CHAPTER 41: Gulong-gulo ang isip ni Shaika nang makalabas siya ng opisina ni Zeldris. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya matapos nitong marinig ang mga salitang binitiwan ng binata. Ayaw niyang yakapin ang prinsipyong kinalakihan ng kaibigan niya at ng mayor dahil nga napaka layo nito sa pinaniniwalaan niya at sa sinapit niya. Pero nang marinig niya ang mga salitang iyon, tila nawalan siya ng lakas na ipaglaban ang katuwiran niya. Dire-diretso ang naging lakad ni Shaika palabas ng opisina ng mayor at hindi pinansin ang kahit na sino. Natural na sa kanya ang hindi mamansin sa mga kasamahang guwardiya o hindi kaya ay mga empleyado ng munisipyo, pero mas kakaiba ang naging kilos niya na para bang wala siyang nakikitang ibang tao sa paligid niya habang naglalakad. Hanggang sa ma

