CHAPTER 17

1740 Words
Chapter 17: Leo’s suggestion “LEO, may jetlag ka pa, ’di ba? Kailangan mo nang umuwi at magpahinga sa bahay,” ani Levi sa kanyang pinsan. Nakaupo kami sa couch habang ang tatlong pinsan niya ay naglagay pa ng tatlong upuan para lang makalapit sa kambal. Kami lang ni Levi ang nakaupo rito at kumakain. Si Kuya Jackele ay sinusubuan niya sa pagkain ang pamangkin niya, si Deno. Tuwang-tuwa naman ang mga bubwit dahil nakilala na raw nila ang mga tito nila. Masaya ako para sa kanila. “Mamaya na. Sanay naman ako sa jetlag,” sagot lang nito sa kanya. “Ipapakilala ko rin sila sa Cristalle ko, pinsan,” ani Crist. “Bahala ka,” sagot lang ni Levi at nilagyan pa niya ng kanin ang plastic plate ko. “Hindi ko na iyan mauubos,” ani ko at ibinalik ko sa kanya ang kanin. “Pero kailangan mong kumain ng marami,” aniya. Napahawak ako sa tiyan ko at marahan kong hinamas-himas iyon. “Lumalaki na nga. Marami na akong nakain,” sabi ko at natigilan lang siya. Napatitig pa siya sa bandang tiyan ko. “Bakit? May problema ba, Levi?” nag-aalalang tanong ko sa kanya at hinawakan ko pa ang mukha niya para iangat iyon. “I wonder... Kung gaano kalaki ang tiyan mo noong pinagbubuntis mo pa ang mga anak natin. Imagine dalawa pala talaga sila,” sabi niya na ikinangiti ko. “Maliit lang sila noong iniluwal ko sila, Levi. Hindi halata ang malaking umbok na tiyan ko na dalawang sanggol nga ang nasa sinapupunan ko. Wala kasi kaming...pera noon kaya hindi ako nagpa-ultrasound kaya siguro...” sabi ko at sinulyapan ko ang mga anak ko. “Kaya siguro sila ganyan,” dagdag na saad ko pa. Napatingin din ulit ako sa kanya nang hawakan niya ang mga kamay ko. “Ang mahalaga ay nakaligtas kayong tatlo. Ayos na ayos na iyon sa akin, Tharisma,” sabi niya at may kung anong malambot na bagay na naman ang humahaplos sa dibdib ko. “Handa ulit ako maghirap para lang sa kaligtasan nila, Levi,” ani ko at hindi ko na naman mapigilan ang mapaluha. Sa dami ng pinagdaanan ko ay hindi iyon ang mas inaalala ko. Ang pinagdaanan mismo ng mga anak ko. “Hindi ka na mag-iisa sa laban na ito. Kasama mo na ako,” sabi niya at inabot niya ang mukha ko para punasan ang luha kong pumatak na lang bigla. “Salamat,” sabi ko at napatitig ako sa adobong manok. “Hindi kami kumakain nito, alam mo ba?” tanong ko. “Bakit?” curious na tanong niya. “Kasi...kung may pera man ako para pambili nito ay pipiliin ko na lamang ang bumili ng mga gamot ni Deni. Si Deno, ayos lang sa kanya ang kumain ng gulay. Ulam din naman kasi iyon, eh. Tapos minsan pa...k-kanin lang ang kinakain nila,” sabi ko at pinunasan ng likod ng kamay ko ang luha kong tumutulo na naman. “May mga pagkakataon kasi ay walang-wala kami,” dagdag na saad ko pa. “H-Hindi na rin ako kakain nito kapag hindi ko kayo nakikita na kumakain,” sabi niya na pumiyok pa boses niya. Mahinang natawa ako at suminghot. Pinunasan ko rin ang mga luha niya. “Huwag kang umiyak. Nandiyan ang mga pinsan mo,” sabi ko. Parang may sariling buhay naman ang lima dahilan mas na-enjoy nila ang pagkain nila nang hindi na nga kami pinapansin pa ng mga ito. “Hindi ko lang din... mapigilan