Epilogue LEVI EZEIL’s POV NAKARATING ako sa hotel at nadatnan ko si Enrique na nagwawala at mukhang may nangyari sa kanya. Nakukuha na rin niya ang atensyon ng mga tao sa paligid niya. Kahit na kailan talaga ay wala siyang pakialam sa mga tao na puwedeng manood sa eskandalo na ginagawa niya. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagtungo na ako sa direksyon nila. “What’s going on here?” tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanila. May isang babae na... simple lang ang pananamit niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya mula sa akin pero may katangkaran siya kahit naka-sapatos lang siya. “Baby! Sino ba ang babaeng ‘to?! Ang sama niya, binunggo niya ako!” agad na reklamo ni Enrique. Mabilis talaga mag-init ang ulo niya kaya ang labong magustuhan ko pa siya. Kah

