Napaigik siya ng marahas na hawakan ni Jace ang kanyang magkabilang braso saka siya hinila papasok sa loob ng apartment. Madiin ang pagkakahawak nito na ramdam niya ang hapdi sa kanyang balat. "Jace, ano ba!" Panay ang pagpupumiglas niya upang makawala sa mga hawak nito ngunit animo mga bakal ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Nasasaktan ako!" "Talagang masasaktan ka sa oras na hindi mo itigil ang kalokohan ko!" Napangisi ito, naroon ang galit sa mga mata habang nakatitig sa kanya. "I was very patient with you...ibinigay ko naman ang lahat sa'yo, ah? Pero bakit ngayong nagkukulang ako, basta mo akong ipagpapalit sa Dave na 'yon! Anong klaseng babae ka ba, ha? Mahal ko ba talaga ako? O, pinili mo lang ako noon dahil sa mga naibibigay at nagagawa ko para sa'yo?" Parang nanlaki ang ulo