ang emosyon na ito, Tharisma... Ako, kung magugutom man ako ay puwede akong magtawag ng screw para sa room service sa hotel. Kung gusto ko sa fancy restaurant ay anytime mapupuntahan ko. Lahat ng gusto kong kainin ay makakain ko pero ang isipin ko lang ang paghihirap ninyo... Kahit ang...ulam...ay halos hindi na kayo makakain? Iyong tipong tinatrabaho mo pa ang lahat... Sa mga oras na ikaw ang nahihirapan para lang buhayin ang mga anak natin pero nasaan ako? Prenteng nakaupo lamang ako sa opisina ko, nagtatrabaho, wala mang masyadong ginagastusan ay buwan-buwan na nadadagdagan ang mga pera ko. Ikaw? Kailangan mo pang magtrabaho at iwan si Deno sa bahay na tinutuluyan ninyo para lang makabili ng gamot ni Deni... Tharisma...wala kang kasing bait sa mundong ito. Nag-iisa ka lamang at pangakong iingatan kita,” mahabang saad niya at ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. “I’m so proud of you, baby...” Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ito sa labi niya para patakan ng masuyong halik. Tinapik ko ang kamay ng balikat gamit ang isa ko pang kamay. “Sabi mo nga, ang mahalaga ay nakaligtas kami. Hindi ko sinasabi iyon sa ’yo dahil sinusumbatan kita, Levi. Gusto ko lang malaman mo ang naging buhay naming mag-ina ng hindi ka namin kasama. Pero ngayon...hindi na problema sa akin ang pera kung paano ako makakabili ng gamot ni Deni at hindi ko na rin maiiwanan pa ng mag-isa sa bahay si Deno,” wika ko. “Gagawin ko ang lahat, gumaling lang sila. Sa ngayon ay wala kang dapat alalahanin,” sabi niya at dahan-dahan na akong tumango. “Umuwi na kayo pagkatapos niyong kumain.” At binalingan na naman niya ang mga pinsan niya. “Mamaya pa, pinsan. Hindi pa umiinit ang inuupuan ko,” reklamo ni Kuya Crist. “Sino pala si Cristalle, Levi? Girlfriend ba niya o asawa niya?” tanong ko. “Hmm, no. Anak niya iyon,” sagot niya sa akin na ikinatango ko. “Silang lahat kung ganoon ay kasal na?” tanong ko pa. “Yes, nauna lang ikinasal si Jackele. Si Leo ay sa ibang bansa pa. Si Crist naman, civil wedding pa lang,” paliwanag niya. “Sige na, ubusin mo na ’yan.” Wala na nga akong nagawa pa kundi ang ubusin ko na lamang ang pagkain ko. Pagkatapos no’n ay nakita kong nakatulog na si Deni. Lalapitan ko sana ito para ayusin ang kumot niya at ang pagkakahiga niya sa hospital bed niya nang maunahan na ako ng Tito Leo niya. Masyado rin siyang maalaga. Si Kuya Crist naman ay binuhat pa niya si Deno para lumipat nang mauupuan. “Ano pala ang balak ninyong dalawa pagkatapos ng operasyon nila?” tanong ni Kuya Jackele. Napatingin naman ako kay Levi. Wala akong idea sa planong iyon. Ang gusto ko lang ay gumaling sina Deni at Deno para wala na akong alalahanin pa. “Saka pa lang kami magpaplano kung gagaling na ang mga bata, Jackele,” sagot ni Levi. “Tata, hindi ko akalain na...sa huli pala ay magiging isang pamilya na rin tayo,” sabi ni Kuya Leo. Ngumiti lang ako dahil wala naman akong masasabi pa. “Grabe naman kasi kung makatuhog itong si Levi at sinigurado niya talaga na may remembrance pa siya.” “At hindi lang iyon, nagsilang din siya ng dalawang miyembro ng pamilya natin. A