CHAPTER 40: Ilang beses na pagkurap ang nagawa ni Zeldris nang marinig niyang tawagin siya ng dalaga bilang ‘mayor.’ Dahil mula nang maging bodyguard niya ito, o kahit pa noong unang pagkiikita nila ay hindi niya pa narinig na ginalang siya ni Shaika. Tila isang magandang pagbabago ito sa kanya na sana ay hindi na bumalik sa dati. Pinili ng binata na maging kalmado sa kabila ng tuwa. “Gaano ba ka-importante ang gusto mong hingiing tulong at hindi ka makaupo?” alok niyang muli kay Shaika. Prente at kalmado lang si Zeldris kahit na kating-kati siyang itanong kung anong masamang hangin ang dumapo sa kaharap niya dahil naisip nitong kausapin siya ng may paggalang. Matindi ang ginawa niyang pagpigil sa sarili niya upang hindi iyon masambit dahil halata niya sa dalaga na sobrang importante ni

