CHAPTER 18

1757 Words
Chapter 18: Kiss NAGPAALAM lang ang tatlo nang makita nilang pagabi na. Nag-stay talaga sila sa private room ni Deni. “Dapat ay ipinahatid ko na kayo kanina sa mga pinsan ko, kayo ni Deno. Ako na lang ang magbabantay kay Deni,” sabi niya. Nakaupo ako sa tabi ng hospital bed ni Deni. Habang hawak ko ang kanyang kamay. Mahimbing na nga ang kanyang tulog. “Kayong dalawa na lang ni Deno ang umuwi. Ako na ang magbabantay,” sabi ko at narinig ko naman ang bayolenteng pagbuntong-hininga niya. “Hayan ka na naman, Tharisma. Desisyon ka rin, eh,” sabi niya. Natawa lamang ako. “Dito na rin po ako, Papa. Gusto ko rin pong bantayan si Deni. Bukas na po siya ooperahan, ’di ba?” tanong ni Deno na nakahiga sa kabilang bed. Nakakumot na rin siya. “Komportable ka ba riyan, anak? Hindi ka puwedeng magpuyat,” malambing na sabi niya sa aming anak. “Mabilis lang po ako makatulog. Kung dati po ay hindi dahil hinihintay ko ang pag-uwi ni Mama. Hindi rin po kasi ako makatulog kung alam ko pong nasa labas pa si Mama,” paliwanag nito na ikinatigil na naman ni Levi. Umupo na rin siya sa tabi nito. “Paano ang pagkain mo kapag wala ang Mama mo, Deno?” mahinang tanong niya. “Magluluto po si Mama sa umaga. Mag-iiwan lang po siya ng pagkain ko sa mesa at tubig po, Papa,” paliwanag nito na ikinaawang ng mga labi ng Papa niya. May namumuong luha agad sa mga mata niya. Emosyonal talaga siya pagdating sa mga anak niya. Talagang iiyakan pa niya. “Kakainin mo iyon kahit malamig na, Deno?” tanong niya. “Hindi naman po malamig, Papa. May ice box po at mahirap lumamig ang pagkain ko,” sagot ng anak namin. Nakita ko na lamang na yakap-yakap na niya si Deno at umaalog na ang magkabilang balikat niya. “Hala naman po, Papa. Bakit po kayo umiiyak?” “Levi, minsan lang naman iyon. May kasama pa rin kami sa bahay. Pero naiiwan talaga sila ni Deno kapag pareho kaming may trabaho. Huwag mo nang iyakan pa iyon,” sabi ko at tumayo. Hinagod ko ang likod niya para tumigil na siya sa pag-iyak. “N-Noong bata pa ako ay hindi ko man lang naranasan ang m-maiwan sa bahay ng mag-isa lang... Marami k-kaming kasambahay na mag-aalaga ay magbantay sa akin, pero ang anak ko? A-Ang anak ko na may sakit pa ay naiiwan lang...sa bahay ng walang kasama?” umiiyak na saad niya. Ramdam na ramdam ko sa boses niya ang sakit sa nalaman niya. “Levi...” “Hindi ito deserve ng anak ko, Tharisma. H-Hindi...” “Wala na iyon, Levi. Kalimutan mo na lang iyon.” Sinulyapan ko pa si Deno at tinanguan ko siya. “Okay na po, Papa. Matagal na po iyon at saka...hindi na po ako maiiwan sa bahay ng mag-isa na lang. Dahil alam ko pong palaging nasa bahay na si Mama at nandiyan na po kayo, Papa... Tahan na po...” pag-aalo niya sa kanyang Papa. Pero hindi lang naman doon natigil sa pag-iyak si Levi. Saka lang siya huminto noong nakatulog na si Deno sa pag-aalo sa kanya. Nagising lang din naman sila sa oras ng dinner namin at maaga rin silang nakatulog ulit. Hinalikan pa niya ito sa noo ang kambal. “D-Dito ka na lang matulog sa tabi ni Deno, Tharisma,” sabi niya. Basag na basag ang boses niya at namumugto ang mga mata niya. “Kailangan mo na ring magpahinga nang maaga para bukas, Levi. Diyan ka na sa tabi ni Deno. Malaki naman ang sofa, eh. Diyan na lang ako matutulog,” sabi ko at lumapit na ako sa sofa para humiga na rin. “Kahit sa sahig ay komportable naman akong matulog,” sabi ko. Kasya naman ako sa sofa. “Tharisma...” “Ayos na ako rito, eh. Komportable naman na ako,” sabi ko at pumikit na para hindi na niya ako kulitin pa. Pero napadilat din ako nang maramdaman ko na binalutan ako nito ng mainit na tela sa katawan ko. Coat niya lang pala ang inilagay niya kung kaya naman ay nanuot sa pang-amoy ko ang gamit niyang perfume. Masyado itong matapang. Nakaluhod pa siya at sinapo niya ang pisngi ko. “I’m so sorry for what I did to you before, Tharisma. Pinagsisisihan ko na iyon noong mga panahong nawala ka na lang bigla. Wala kang idea kung paano kita hinanap. Kaya babawi ako. Babawi ako sa inyo. Hayaan mo lang ako,” marahan na saad niya at napapikit pa ako nang masuyo niyang pinatakan ng halik ang noo ko. May sensiridad sa kanyang boses “Sige. Bumawi ka sa amin, Levi,” sabi ko na ikinangiti pa niya. “Salamat.” “Magpahinga ka na rin,” wika ko pero matiim pa rin niya akong tinitigan. “Sige na nga. Dito ka na lang sa tabi ko,” sabi ko. Kasya naman kaming dalawa kung hindi lang siya malikot matulog ay hindi naman siya mahuhulog sa sahig. Hindi nga siya nagdalawang isip at tumabi sa akin nang higa. Ginawa pa niyang unan ang braso niya at hinapit ako sa baywang ko. Ibinaba ko ang coat niya sa bandang baywang ko at pati siya ay kinumutan ko rin. Idinikit ko ang kaliwang pisngi ko sa dibdib niya at ang isang kamay ko ay nasa likod na rin niya. Dinig na rinig ko ang mabilis na t***k ng puso niya. Napapangiti ako sa tuwing naririnig ko iyon. Nagmistulang musika kasi sa pandinig ko at parang dinuduyan lang ako nito. “Sleep,” tipid na sabi niya at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko. Hinahaplos din ng isa niyang kamay ang buhok ko, iyong ginawa kong unan. Hindi rin naman iyon nagtagal at agad na akong nakatulog. Pero bago iyon ay may naramdaman pa akong malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Hindi ko na gaano namalayan pa dahil kinain na nga ako ng kadiliman. Nagising naman ako nang maramdaman ko na tila may nakatitig sa akin. Tumatayo pa nga ang balahibo ko sa batok kaya dahan-dahan akong nagmulat ng aking mata. Bumungad naman sa akin ang guwapong mukha ni Levi. Nakahiga pa rin siya sa tabi ko pero nakaunan na pala ako sa dibdib niya at malaya niya akong napagmamasdan dahil nakaharap nga ang mukha ko sa kanya. “Good morning,” malambing na bati niya at hinalikan pa niya ang pisngi ko. Sumilay pa ang maganda niyang ngiti. Iniangat ko naman ang mukha ko at nakatukod ang baba ko sa dibdib niya para matingnan ko ang kambal namin. “Gising na sila,” sabi ko at napatakip lang ako sa bibig ko. Baka kasi may maamoy si Levi na hindi niya dapat maamoy. “What? Bakit mo tinatakpan iyan?” naaaliw na tanong pa niya sa akin at tinanggal pa niya ang kamay ko sa bibig ko. Nang hindi ako sumagot ay iniangat naman niya ang kanyang ulo at namilog lang ang mga mata ko nang kinintalan niya ng halik ang mga labi ko. “L-Levi,” nauutal na sambit ko sa pangalan niya. Parang may kabayo na naman ang nagkakarerahan sa loob ng dibdib ko. Namanhid agad ang magkabilang pisngi ko. Hinawakan pa niya ang batok ko at ibinaba iyon kaya dumampi na naman ang labi ko sa kanya. Naramdaman pa ang mahinang paggalaw ng mga labi niya. Nabibingi na ako sa lakas nang kabog sa dibdib ko. Nang pakawalan niya ang mga labi ko ay parang kakapusin na ako agad nang hininga. “You’re beautiful,” he uttered at muli niya akong siniil ng mariin na halik. Napahawak ako sa kuwelyo ng suot niyang longsleeve at humigpit lang iyon dahil dahan-dahan ulit gumalaw ang labi niya. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at sinabayan na siya pero nanigas lang ang katawan ko nang gumapang pababa ang kamay niya sa likod ko at umabot iyon sa aking baywang. Ngunit bago pa lumalim ang halikan naming dalawa ay pareho na kaming tumigil. Nagkatitigan pa kami bago niya ako ginawaran ng ngiti at inalalayan na niya akong makabangon. Alam kong pulang-pula na ang pisngi ko dahil ramdam ko ang init nito. Hinaplos pa niya ang pang-ibabang labi ko. “Nakakahiya sa mga anak mo,” sabi ko na ikinangiti niya lamang. “Namula agad,” sabi niya at sinuklay ng mga daliri niya ang buhok ko. Hinalikan pa niya ako sa pisngi bago siya humiwalay sa akin. “Pupunta muna ako sa cafeteria para bumili ng breakfast natin,” paalam niya at ako na ang tumapos sa pag-aayos ng buhok ko. Nang pareho na kaming nakatayo ay nagulat pa ako nang inayos niya ang laylayan ng suot kong wrap dress. Umangat pala iyon pataas. “S-Sige na,” nauutal na saad ko at pekeng tumikhim pa ako bago ko nilapitan ang mga anak ko. Magkatabi na pala silang nakaupo habang may hawak na cellphone si Deni. “Good morning po, Mama,” nakangiting bati sa akin ni Deni. Hinalikan ko siya sa noo niya. “Morning, anak. Bawal sa ’yo ang phone,” sabi ko at kusa naman niyang ibinigay ito sa akin. Inilapag ko naman sa bedside table nito. “Good morning po, Mama ko!” masiglang sabi naman ni Deno. Tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya nang patagilid. Saka ko rin hinagkan ang sentido niya. “Mama, nakita ko po iyon.” Kinabahan naman ako sa sinabi ni Deni. “A-Ang alin naman, anak ko?” kinakabahan na tanong ko at nagtunog na defensive pa. “Na tabi po kayo ni Papa natulog kagabi,” sagot niya na ikinahinga ko nang maluwag. “Kumakain ka rin po ba ng ice cream, Mama? Narinig ko rin po na tila may sumisipsip, eh.” Napaawang ang labi ko sa gulat. Nakarinig naman ako nang mahihinang halakhak at doon ko lang nakita si Levi na nakasandal sa nakasarang pintuan at naaaliw na naman siyang panoorin kami. Sinamaan ko siya nang tingin at tinakpan niya lang din ang bibig niya saka siya tuluyan na lumabas sa private room ng anak namin. Inirapan ko pa ang pintuan. Ang Papa ninyo kasi ang aga-aga pa ay ang landi na niya. Tsk. Hindi naman siya nagtagal pa at nakabalik din siya kaya sabay-sabay kami ulit kumain ng agahan namin. Parang kontento na ako sa buhay na mayroon kami at tila... Wala na rin akong nararamdaman na kulang. Parang kompleto na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD