Chapter 28

1618 Words

Ang sumunod na mga sandali ay tila naging kasing lamig ng panahon. Kakatwang sa kabila ng nangyari ay nagawa pa rin nilang tapusin ang kanilang hapunan. Ngunit ang kaninang makulit at masayang kwentuhan ay nauwi sa katahimikan at pakiramdaman.  Tinangka ng dalaga na lumapit at magpaliwanag kay Jace ngunit halata ang pag-iwas nito sa kanya. Inabala nito ang sarili sa pagtingin sa laptop nito. May kailangan daw itong pag-aralang plano. Hindi naman niya magawang magpumilit dito dahil kita niya ang pagsasalubong ng kilay nito, halatang may dinaramdam. Siya naman ay pilit ibinaling ang atensyon sa pinanonood na pelikula pero sa totoo lang, wala naman siyang naiintindihan sa kanyang pinanonood dahil ang atensyon niya ay nasa binata sa kanyang tabi. Ang lapit lang nito sa kanya ngunit para bang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD