CHAPTER 49: Lalong nagkaroon ng pagkalito si Shaika sa kanyang paniniwala tungkol sa mga politiko. Hindi niya maiwasang ikumpara si Zeldris sa mga politikong sinasabi ni Herlene sa kanya na hindi gumagawa ng masama at walang bahid ng dumi ang pangalan. Ayaw man niyang sabihin o aminin sa sarili, nakikita niya talaga sa binata ang mga salitang paulit-ulit na ipinapaalala ng kaibigan niya sa kanya. Mahirap para sa kanya na tanggapin ang naiisip niya na ang mga politikong sinasabi ng kaibigan niya ay pareho sa binata—dahil nga ang mga sinasabi ni Herlene ay hindi naging target ng Dark Knight habang si Zeldris ay may record sa grupo bilang patunay na may ginagawa itong katiwalian. Bata pa lang siya ay naniniwala na siyang may kakayahan talaga ang grupo na isiwalat ang totoong pagkatao ng isa

