#BOOKISHHAVEN YOU'RE MY PRECIOUS LOVE LYN HADJIRI SPECIAL CHAPTER 1: Life being married AIRA THARISMA’S POV MAAGA pa lamang ay gumising na ako para sa paghahanda. Nang sipatin ko ang orasan namin sa loob ng aming silid ay 4:15 pa lamang nang umaga. Napangiti ako nang makita ko na mahimbing na natutulog ang mag-ama ko. Si Levi na yakap-yakap ang bunso naming anak na si Kevi Allen. Ang five months old naming baby boy. Mag-iisang buwan pa lamang ako sa college ay nabuo na siya agad. Kaya habang pumapasok ako sa school ay ang mga panahon din na pinagbubuntis ko ang pangatlo naming anak ng asawa ko. Hindi naman ako nahihiya na pumasok habang malaki na ang umbok ng tiyan ko. Isang blessing ang baby kaya dapat maging masaya tayo kapag dumating sila sa atin ng hindi pa natin inaasahan o hin

