay ang lunchbox. “Kailangan mong kumain, Levi. Ang sabi ng doctor ay puwede kang kumain basta kaunti lang dahil sa tahi mo,” sabi ko. “Fvck, baby... Sabihin mo naman sa akin kung ayos lang ang anak natin. Successful ba ang operasyon niya?” Halos umiyak na siya ng hindi ko siya sinasagot. Kaya iyong mga pinsan niya ay tinatawanan siya. Si Deno ay tanging pag-iling lang ang ginawa niya. “Mahina raw ang katawan ni Deni,” pagsisimula ko at naramdaman ko ang panghihina niya. “Tharisma...” “Pero matatag siya, Levi. Naging successful ang operasyon niya,” sabi ko at namalisbis agad ang mga luha niya. Saka siya dahan-dahan na humiga ulit. “Parang nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan ko. Thanks, God... Shet, I’m so happy...” “Nagpapasalamat ka na pero nagmumura ka pa,” sita sa kanya ng mga pinsan niya. “Gusto kong makita ang anak ko, Tharisma,” sabi niya. “Nasa ICU pa siya. Ililipat din daw siya.” Pero mapilit siya dahil kahit sa labas lang daw ay gusto niyang makita ang anak namin. Kaya dinala namin siya ni Kuya Crist habang naka-wheelchair siya. “You’re so brave, baby. Thank you... Papa is so proud of you, Deni Odeth... God, baby... Parang achievements lang ang natanggap ko ngayon, ah...” Kinabukasan nga ay inilipat na nila sa private room niya si Deni. “Mabilis ang recovery niya pero isang buwan muna siya mananatili sa hospital,” paliwanag pa ng doctor. “Pero kailan po ba siya magigising, doc?” Levi asked the doctor. “Mamaya lang. Actually nagising siya around 6:38 in the morning. Ilang minuto lang ang nakalipas kaya experience na sa 8 or quarter 9 siya magigising mamaya.” Totoo naman ang sinabi ng doctor, noong eksaktong 8 o’clock ay dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Lahat kami ay excited. May katabi siya agad na doctor. “Deni...” tawag ko sa kanya. Pagkatapos siyang suriin ng doctor ay binigyan niya naman kami ng oras na makausap ang anak namin. “M-Mama?” Hindi ko na naman mapigilan ang mapaluha dahil narinig ko na ang boses niya. “Ako nga ito, anak ko,” naluluhang sagot ko. “Deni...” “Papa...” “Ako naman po!” masayang bulalas naman ni Deno. “Kuya Deno...” Sa sobrang tuwa na magising siya ay lahat kami ay isa-isa niyang pinangalanan. Isa na lang... Si Deno na lang ang hinihintay naming gumaling. Kaya isang linggo ang nakalipas simula ng operasyon ni Deni ay nagpa-book agad ng plane ticket si Kuya Leo. Dahil na rin sa tahi ni Levi. Hindi naman siya puwedeng bumiyahe. Pati naman siya ay naoperahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD