Ang mga sumunod na araw ay mas lalong naging mahirap para sa kanila. Hindi niya alam kung bakit pero parang pakiramdam niya pinarurusahan sila. Wala pa ring naririnig si Jace tungkol sa mga trabahong pinasahan niya maski ang makakuha ng kontrata sa paglilinya ng electrical wirings sa mga bagong tayong bahay o building, wala! Para bang pinagtataguan siya ng trabaho! Mas lalong nagiging mahirap para sa kanya ang lahat kapag nakikita niya ang paghihirap at pagtitiis ng kanyang mag-ina. Mas lalo na kapag nakikita niya si Ara, how she became cold and aloof from the moment he could've done something wrong with her. Kapag naaalala niya ang araw na 'yon, wala siyang makuha kundi galit at pagkamuhi sa kanyang sarili. Ano bang nangyari sa kanya? Paano niya nagawang paasakitan ang babaeng mahal na