Leogracia, kahit na...ang hirap pa nang pinagdaanan ninyong mag-iina pero you still survive. I’m so proud of you, Tharisma.” Mas lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Kuya Crist. “Salamat po, Kuya Crist,” sabi ko. “Mabuti na lamang ay tinanggap mo ulit ang pinsan namin. Knowing what he did to you before...” sambit naman ni Kuya Jackele. Nilingon ko si Levi na masama ang tingin sa kanya. Pero nang maramdaman niya na nakatitig ako sa kanya ay binalingan niya ako. Magaan pa siyang ngumiti sa akin. “Si Levi na lang po ang puwede kong lapitan. Siya na lang po ang pag-asa naming mag-iina,” mahinang saad ko na sapat na upang marinig nila. Sabay pa silang napatango. “Levi, gusto mo bang dalhin na lang natin sa ibang bansa si Deno? Doon na lang natin siya ipaopera para sa eyes transplant niya,” suhestiyon ni Kuya Leo. “Wala pa ngang donor si Deno, Leo, eh. Isa pa hindi kami puwedeng bumiyahe dahil bukas na ang operasyon ni Deni,” paliwanag ni Levi. “Ako ang bahala sa donor niya. May mga kilala akong doctor na puwedeng makatulong sa akin. Hindi problema ang paghahanap ng donor niya. Basta ooperahan siya sa hospital ng kaibigan ko. Kung ipagkakatiwala ninyo naman si Deno sa amin? My wife will take care of him, pinsan. My wife is Ophthalmologist doctor, nakalimutan mo na ba iyon?” Ibinalik ni Levi ang tingin niya sa akin. “Ilang buwan ang recovery kapag sa mata ooperahan?” tanong niya sa pinsan niya. “Two to three months, puwede ninyo naman siyang dalawin kung gusto ninyo.” I looked at my son, ganoon din ang ginawa ni Levi. “Tharisma?” tawag sa akin ni Levi. “Kung...para naman ito kay Deno ay bakit hindi?” tugon ko. “Puwedeng ikaw ang sumama kay Deno, Tharisma. Ako na lang ang bahala kay Deni. Susunod na lang kami kapag puwede nang bumiyahe ang anak natin,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko. “Puwede rin naman na...kami na lang ni Deni ang maiiwan dito. Samahan mo na lang si Deno. Sa ating dalawa ay ikaw ang mas kailangan ni Deno,” suhestiyon ko pero kitang-kita ko ang hindi niya pagsang-ayon sa sinabi ko. “Tata, hindi ko kayo puwedeng iwan dito ni Deni. Mas palagay ang loob ko kapag ikaw ang nasa ibang bansa kasama si Deno.” Umiling ako sa kanya. “Ikaw na lang, Levi.” “Don’t worry, Levi. Ako na ang bahala sa mag-ina mong maiiwan dito,” sabi ni Kuya Crist. “Ako rin,” sabi naman ni Kuya Jackele at itinaas pa niya ang kanang kamay niya. “Leo, puwede naman kasi na sa hospital na lang operahan si Deno.” “Takot ka lang mawalay sa mag-ina mo,” sabi ni Kuya Leo na nagawa pa siya nitong irapan. “Wala lang kasi akong tiwala sa mga taong nasa paligid niya.” “Hoy, grabe ka naman diyan, pinsan!” Natawa na lamang ako sa tagpo nilang iyon. “Hindi naman namin sila pababayaan, oy.” “Tharisma, pag-isipan mo muna nang mabuti ito.” “Levi, kung nag-aalala ka dahil baka sumugod sa amin ang Mommy mo ay huwag mo nang alalahanin pa iyon. Hindi ko hahayaan na masaktan niya ang anak natin,” sabi ko para sumang-ayon na siya. “I’ll think about it, Tharisma.” Ayaw pa talagang sumang-ayon sa digest ko, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD