At that time, Jace had to accept the fact na lumubog siya. Na sinubok siya ng Panginoon at hinayaan niya ang sarili na magpakalugmok imbes na magpakatatag para sa kanyang pamilya. Masyado siyang naging kampante na para bang permanente ang lahat...hindi niya naisip na maaaring magbago ang lahat at mangangailangan siyang dumanas ng hirap at kagipitan. Magmula nang araw na magkausap sila ng masinsinan ni Ara, ginawa niya ang lahat upang makaiwas sa mga bagay na makakapagpasama ng loob nito. Mga bagay na maaaring maging dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay. Walang-wala na nga siya, maiiwan pa siya ng kanyang mag-ina? At hindi niya iyon pwedeng isisi kay Ara dahil alam naman niya ang puno't dulo kung bakit lumayo ang loob nito sa kanya. Ngayon niya napagtanto kung gaano kahirap ang ginaga

