#BOOKISHHAVEN YOU'RE MY PRECIOUS LOVE LYN HADJIRI SPECIAL CHAPTER 2: Life begins “DITO ka na lang. Huwag ka nang bumaba pa. Levi...” Napahinga na lamang ako ng malalim. Ang kulit talaga ng asawa kong iyan, eh. Kaya ko naman bumaba nang mag-isa lang pero kailangan pa talaga niya akong pagbuksan ng pinto. Hinarangan niya rin ang kamay niya sa itaas ng ulo ko. “Huwag mong kalimutan ang lunch pack mo, ah?” ani ko. “Yes po, Ma’am.” “Sige na. Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya at tatalikuran ko na sana siya nang hilahin niya ang kamay ko. “Oh, bakit? May nakalimutan ka pa” tanong ko. Ngumuso siya at itinuro niya pa ang labi niya. Nang makuha ko ang ibig niyang sabihin ay mahinang hinampas ko ang dibdib niya. “Baby...” “Bawal PDA sa university, honey. Maraming batang estudyante rito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


